Share

Chapter 3

 

Napainom ako sa sarili kong kape at nakaramdam ng ginhawa sa lamig nito at sa sarap. Matapos uminom, tumingin ako sa kan’ya at sumagot sa sinabi niya.

“Hindi ko naman sinabing gusto ko ang mga mata mo . . .”

Hindi ko alam kung bakit sinabi ko ‘to. Totoo bang ayaw ko ng mga mata niya o sinabi ko lang ‘to dahil ayaw kong masama sa mga taong kinaaayawan niya?

She laughed. “Kasasabi mo lang na maganda ang mga mata ko.”

Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero ibinalik ko rin kaagad sa kan’ya. I saw, once again, her dark blue eyes because of the lights that strikes her face. She smiled when she saw that I’m staring at her. I gulped as my heart started beating wild again.

The fuck is happening to me?

“Hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto.”

I saw her mouth parted slightly with what I said. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko dahil doon. She laughed louder, making the other people inside the coffee shop to look at us.

“Alam mo, sa ‘yo ko lang narinig ‘yan!”  she said, laughing. “Nakakatawa kapag sa lalaki nanggaling, pero sobrang totoo naman!”

Napangiti na lang ako habang tinitingnan ko siya na tumawa nang tumawa sa harap ko. Hindi ko maintindihan kung ano ‘yong nakakatawa sa sinabi ko, pero natutuwa ako ngayong panoorin siyang masaya na tumatawa sa harap ko.

Damn, she’s captivating . . .

Halos nakapikit man ang mga mata sa pagtawa at hindi man makita ang pagka-blue ng mga mata niya, sobrang ganda niya pa rin.

Pero hindi naman lahat ng maganda, kagusto-gusto, hindi ba?

“Okay,” kumalma na siya sa pagtawa at umayos na ng upo. “Salamat. Pinatawa mo ako nang sobra pero huwag kang mao-offend kasi nakakatuwa lang na narinig ko ‘yon sa lalaking tulad mo. Sobrang totoo lang kasi talaga.”

Ngumiti siya bago kinuha ang kape sa lamesa at uminom dito.

“Lalaking tulad ko?”

Ngumisi siya habang umiinom sa straw, bago ibinaba ‘yon sa lamesa.

“Secret.”

“Tss,” bahagya akong tumawa bago ininom na rin ang kape.

“Pero paano mo ba malalaman kung kagusto-gusto ang isang tao?” tanong niya.

Paano?

Paano nga ba? Tanong ko rin sa sarili ko ‘yon. Paano ba malalaman na kagusto-gusto ang isang tao, kung sinabi kong hindi lahat ng maganda ay kagusto-gusto?

‘Tang ina kasi, kung anu-ano sinasabi para lang hindi ayawan ng babae, eh! Tss.

Napaawang nang bahagya ang bibig ko nang hindi ko malaman kung ano ang mga dapat kong sabihin. It’s like I’m lost for words. Damn, I’ve never been this nervous before! Fuck it, Connor.

Bahagya siyang ngumiti. “Hindi mo masagot, ‘no? Kasi wala namang dahilan para magustuhan mo ang tao. Bigla mo na lang nararamdaman. Biglang mag-iiba na lang ang pakiramdam mo. Kapag gusto mo na ang isang tao, biglang hindi ka na komportable pero sa magandang paraan.”

Ngumiti siya bago humigop sa kape niya, nananatili ang tingin sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko. I slightly looked away and cleared my throat, before looking at her again.

“Kapag ba may dahilan, hindi na totoo yung pagkagusto?” tanong ko.

Ibinaba niya ang iniinom sa lamesa. Paubos na rin ang kape niya, tulad ng sa akin. Humalukipkip siya at sumandal sa kinauupuan. Napatitig ako sa labi niyang nabasa na ngayon ng iniinom niya. Muli akong napalunok sa kaba na naramdaman.

“Paano kung nawala na yung dahilan?”

Paano kung nawala . . . “Eh ‘di maghanap ng bagong dahilan.”

Nice, nice. Gusto kong tapikin ang sarili kong balikat dahil nagawa kong ilusot ang sagot kong ‘yon, dahil alam ko sa sarili kong tama ako. Ipagyayabang ko talaga ‘to sa tatlong itlog sa condo!

Sa maikling segundo, nakita ko ang pagbabago sa reaks’yon niya pero hindi ‘yon gaanong halata. Itinuloy ko ang gusto kong sabihin.

“Hindi naman nauubos ang dahilan para magustuhan at mahalin ang isang tao o ang isang bagay. Laging mayroong dahilan. Laging . . . mayroong . . . paraan para hindi mawala.”

Gusto kong ngumisi kasi nailusot ko na naman ‘yon. Ang dami kong nasabi ngayong gabi na hindi ko pinag-isipan, at lahat ng ‘yon, dala lang ng emos’yon ko ngayong kasama ko si Savannah.

Lahat raw thoughts pero alam kong totoo.

Ahh . . . Savannah.

Bahagya siyang ngumiti bago kinuha ang kape sa lamesa at tuluyan nang inubos ‘yon. Kinuha ko na rin ang sa akin at inubos na. Napapikit pa ako sa sakit ng ulo na naramdaman nang humagod ang sobrang lamig na kape sa lalamunan ko. Ibinaba ko ‘yon at tumingin sa kan’ya.

“Labas tayo. Lakad,” she said as she pointed at the doorway.

Tumango ako at nauna nang tumayo sa kan’ya. Halos magkasabay kaming lumabas ng High Grounds pero nananatili ang distansiya sa aming dalawa. Tuluyan na kaming nakalabas ng High Grounds, naririnig ang mga sasakyan na nagdaraan. Nararamdaman ko na ngayon ang preskong hangin na humahalik sa mga balat namin.

Nagbuga siya ng buntonghininga tsaka nagsalita, habang naglalakad kami, dahilan para mapalingon ako sa kan’ya.

“You promised me,” sabi niya bago tumingin sa akin at ngumiti. “May ikukuwento ka, ‘di ba?”

Napatango ako at napangiti nang maalala ko ang gabing ‘yon kasama siya at ang mga alaalang alam kong hindi sa akin.

“Parang may naalala lang ako.”

I saw in my peripheral vision that she looked at me, but I didn’t look at her because of the strange feeling I have whenever I look at her. Parang bago nang bago kapag siya ang kasama, eh.

“Ano?”

Nagkibit-balikat ako bago pinaghawak ang dalawang kamay sa likod ko. “Memories that, I know, were never mine. Alam mo ‘yon? Parang may naalala ka na nangyari sa ‘yo noon, pero hindi naman talaga nangyari in the first place.”

Napabuntonghininga ako dahil ito ang dahilan ng frustration ko nitong mga nakaraang linggo. Hindi ko pa rin maintindihan, pakiramdam ko, hindi normal ito.

Am I going insane?

“Ano naman ‘yon?” tanong niya, dahilan para mapalingon ako sa kan’ya.

I chuckled. “Naalala mo ‘yong ginawa mo noon? Pinitik mo yung sigarilyo paalis sa bibig ko, tapos sinabi mong huwag ako manigarilyo kasi bawal sa ‘yo . . . na, kung maninigarilyo ako, huwag ako ro’n?” Napaawang ang bibig niya at napatango-tango. “Pakiramdam ko, nangyari na, pero hindi naman talaga.”

At isa pa . . . malabo man ang tao na ‘yun sa alaala ko, alam kong hindi si Savvy ‘yun. Pero bakit pakiramdam ko, ako yung lalaki? Parang sa panaginip—hindi mo nakikita ang sarili mo pero alam mong ikaw talaga ‘yon.

“Déjà vu.”

Napakunot-noo ako, dahil naalala ko na inisip kong ‘yon nga ‘yon, pero hindi ba’t kapag déjà vu, ibig sabihin, nangyari na sa ‘yo na naulit lang? From the word itself. Kung ita-translate ko sa english ang French word na déjà vu, ang ibig sabihin ay already seen. Pero paanong magiging déjà vu ‘yon kung ngayon lang nangyari sa akin? 

Alam ko sa sarili kong hindi naman naulit, pero yung pakiramdam na nangyari na rin sa akin noon, parang totoong-totoo.

Parang may mali sa sarili ko—dahil ba kulang ako sa tulog? ‘Tang inang Engineering kasi, bakit ‘yan pa kinuha ko?

Tumigil siya sa paglalakad na siya ring ginawa ko. Sa pagtigil namin, mas naramdaman ko ang lamig ng hangin at ang tunog ng mga sasakyang nagdaraan. Mas lalo kong nakita ang . . . kagandahan niyang alam kong kagusto-gusto.

“Bakit naging déjà vu ‘yon? Alam kong hindi nangyari sa akin ‘yon.”

Bahagya siyang humalakhak. Pakiramdam ko, nag-init ang mukha ko sa tunog ng tawa niyang ‘yon. Humalukipkip siya at itinuon ang atens’yon sa mga nagdaraang sasakyan.

“Hindi naman por que déjà vu, ibig nang sabihin, naulit na pangyayari sa buhay mo. Mahilig akong magbasa tungkol sa mga bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya. Hindi ko naman sinasabing alam ko ang lahat ng tungkol d’yan, pero ang natatandaan ko sa nabasa ko, hindi lang naulit na pangyayari mismo sa sarili mo ‘yan.”

Napalunok ako sa kaseryosohan ng boses niya. Alam ko na, magmula pa kanina, na hindi lang siya yung babaeng katulad ng iba, kasi alam ko na sa bawat salitang binibitiwan niya, mayroong lalim. Mayroong kahulugan.

Lumingon siya sa akin at ngumiti nang bahagya.

“Naniniwala ka ba sa past lives?” tanong niya na nagpakunot lalo ng noo ko. “Eh sa parallel universe?”

Past lives? Masiyado naman yatang coincidence ‘yon kung sakali. Alam kong marami nang palabas sa Netflix ang nauuso ngayon tungkol sa past lives, pero para sa akin, ang hirap pa rin paniwalaan.

At parallel universe? Very magical. Ang hirap din paniwalaan ng isang ‘to dahil kung totoong may parallel universe . . . bakit nandito lang ako? Kami? Bakit wala yung lagusan patungo sa parallel universe shits na ‘yon?

At kung totoo . . . bakit hindi mapatunayan ng experts at scientist? Ng mga genius?

Bahagya akong tumawa matapos maisip ang lahat ng ‘yon, bago humalukipkip na rin at sumagot. “Hindi.”

Ngumiti siya. “Predictable.” She laughed. “Ako, oo.”

Tumango ako nang may maliit na ngiti sa labi. “Halata naman sa ‘yo. Interesado ka sa mga bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya, hindi ba?”

Bahagya siyang tumawa bago ibinalik ang atens’yon sa pailan-ilan na lang na sasakyang dumaraan.

“Alam mo, nabasa ko noon ‘yang nararanasan mo ngayon. Mayroong iba’t-ibang klase ng phenomena na nangyayari sa isang tao—kasama na ‘yang déjà vu. Pero may iba’t ibang klase ng déjà vu. Déjà vécu, Déjà rêvé... marami pa. Mayroon din na kabaliktaran ng naranasan mo ngayon at mayroon namang tip of the tongue phenomena. Masiyadong marami ‘yan, kung tutuusin pero binasa ko yata halos lahat.” Tumawa siya nang mahina. “Wala kasi akong magawa.”

Sumulyap siya saglit sa akin at ngumiti, dahilan para dumagundong ang dibdib ko. ‘Tang ina, nasosobrahan na ba ako sa kape?

“May nabasa ako noon na, may rare doctors, neurologist or psychologists and psychiatrist ang naniniwala sa past lives at parallel universe . . .” Tumingin siya sa akin. “Hindi mo ba naisip na . . . baka ‘yong nasa alaala mo, ikaw at ako pala mismo sa nakaraang mga buhay natin?”

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko, mas kinabahan ako sa tanong niyang ‘yon. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi makapagsalita, kahit na marami akong gustong sabihin.

Pero ano naman ang gusto kong sabihin?

Ngumisi siya at tuluyan nang iniharap sa akin ang buong katawan niya habang nakahalukipkip. Hinangin nang bahagya ang buhok niyang mahaba, dahilan para pagpawisan ako nang malamig, at hindi ko alam kung bakit.

“O kung hindi naman . . . baka sa parallel universe, nangyari ‘yon sa eksaktong oras na nangyari ‘yon sa ating dalawa?” Saglit na nanatiling nakaawang ang bibig niya matapos niyang sabihin ang huli, bago ngumiti at itinuloy ang sinasabi . “‘Yon nga lang, hindi ako ang babaeng ‘yon sa parallel universe. Kasi naniniwala ako na nangyayari sa mundong ‘yon ang hindi p’wedeng mangyari sa mundong ito . . . na kung hindi para sa isa’t isa ang dalawang tao sa mundong ito, baka sila ang para sa isa’t isa sa mundong ‘yon . . .”

Parang tumayo ang balahibo ko sa mahabang sinabi niya. Wala akong ibang masabi at ibang maramdaman kung hindi ang mas lalong paghanga sa kan’ya . . . na bukod sa maganda siya at komportable sa akin . . . bukod sa lahat ng magagandang bagay na mayroon siya, sobrang humanga ako sa interes niya sa mga ganoong bagay.

Hindi ko man lang naisip ‘yon.

Ganoon siya kainteresado sa mga bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya; hindi ko pa nga napapaliwanag nang mabuti, may sagot na kaagad siya.

Bahagya siyang tumawa at hinawakan ako sa braso. Pakiramdam ko, namanhid ang parte ng braso kong ‘yon sa paghawak ng malamig niyang kamay.

“Halika na, umuwi na tayo,” sabi niya habang hinihila ako nang marahan pabalik sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. “Halos ala dos na, alam mo ba?” Tumawa siya.

Hinayaan ko lang siyang nakahawak sa akin habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya. Nang makarating, pinatunog niya ang car alarm at sabay kaming sumakay sa sasakyan niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Huwag kang mag-alala, normal lang ‘yan. I had the same experience too, and it’s called déjà rêvé.”

Matapos niyang sabihin ‘yon,  nagsimula na siyang magmaneho paalis ng lugar.

Déjà rêvé? The fuck was that? Nakaka-alien kausap si Savannah, pero nakakatuwa rin kasi pakiramdam ko, sobrang talino niya. Gusto ko na tuloy ngayong mag-aral ng mga tungkol sa gano’n, para naman makasabay ako sa mga topic na gusto niya.

Itatanong ko pa lang sana kung ano ang ibig sabihin no’ng sinabi niya, pero naunahan niya akong magsalita. Itinanong niya kung saan ang address ng condo ko, kaya sinabi ko ‘yon sa kan’ya.

“Ang layo n’yo sa QC, ah? Sa South pa pala kayo.”

Tumango ako. “Bigla lang nag-aya mga kaibigan ko.”

Tumango-tango siya. “Hindi ako noon mahilig mag-bar sa totoo lang, pero noong nag-college ako, natuto na akong makisama. Hindi na ako nalalasing ngayon.” Tumawa siya. “I realized that it’s not bad, though. I judged people before for going to a bar too often. Nalaman ko na okay naman pala. Masaya.”

Tumango ako at ngumiti. “Masaya nga.” Bahagya akong tumawa. “Ngayon ko lang din napagtanto . . .” Tumingin ako sa kan’ya. “Masaya pala mag-bar.”

Oo, Connor. Saya mo, ‘di ba? Parang nababaliw ka na sa kung anu-anong nangyayari sa ‘yo pero tuwang-tuwa ka pa rin kasi naging malapit ka kay Savannah.

Tumawa lang siya na parang nawirduhan sa sinabi ko.

Sa kahabaan ng b’yahe, marami siyang ikinuwento sa akin tungkol sa kan’ya at sa mga kaibigan niya. Multimedia Arts nga ang course niya, at mahilig din siyang mag-traditional painting. Paborito niya ang abstract.

Bigla kong inisip ang itsura niya noon na nakaipon ang buhok at may kaonting pinta sa mukha. yung apron na suot niya, may iilang pinta rin at sa isip ko, pakiramdam ko, sobrang ganda niya.

Gusto kong makita ‘yon sa totoong buhay.

“Dito ‘yon, ‘di ba?” tanong niya.

Tumingin ako sa labas ng sasakyan at nakita kong nasa harap na kami ng building ng condo unit. Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang . . . na para bang ayaw ko na munang bumaba.

Tumingin ako sa kan’ya at ngumiti nang bahagya. “Salamat sa paghatid. Hindi lang halata, pero masaya akong nakasama ka. Mag-iingat ka sa pagmamaneho.”

Ngumiti siya sa akin pabalik. Binuksan ko na ang sasakyan para bumaba nang magsalita siya.

“Connor . . .”

Tumigil ako sa paglabas at lumingon sa kan’ya. Ngumiti siya nang makahulugan, na hindi ko maintindihan, bago dinugtungan ang pagtawag sa akin.

“Hindi ako komportableng kasama ka.”

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status