Share

Chapter 12

 

Matapos kong sabihin ‘yon kay Savannah, ngumiti lang siya sa akin at tumayo, tsaka inaya akong kumain sa labas. Doon na rin niya ako pinatulog no’ng gabing ‘yon at kinabukasan nang umaga, umuwi ako sa condo.

Isang linggo na lang, tapos na ang buwan ng August. I went to her house again. Gumagawa siya ng painting niya sa studio. Masayang-masaya siya palagi at ngiting-ngiti sa tuwing titingin sa labas ng bintana dahil nakikita niya ro’n ang ulan.

Kinuhanan ko siya ng litrato nang makitang nakangiti siya habang nagpipinta. Ang tanga ko nga lang na hindi ko pala nai-off ang shutter sound!

“Hoy!”

Natatawa akong itinago ang cellphone ko nang bitiwan niya ang brush niya at lumapit sa akin sa couch.

“Wala! Binura ko na!” natatawang sabi ko.

Tumawa siya nang malakas bago tuluyan nang lumapit sa akin at sinubukang kuhanin sa likod ko ang cellphone.

“Akin na ‘yan! Ang pangit n’on! Burahin mo!”

“Binura ko na nga!”

Naitulak niya na ako sa couch pahiga habang pilit niya pa rin na kin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status