AcknowledgementFirst of all, thank you so much, Almighty God, for this talent You have given me. I am nothing without all of these blessings. Thank You so much.Thank you so much to everyone who helped me with this book.Thank you, Ukiyoto Publishing for giving my story a chance to be published under your company. Thank you for all the efforts you put into this.Thank you, Guilty Reads, especially my mentor, Ate Rayne Mariano, for helping me with things regarding this. Thank you for all the lessons you gave us in terms of writing—and life! I will forever be grateful that I became a part of the community you are building. I will make good use of it, I promise!Thank you so much, Didit, for helping me with the manuscript editing/proofreading! You’re the best!Thanks to Ate Heynette for the awesome book cover! You create the best book covers ever! I love all of it—every art of yours is beautiful! Thank you so much to my friends who have helped me in my down times! Kapi Ga
About the Author Mariss Mariano, also known as marisswrites on W*****d, is a 24-year old writer living in the province of Nueva Ecija, Philippines. She fell in love with writing at the age of 14 when she started scribbling on her big notebook about the first story she wanted to write. Two years later (2013), she found herself writing in an online platform called W*****d and that starts her career as an online writer focusing on Romance but trying to explore different genre. Mariss won The Watty Awards 2020 with her winning story Saving Serene under Young Adult category. The story is about a woman named Serene who lost her will to live because she didn’t know what she wants to do with her life and her journey to saving herself.
Napatakip ako sa tainga ko nang pagkapasok namin sa loob ng bar, para akong nabingi sa lakas ng tugtog at mga hiyawan ng mga tao sa loob.Habang naglalakad papunta sa puwestong naka-reserve para sa amin, napamura ako dahil sa sakit ng ulo ko sa sobrang lakas ng ingay, tugtog, at sa iba’t ibang uri ng amoy na naaamoy ko ngayon.“Argh, ang ingay . . .”Nang makarating kami sa isang couch na kakasya sa aming apat, itinulak ako ni Aldrin sa couch. Tiningnan ko nang masama si Aldrin.“Parang gago naman ‘to, hindi pa tapos ang plates ko!” bulyaw ko sa kan’ya.They all laughed. Hindi naman kasi talaga ako sasama dito dahil nga gumagawa pa ako ng plates. Buwisit lang kasi ng mga bobong ‘to, hindi ba sila makakainom nang wala ako? Dala ko ba yung mga shot glass at alak?“Smile ka na, pare. Eto naman, sa Friday pa naman deadline n’on, sabi mo?” sabi sa akin ni Jin. Nagbuga na lang ako ng malalim na buntonghininga, kasabay ng pagkunot lalo ng noo ko.Sinalinan na ni T
“Tabi ka nga!” pagtulak sa akin ni Jin dahil pareho kaming gumagawa ng plates namin ngayon sa condo. “Ano? Kumusta na kayo ngbar girlmo?”I sighed in frustration.“Manahimik ka nga’t baka isaksak ko sa lalamunan mo ‘tong T-square na hawak ko,” iritang sagot ko sa kan’ya.He laughed. “Gago, hindi mo pa nahahanap?” tumingin ako sa kan’ya nang nagtataka. “Schoolmate n’yo, gago!”“Hindi ko hinahanap, at wala akong pakialam, Jin Harold Ocampo.”Muli siyang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. “Ba’t kasi hindi na naman maipinta ‘yang pagmumukha mong gago ka?” pumaywang pa talaga ang loko, akala mo naman boss ko amputa, sakalin ko ‘to, eh. “Ilang araw ka nang badtrip simula noong gabing ‘yon, hindi mo ba sasabihin?”Tumingin ako nang masama sa kan’ya bago ibinaba ang hawak kong T-square at inilagay ang mechanical pencil sa tainga ko na para bang ordinaryong lapis lang ito.“Hindi ko kasi maintindihan, pare!” I sighed. “Hindi naman nangyari sa akin pero ba’t no’ng gabing
Kinuha niya ang bote ng Tequila sa akin at siya na ang nagsalin ng alak sa mga baso naming dalawa. Para pa rin akong na-hypnotize sa tingin ng mga mata niya. Ngayon naiintindihan ko na.Nagiging dark blue ang mga mata niya kapag natatamaan ng liwanag o ng kahit na anong ilaw.Enchanted ba ang tawag sa ganitong pakiramdam?Anghiwagalang. Gusto ko pang tumawa nang makagawa ng joke sa sarili ko. Napakanta pa ako ngI was enchanted to meet you . . .ni Taylor Swift.Putek, ang corny!Iniusog niya ang baso sa akin at nakipag-cheers. Nang ngumiti siya, napalunok ako bago kinuha ang baso at nakipag-cheers sa kan’ya. Sabay naming ininom ‘yon.“May . . . gusto ka raw pag-usapan? Sabi ng kaibigan mo . . .”Nang marinig ko ang boses niya sa kabila ng ingay ng mga tao sa lugar, para akong ibinalik sa gabing ‘yon, na siya ang kasama ko. Pakiramdam ko, palaging may kakaiba kapag siya ang kasama ko.Argh! Ano na naman ba ‘to?!Ibinaba ko ang baso matapos k
Napainom ako sa sarili kong kape at nakaramdam ng ginhawa sa lamig nito at sa sarap. Matapos uminom, tumingin ako sa kan’ya at sumagot sa sinabi niya.“Hindi ko naman sinabing gusto ko ang mga mata mo . . .”Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ‘to. Totoo bang ayaw ko ng mga mata niya o sinabi ko lang ‘to dahil ayaw kong masama sa mga taong kinaaayawan niya?She laughed. “Kasasabi mo lang na maganda ang mga mata ko.”Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin kaagad sa kan’ya. I saw, once again, her dark blue eyes because of the lights that strikes her face. She smiled when she saw that I’m staring at her. I gulped as my heart started beating wild again.The fuck is happening to me?“Hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto.”I saw her mouth parted slightly with what I said. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. She laughed louder, making the other people inside the coffee shop to look at us.“Alam mo, sa ‘yo ko lang narinig ‘yan!”
Kung hindi siguro tumatatak sa isip ko ang bawat salita ng boses niyang ang sarap sa pandinig, baka isipin kong busted na kaagad ako kay Savannah matapos niyang sabihing hindi siya komportable sa akin.Pero kung hindi siya komportableng totoo, bakit sinabi niya ‘yon nang may magandang ngiti sa mga labi niya, hindi ba?Nakalabas na ako ng sasakyan niya at papasok na ako sa lobby nang mapagtanto ko ang lahat ng ‘yon. Mula sa lobby, bumalik ako sa kung nasaan si Savannah. Hinabol ko ang sasakyan niyang papalayo na sa building ng condo. Kinatok ko ang bintana ng driver’s seat, dahilan para tumigil siya sa pagmamaneho at ibinaba ang bintana.“May naiwan ka ba?” tanong niya sa akin.Humihingal akong ngumiti bago nagsalita. “Hindi rin ako komportableng kasama ka.”Tumawa siya bago iniabot ang cellphone sa akin. “P’wede ba tayong magpalitan ng number? Para maging komportable na tayo sa isa’t isa.”Tumawa ako, kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko ngayong kausap ko siya habang
“Tara na, pare.”Napalingon ako kay Aldrin at Terrence na nasa labas ng room namin, mukhang hinintay ako. Kinuha ko ang cellphone ko.“Hindi ako sasabay.”Tiningnan ako nang masama ni Terrence.“‘Tang ina, hindi sinabi!”Tumawa lang nang tumawa si Aldrin bago ako pabirong sinakal gamit ang braso niya habang kinukutusan ang ulo ko.“‘Tang ina mo talaga!”Nagtatawanan silang dalawa bago umalis sa building. Tinawagan ko na si Savannah na mabilis niyang sinagot.“Tapos na ang klase mo?” tanong ko habang bumababa sa hagdan.Tumawa siya at nagpaalam sa mga kaklase, base sa narinig ko sa kabilang linya, bago siya sumagot sa akin.“Oo, katatapos lang.”“O, sige. Papunta na ako,” sabi ko at nagmadaling bumaba ng hagdanan.“Huwag na! Sa parking lot na lang, magsasayang ka pa ng oras, one hour lang ang lunch break ko.” Bahagya siyang tumawa. “Sige na, papunta na ako.”“Hmm, sige.”Pinatay na niya ang tawag.Lakad-takbo ang ginawa ko nang sa gano’n, mauna ako sa kan’ya