Share

Chapter 7

 

“That’s too ideal . . .”

Bahagya siyang tumawa bago tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. She took her coffee from the center table. She sipped on it before looking at me.

“I don’t think that I’m going to believe that.”

Bahagya akong nakaramdam ng kaba, kasabay ng pag-awang ng bibig ko. Bakit hindi siya maniniwala? Akala ba niya, niloloko ko lang siya?

“Bakit naman? Hindi ba kapani-paniwala?” tanong ko nang nakakunot ang noo.

Tumawa siya nang bahagya. “Bakit naman ako maniniwala kaagad sa mga magagandang salitang naririnig ko? Have you ever heard of too good to be true things mostly are brought by impulsive feelings? You may mean it now, pero paano kung nakapag-isip ka na nang mabuti? Magagawa mo pa rin ba ‘yan sa akin?”

Napalunok ako.

Impulsive feelings? Bakit naman niya nasabi ‘yon? Isang buwan na kaming magkakilala at isang buwan ko na rin ipinaparamdam sa kan’ya na . . . totoong gusto ko siya . . . na siya ang taong maganda at kagusto-gusto, sa kabila ng sinabi ko sa kan’ya noon na hindi lahat ng maganda, kagusto-gusto.

Mukha ba akong . . . pabigla-bigla?

“Bakit naman hindi ko magagawa?” Hindi siya kaagad sumagot. She started drinking her coffee. “Sa tingin mo ba . . . pabigla-bigla ako?”

Ibinaba niya ang baso sa kandungan niya bago lumingon sa akin. Muntik ko nang iiwas ang tingin ko nang makita ang marka ng kape sa gilid ng labi niya.

“Hindi mo pa nga nasabi sa akin nang direkta kung ano talaga ang nararamdaman mo.”

Hindi pa?

Hindi pa ba?

Akala ko, nasabi ko na! ‘Tang ina, Connor! Natural na hindi maniniwala ‘yan sa ‘yo dahil kahit na puro ka gawa, hindi mo naman nililinaw sa kan’ya kung ano talaga ang intens’yon mo! Kung ano talaga ang nararamdaman mo para sa kan’ya!

Argh, damn!

“H-Hindi pa ba?”

Napaiwas ako ng tingin bago uminom ng kape sa tasa. Tumingin ako sa kan’ya at nakita ko ang mga ngiti niya na para bang gusto niya akong pagtawanan.

Fuck you, Connor Lopez! Nakakahiya ka!

“Sasabihin ko ngayon—”

“Huwag,” pagpigil niya sa akin kasabay ng pagtawa nang bahagya. “Huwag na muna. Huwag ngayon.”

Bakit?

Hindi na ba siya maniniwala sa akin kung ngayon ko sasabihin? Pero totoo naman na gusto ko siya. Hindi ko naman gagawin ang lahat ng mga nagawa ko nitong nagdaang buwan kung wala lang ‘to . . . kung hindi ko talaga siya gusto.

At hindi rin ako nabibigla. Alam ko kung anong nararamdaman ko.

“Hindi naman impulse lang ‘yon.”

Umiling siya. “Next time na. Gusto kong siguruhin mo na muna ang nararamdaman mo bago mo sabihin sa akin. Hindi naman ako nagmamadali. Mas gusto kong sigurado kaysa sa minadali at hindi pinag-isipan.”

She smiled before taking a sip on her coffee. I took my coffee from the center table and finish it. After that, I put the mug back on it.

“Pero tungkol doon sa sinabi mo . . .”

Tumingin siya sa akin bago ibinaba ang tasa mula sa bibig, tsaka pinunasan ng kamay ang labi. Napalunok ako nang makita ang pamumula ng labi niya.

‘Tang ina naman, Connor. Labi pa rin! Iba na ang pinag-uusapan n’yo, labi niya pa rin ang kumukuha ng atens’yon mo!

Gusto kong magbuntonghininga kasi alam ko sa sarili ko, sa simula pa lang na maging malapit kami . . . sa simula pa lang na makita ko siya, kahit lasing ako, alam ko kung gaano ko siya kagustong halikan.

Pero hindi ko ‘yon gagawin. Rerespetuhin ko siya at hindi ko gagawin ‘yon hanggang alam kong may pagdududa siya sa nararamdaman ko, at habang wala pang namamagitan sa aming dalawa.

“Ano ‘yon?” tanong niya matapos punasan ang labing nabasa ng kape.

Napalunok ako. “Na masiyadong ideal ‘yong sinabi kong . . . lahat ng tungkol sa ‘yo, gugustuhin ko.”

Bahagya siyang tumawa bago ibinaba ang tasa ng kape sa lamesa at humarap nang mabuti sa akin.

“Hindi ba’t sinabi mo, hindi lahat ng maganda, kagusto-gusto?” She smiled. “Kung ang magaganda nga, hindi lahat kagusto-gusto. Paano ang mga pangit na tungkol sa akin? Eh ‘di lalong hindi kagusto-gusto.”

Nagbuga ako ng malalim na buntonghininga. “Hindi rin naman lahat ng pangit, hindi na kagusto-gusto. Pero kung tingin mo, hindi ko magugustuhan lahat ng bagay na tungkol sa ‘yo, kahit na maganda man o hindi . . . eh ‘di hindi ko gugustuhin. Hindi ko pipilitin sarili ko.”

She gulped as her smile vanished. Sa pagkakataong ‘yon, alam kong iba na kaagad ang iniisip niya.

“Ano na lang ang gagawin mo?”

I took her hand and held it tight before looking at her eyes that are longing for answers.

“Iintindihin ko.”

Her mouth parted slightly. I felt her warm palm moved, like she never expected the answer I gave her. I saw her eyes, slightly turned red, still staring back at me. My eyes went down to her parted lips. She looked like she wanted to say something.

I gulped when she pursed her lips.

“D-Do you want . . .”

I looked at her eyes the moment she talked. She looked away for a moment, before she looked back at me. 

“To . . . kiss me?”

Parang nabaliw ang puso ko sa narinig—hindi na makalma ngayon sa pagtibok. Pinagpapawisan ako sa kaba at nararamdaman ko ang init ng mukha, leeg at tainga ko nang dahil sa sinabi niya.

Ganoon na ba ako kahalata?

“Y-You can . . .” Nag-iwas siya ng tingin bago itinuloy ang sinasabi. “K-Kiss me.”

Nahigit ko ang hininga ko bago binitiwan ang mga kamay niya tsaka hinawakan ang mukha niya, kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Nakita ko ang mga mata niyang pumikit nang inilapit ko ang mukha ko.

Napatitig ulit ako sa napakagandang labi niya na ngayon ay alam kong pinipigilan niya ang panginginig. Ipinikit ko ang mga mata ko bago inilapat ang mga labi ko sa noo niya. Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa mga hiningang pinigilan niya nang dahil sa paglapit ko.

No, Savannah.

I will kiss you under the pouring rain.

Hindi mo man natupad ang pangarap mong mangyari ang unang halik mo sa ilalim ng ulan, tutuparin ko naman yung pangarap kong halikan ka sa unang pagkakataon . . . sa ilalim ng malamig na ulan.

Nang inilayo ko ang labi ko sa noo niya, kasabay ng pagdilat ng mga mata ko, nakita ko na rin siyang bahagyang nakadilat ngayon.

“Savannah . . .”

Ramdam ko ang alinlangan niya sa pagtingin niya sa akin, pero sa huli, tumingin na rin diretso sa mga mata ko.

“Uhm . . .” ‘Yun ang unang lumabas sa bibig niya kasabay ng pagpula ng mukha niya. “A-Akala ko kasi . . .” Nag-iwas siya ng tingin. “Sorry for . . . a-asking.”

Napangiti ako bago hinawakan ang baba niya para iangat ang paningin niya sa akin. Kita ko pa rin ang kaba sa kan’ya, na para bang nahihiya siya para sa akin.

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon, Savannah . . . kung alam mo lang.

“I really want to kiss you.”

Umawang ulit nang bahagya ang labi niya kasabay ng paglunok niya, nananatiling nakatitig sa akin.

Ngumiti ako sa kan’ya. “Pero hindi ganito.”

Nakita ko ang unti-unting pagngiti niya bago lumapit sa akin at niyakap ako. Napapikit ako nang maramdaman ang saya ng puso ko.

Iba na ‘to . . . hindi na ‘to simpleng pagkagusto lang.

Niyakap ko siya pabalik kasabay ng pagdama ko sa mabilis na tibok ng puso ko ngayong magkayakap kami.

“Mabuti na lang,” bulong niya sa akin bago tumawa nang bahagya. “Mabuti na lang, pinitik ko ang sigarilyo palabas ng bibig mo.”

Bahagya akong natawa bago mas niyakap siya nang mahigpit.

“Mabuti na lang . . . mabuti na lang, nagsigarilyo ako noon.”

Nanatili kaming dalawa sa ganoong posisyon nang ilang segundo pa bago namin pinakawalan ang isa’t isa. Hinawakan niya ang braso ko at hinila sa ibang parte ng bahay kung nasaan ang iba pa niyang painting. Lalo akong namangha na karamihan do’n ay abstract, na kailangan mong intindihin kung gusto mong malaman ang kahulugan.

Nasa harap kami ngayon ng isang itim na painting na sobrang gulo, pero alam mong may nilalaman. May kaonting puti ‘yon, at parang sabog sabog na hindi ko maintindihan.

Parang masiyadong malaman.

“Alam mo kung ano ‘yan?”

Tumingin ako sa kan’ya at nakita ko ang mga mata niyang nakatitig lang sa painting habang nakangiti.

“Hindi ko masiyadong maintindihan.”

Tumawa siya nang mahina bago lumingon sa akin.

“That’s someone’s mind.”

Napaawang ang bibig ko bago napatango-tango, kasabay ng pagbalik ko ng tingin sa painting. Ngayon, naiintindihan ko na. Magulo ‘yon, madilim. ‘Yun ang laman ng utak ng taong maraming iniisip at maraming gustong sabihin pero hindi magawa. 

Naiintindihan ko na.

“I used black paint because that someone has never found light that she wanted. Hindi niya nakita ang magbibigay ng liwanag sa magulo at madilim niyang isip . . .”

Bahagya ulit siyang ngumti, at marahan na tumango.

“Pero unti-unti nang lumiliwanag. Unti-unti na siyang naliliwanagan.”

 

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status