Share

Chapter 15

 

Tuwing umaga, sinusundo ko si Savannah sa bahay niya pero lagi siyang wala ro’n at nakaalis na. Sinusundo ko rin siya sa department nila para ihatid siya sa bahay niya, pero lagi niyang sinasabi na may pupuntahan at may gagawin pa siya.

Mahigit dalawang linggo na niya akong iniiwasan. Hindi ko na kaya.

Linggo nang umaga, pinuntahan ko siya sa bahay niya. Alam kong nandoon siya dahil nandoon pa ang sasakyan niya. Alam ko rin na hindi pa siya tapos diligan ang mga halaman niya dahil ang hose na pinandidilig niya ay nandoon pa sa garden niya at hindi nakatabi sa lagayan nito.

“Savannah!” malakas na tawag ko sa kan’ya habang paulit-ulit na pinipindot ang doorbell. “Savannah!”

Hindi ako tumigil sa pagpindot sa doorbell at pagtawag sa kan’ya, hanggang sa lumabas na siya, suot ang usual na pambahay niya. Walang mababakas na emos’yon sa mukha niya, kaya hindi ko masabi kung ano ba ang nararamdaman niya ngayong nakita niya ako. Naglakad siya papalapit sa akin pero hindi niya ako pin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status