Share

Chapter 6

 

Tulad ng sinabi ko, sinundo ko siya kinabukasan sa bahay niya. Ang inaasahan ko ngang bahay niya ay condo unit na katulad ng sa amin ng mga kaibigan ko, pero hindi. Two-storey house siya na mayroong malawak na garden.

Mas lalo akong naging interesado, dahil kadalasan ng mga nakikilala ko, sa isang condo unit nakatira o sa isang apartment, pero siya, hindi. Alam mong bahay ‘yon na ginawa ayon sa kagustuhan isang tao.

Halos isang buwan na ang nakalipas nang magsimula kaming maging malapit sa isa’t isa, at sa bawat araw na nararamdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin, para akong paulit-ulit na nahuhulog—nalulunod.

“Malapit na ang rainy season,” masayang sabi niya habang nakaupo sa shotgun seat.

Katatapos lang naming kumain ng hapunan sa isang restaurant at ngayon, ihahatid ko na siya pauwi sa bahay niya. Hanggang ngayon, hindi pa ako nakakapasok sa loob n’on, pero wala naman ‘yong kaso sa akin dahil natural naman ‘yon. Kahit naman siya, hindi pa nakakapasok sa unit ko. Baka lang pag-trip-an siya ng mga kaibigan ko kapag dinala ko siya ro’n kaya sa susunod na lang.

“Bakit? May ano ba sa August?” tanong ko bago tumingin sa kan’ya. She smiled beautifully while looking outside the car. “Gusto mo ba ang rainy season?”

Tumingin siya sa akin at bahagyang tumawa. “I love rain,” itinuon ko na ulit ang tingin ko sa daan at nakinig sa mga sasabihin pa niya. “I love the sound of the pouring rain. I love the smell of the rain. The smell of the street right before and after it rains always makes me feel so relaxed.”

Napangiti ako nang maramdaman ang saya at excitement sa boses niya habang sinasabi niya ‘yon. Sumulyap ulit ako at nakita ko ang saya sa mukha niya. Hindi nakawala sa paningin ko ang labi niyang nakakurba—ipinapakita ang saya sa puso niya.

“Bakit? Anong mayro’n sa ulan?”

Nakita ko ang pagkibit niya ng balikat bago ko muling itinuon ang atens’yon sa daan.

“Hindi mo ba napapansin? Kapag umuulan, mas nagkakaroon ka ng oras na manatili sa bahay at makasama nang matagal ang pamilya mo. Kapag umuulan, mas nagiging komportable tayo . . . mas mahimbing ang tulog. Kapag umuulan, nae-enjoy natin ang mainit na kape. Kapag umuulan . . . mas nakakapag-isip tayo ng mga bagay-bagay.” Bahagya siyang tumawa. “Kapag umuulan, mas nagiging productive ang isip ko sa arts.”

Tumango ako bago huminto sa harap ng bahay niya. Tumingin ako sa kan’ya at ngumiti.

“Gusto kong kasama ka sa unang pagpatak ng ulan ng August.”

Tumawa siya. “Akala ko, agua de mayo. Agua de agosto pala ang gusto mo.”

Natawa na rin ako sa sinabi niya. “Kung nakilala lang kita nang mas maaga, p’wede namang ‘yan ang hilingin ko,” tumawa siya, dahilan ng pagdoble ng bilis ng tibok ng puso ko. “Masiyadong matagal kung hihintayin ko ang May.”

Ngumiti siya at tinanggal na ang seatbelt. Tumingin ako sa labas ng sasakyan para tingnan ang bahay niyang madilim. Tumingin pa ako sa ibang parte ng lugar para masigurado kong maayos lang siya kahit mag-isa.

Nakagawian ko na ‘yon. Simula nang malaman kong mag-isa siya sa bahay, palagi na lang akong nag-aalala sa kan’ya. Pero dahil nasa tahimik naman siyang lugar, kahit papaano, nakakalma ako.

“Tara sa loob. Uh . . .” She looked away. “Magkape ka na muna.”

Mabilis akong napalingon sa kan’ya sa pag-anyaya niya sa akin. Mukhang nagtaka pa siya sa biglaan kong paglingon—nagsisi tuloy ako kasi baka akala niya, ayaw ko.

“Bakit?” Matatawa niyang tanong. “Okay lang naman kung ayaw—”

Sabi ko na nga ba.

“Okay lang,” pagputol ko sa kan’ya bago tinanggal na rin ang seatbelt. “Nagulat lang ako na inaya mo ako ngayon.”

Tumawa siya sa sinabi ko. “Magulo kasi ang bahay noong mga nakaraan. Maraming nagkalat na pintura at kung anu-ano. Nakakahiyang magpapasok ng bisita.”

Binuksan na niya ang pintuan ng sasakyan at lumabas na. Nang sumunod ako sa kan’ya, sinalubong ako ng malamig na hangin sa lugar na ‘to. Hindi ko alam na mayroon pa palang lugar na malamig sa Manila.

Ni-lock ko ang sasakyan bago sumunod sa kan’ya na binubuksan na ang gate. Tumingin siya sa akin at ngumiti, bago sumenyas na pumasok na kasabay niya habang binubuksan ang gate. Nang makapasok, isinarado niya na ulit ‘yon.

Inikot ko ang paningin sa lugar at nakita na naalagaan nang mabuti ang garden niya kahit na mag-isa lang siya rito. May poste din na may ilaw na nagbibigay ng liwanag sa garden. Nakita ko rin na may puting bench na nandoon sa isang gilid.

“Tara na.”

Napalingon ako sa kan’ya at nakitang nakabukas na pala ang pintuan ng front porch ng bahay niya. Inakyat ko pa ang tatlong step ng hagdanan bago nakarating sa pintuan. Nang makapasok kaming dalawa, binuksan niya ang ilaw sa loob ng bahay.

Malinis at maaliwalas ang loob. Kulay white ang walls na mayroong konting brown. Parang antique at talagang magaganda ang mga gamit. Sa pader, may mga painting na naka-frame at nakasabit doon.

Lumapit ako sa isang abstract painting na malapit sa akin. Nakita ko sa ilalim ang pangalan at pirma niyang Savvy lang ang mababasa kung tititigang mabuti.

“Ang galing mo ngang mag-paint.”

Tumawa siya, dahilan para mapalingon ako sa kan’ya. Nakita ko na nasa kusina siya ngayon at naglalagay ng tubig sa electric kettle.

“Libangan ko lang ‘yan. May ilang subjects kami na may painting kaya advantage na rin sa akin.”

Ngumiti siya bago isinaksak ang plug ng electric kettle, pagkatapos, lumapit na sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at hinila sa living room kung saan mayroon pang ibang painting ang nakasabit.

“This one’s my favorite.”

Ipinakita niya sa akin ang isang painting na hindi malinaw na tao ang nando’n, parang abstract. Hindi ko alam kung ano ang tawag, pero makikita mo sa itsura n’on na babae at lalaki ‘yon, sa ilalim ng ulan, medyo madilim na kalangitan.

The people on her painting were kissing.

“Pangarap ko kasi ‘yan noong bata ako.” She laughed. I watched her stared at the painting with a beautiful smile on her lips. “Sabi ko noong bata ako, gusto kong gan’yan ang mangyari sa first kiss ko.”

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ngumiti ako sa kan’ya pabalik.

“Did it happen?”

Tumawa siya nang bahagya bago ngumiti. “Hindi.”

Napalunok ako bago siya pinanood na titigan ulit ang painting. That means someone else has kissed her lips already . . .

Teka, natural lang naman na magka-first kiss na siya! Ano bang iniisip ko? Na ako ang maging first kiss niya? Ano ako, gago?

“Noong nakuha ng first boyfriend ko ang first kiss ko noong nag-college ako . . . doon ko napagtanto na . . . hindi lahat ng plano mo noon, aayon sa ‘yo.”

Lumingon siya sa akin at ngumiti. Magtatanong sana ako pero umalis na siya sa harap ko at bumalik na sa kusina. Tiningnan ko pa ang iba niyang painting. Her paintings were different from the ones I usually saw in an art gallery. 

Her paintings were unique. I don’t know how to put it into words but when you’re going to compare it to a novel, she invested feelings in it.

Sa una, magulo tingnan ang painting niya. You won’t even get her concept but when you’ll take your time knowing the painting, you’ll see that there is an image in a bunch of different colors on the canvas cloth.

Everything here is beautiful . . . lalo na siya.

Parang ang lahat ng nakikita ko ngayong painting niya rito, laging may malalim na kahulugan. Laging may dilim . . . pero lagi ring may liwanag.

“Ito oh, magkape muna tayo dalawa.”

Lumingon ako sa kan’ya. Nakita ko siyang nagbaba ng isang tasa ng kape sa center table bago naupo sa couch at hinipan ang laman ng tasa niya. Ngumiti ako nang bahagya bago naglakad at naupo sa tabi niya.

I took the cup of coffee she made for me, before talking.

“Medyo malaki ang bahay na ‘to para sa isang tao lang. Bakit mag-isa ka?” tanong ko bago hinipan ang kape. Pumasok sa ilong ko ang mabangong amoy ng aroma.

Ibinaba niya ang tasa bago tiningnan ang kuko ng kamay niya. “Sabi ko sa tatay ko, eh. Ayaw ko nang may kasama sa bahay.”

Nang makahigop ng kape at maramdaman ang sarap nito, parang guminhawa ang pakiramdam ko. Ibinaba ko ang tasa pansamantala sa maliit lamesa.

“Introvert?”

Tumawa siya. “Hindi naman. Ayaw ko lang sa kan’ya.”

“Sa? Dad mo?” Tumango siya pero hindi pa rin tumitingin sa akin. “P’wedeng . . . malaman?”

Sumulyap siya sa akin bago ipinatong ang binti sa couch. “I don’t really tell things to people but . . .” Napalunok ako sa kaba dahil sa sinabi niyang ‘yon. “Since it’s you, okay, I’ll tell you.”

Ngumiti siya nang bahagya bago ipinatong ang dalawang paa sa couch at iniyakap ang braso sa dalawang binti.

“Mama was my American dad’s mistress. Wala namang alam si Mama na may asawa na si Dad noon.” Tumingin siya sa akin at bahagyang ngumiti. “My dad likes my mom so much. Pero may asawa siya sa bansa nila. Alam mo ‘yon? Wala talagang paraan para malaman ni Mama, unless sasabihin ni Daddy nang kusa. Wala namang social media noon.” She laughed.

Tumango ako nang bahagya at hinayaan siyang magpatuloy sa pagkuk’wento.

“Daddy got my mom pregnant, but he has to leave the country that time. One to two months lang naman ang naging pananatili niya dito noon.” She chuckled. “Hindi ko alam kung anong gayuma ang ginawa niya kay Mama para mabuntis niya si Mama nang ganoon kabilis. And that made me exist in this cruel world.”

Sa bawat k’wento niya, palagi siyang may ngiting maliit na ibinibigay sa akin. But I know that behind her smile, her eyes wanted to cry. Seeing her like this now makes me feel in pain. It hurts that she’s trying to smile and laugh when her eyes are telling the opposite.

“My mom called my dad’s number. Babae ang sumagot. Of course, hindi na nasabi ni Mama ang intens’yon niya, na buntis nga siya noon sa akin. That made my mom worked her ass off to make me live a comfortable life.”

Nagbuga siya nang malalim na buntonghininga bago itinuloy ang sinasabi, habang ako, hindi pa rin inaalis ang tingin sa kan’ya.

“And then five years ago, Mama saw him in front of our old apartment. Dad searched for Mama, though. Nalaman niya na buntis pala ang mama ko noon. Nang bumalik daw kasi si Dad, wala na siya sa dating apartment nito. Tumira na si Mama noon sa bahay ng mga Lolo at Lola ko para magabayan siya sa pagbubuntis.”

Nakita ko ang sunud-sunod na paglunok niya ngayong alam ko na nahihirapan na siyang ituloy ang k’wento. Gusto ko na siyang patigilin, kasi okay na . . . naiintindihan ko na. Pero gusto ko rin na mas makikilala ko pa siya.

Kasi ang lahat ng mga bagay na nalalaman ko tungkol sa kan’ya, pangit man o maganda, lahat . . . lahat ng ‘yon, kagusto-gusto. Basta tungkol sa kan’ya, para sa akin, kagusto-gusto pa rin ‘yon.

“Mama hated him to death, literally. Hindi na nakapag-asawa si Mama kasi sa akin lang ang focus niya. At nasaktan siya nang sobra ni Dad dahil sa panloloko nito sa kan’ya. And mind you, ang kapal ng mukha ng tatay ko.” Tumawa siya kasabay ng pangingintab ng mga mata niya. “Nang bumalik siya kay Mama, may asawa pa rin siya.”

Kinagat niya ang labi niya, dahilan para mas makuha niya ang atens’yon ko. I leaned forward her and tried to remove her lower lip from her teeth that’s biting it. Her tears fell.

“My mom died hating him.” She sobbed continuously. “I was left alone—without anyone beside me. I know my mom. I know her too well. I saw her hating the fact that after all those years . . . my mom still loves him so much. But she hates him for fooling her.”

I nodded before I took her hand and tried to massage it.

“Daddy asked for my forgiveness, and this is what I asked—to build my mom’s dream house for the both of us. Gusto nga niyang kuhanin ako at dalhin sa kan’ya sa US. Brave of him to assume that I’d come with him.”

Napalunok ako sa sinabi niyang ‘yon.

Kung sakali pala na hindi siya galit sa dad niya, hindi ko siya makikilala ngayon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

“And for almost five years, I learned that living alone is not so bad, just like the way I saw people going to a bar.” She chuckled. “Masaya rin pala.”

Tumango-tango ako at bahagyang ngumiti sa kan’ya.

“Pero ngayon . . .” panimula ko. “Okay na ba kayo ng dad mo?”

Umirap siya. “Of course not. Nangungumusta siya pero hanggang do’n lang ‘yon. Kapag umuuwi ng Pilipinas, nandito siya sa akin na para bang normal na ama na hindi niloko ang mama ko.” She laughed. “Siya ang nag-provide ng lahat ng mayroon ako ngayon, at patuloy na nagpo-provide ng lahat ng kailangan at gusto ko. Mapera, eh. But that does not justify the fact that he made my mom a mistress. At isa pa, obligas’yon niya ito—ang lahat ng ito. Kaya wala akong utang na loob sa kan’ya.”

I nodded, smiling. “Tama. Wala kang utang na loob sa kan’ya.”

Ngumiti siya kasabay ng pagpunas ng luha niya gamit ang kabila niyang kamay na hindi ko hawak.

“Salamat sa pakikinig. Ngayon ko lang naik’wento ‘yan.”

I smiled. “My ears are always ready to listen to everything you would tell me.”

Tumawa siya na para bang hindi siya umiyak kanina. “Kahit na pangit na bagay, gusto mo ik’wento ko sa ‘yo?” I smiled before nodding. “Baka mawala ang pagkaka-gusto mo sa akin n’yan.”

Umiling ako at pinagsalikop ang mga daliri namin. She looked at our hands before looking away, gulping.

“Lahat ng bagay na tungkol sa ‘yo, magugustuhan ko.”

Ngumiti siya. “Kahit pangit? Kahit hindi kagusto-gusto?”

Bahagya akong tumawa bago iginala nang bahagya ang hinlalaki ko sa kamay niya. I heard her little gasp with what I did. I smiled.

“Gugustuhin ko ang lahat lahat . . . lahat ng bagay na tungkol sa ‘yo.”

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status