Share

Chapter 14

 

 

Tumango ako bilang tugon. Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin, pati ang paglayo niya sa akin. Inayos niya ang sarili niya at kumuha ng sariling panyo para ayusin ang sarili.

“Savannah . . .” I sighed. “I’m sorry.”

Lumapit ako sa kan’ya at niyakap siya mula sa likuran niya. Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtigil sa ginagawa dahil doon.

“A-Ano mo siya?”

Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kan’ya tsaka siya humarap sa akin. Nakayuko pa rin siya hanggang ngayon, iniiwas ang tingin sa akin.

“Dating . . . g-girlfriend.”

Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti. Wala na yung mga luhang nasa gilid ng mga mata niya na nakita kong nakaipon kanina. Ang bilis niyang magbago ng expression. Hindi ko mahuli kung ano ang nararamdaman niya ngayon.

If she’s angry or jealous, she can say that to me.

“Ahh . . .” napapatango-tango pa siya. “Kaya ba . . . ganoon ang reaks’yon mo noong . . . makita mo yung painting niya?”

She smiled again while her eyes were staring directly a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status