Share

Drunken One Night Stand
Drunken One Night Stand
Author: elyzoro

Chapter 1

Babae ako, pero kung papipiliin ako kung talong o tilapia... doon ako sa tilapia. 

"Alexandra... Bakit ka nagmumukmok diyan?"

I rolled my eyes and threw my pillow to my bitch friend, Sidney, Sid for short... Alam naman n'ya na ayaw kong natatawag sa buo kong pangalan kaya lagi n'yang ginagawa!

"Tangina mo, Sidney," pang-iinis ko na lang din sa kan'ya. 

"Joke lang! Ano ba'ng problema mo, Alex? Mukha ka na namang galit sa mundo." Umupo siya sa kama ko at sumilip sa phone ko. "Ay, na-reject ng chicks."

"Yabang mo porke may girlfriend ka!" Kumuha pa ako ng isang unan at ibinato 'yon sa kan'ya. 

Sid is my lesbian childhood friend. Sa totoo lang naging girlfriend ko rin siya ng ilang buwan pero hindi kami nag-work. Mas okay talaga na magkaibigan lang kami. Kapag nga naaalala namin na naging mag-jowa kami, naduduwal kami sa diri. 

"Move on ka na lang. Dami namang nagkakagusto sa 'yo, e," sabi na lang ni Sid saka humiga sa kama ko. 

I shook my head and sighed. Calla just rejected me yesterday. Sinabi n'ya na may feelings naman daw siya sa akin, pero hindi n'ya raw kayang makipagrelasyon sa kapwa n'ya babae. Masakit sa 'kin pero ginalang ko na lang ang gusto n'ya, inisip ko na lang na parehas kami. Kung siya hindi n'ya kaya makipagrelasyon sa babae, ako naman, hindi ko kayang makipagrelasyon sa lalaki. 

Pero masakit talaga, e. I really like her. She's sweet, caring, and kind. Bonus na lang na maganda siya at sexy. 

"H'wag ka na kay Calla, doon ka naman kay Tide o kay Ariel," natatawang sabi ni Sid saka bahagya akong tinadyakan. 

I looked at her and laughed sarcastically. "Haha, grabe, ang funny mo naman."

Napaismid na lang ako at yumakap sa unan ko. Tangina nito si Sid, hindi naman nakakatulong. Brokenhearted na nga ako rito. 

"H'wag ka na magmukmok. Hanap ka na lang ibang chicks. Try mo sa online site, may alam akong site na puro LGBT members lang nandoon para safe na safe. Doon ko nakilala jowa ko ngayon," sabi ni Sid saka nagtaas-baba ng kilay. 

My eyebrow arched. I was intrigued. I was really not into online landian or stuff like that but I guess I would give it a try. Para na rin malimutan ko na si Calla. Hindi na ako makatulog kakaisip sa kan'ya. 

"Ito, oh. D******d mo tapos ikaw na bahala. Malaki ka na... Sige, alis na 'ko. May date pa kami ni baby girl," sabi n'ya saka bumangon at kumindat sa akin.

Napangiwi na lang ako at tinadyakan siya. To be honest, magandang gwapo itong si Sid. Mahirap i-explain. Maganda siya na gwapo rin at the same time kaya rin maraming nagkakagusto sa kan'ya... Nagkagusto rin naman talaga ako sa kan'ya noong naging girlfriend ko siya, pero hindi naman ganoon katindi ang pagkagusto ko sa kan'ya noon. Mas okay na mag-best friends kami. 

Napatingin na lang ako sa salamin. Magandang gwapo rin daw ako sabi ng iba. Noong hindi pa ako naglaladlad ng sexuality ko, maganda talaga ako. I'm not boasting or anything, I'm really beautiful. I have long eyelashes, natural brown hair and light brown eyes, pointed nose, thin but naturally pinkish lips, and a sexy hourglass body, idagdag pa na puro dress ang sinusuot ko noon dahil nahihiya pa akong magladlad. 

But ever since I came out, I started wearing clothes that I truly want, tomboy clothes or such. Nagpagupit din ako ng boy cut at nag-gym para kahit papaano hindi masyadong feminine ang katawan ko. I guess my hard work paid off because I was truly satisfied with what I look like right now... Mukha akong gwapo, pero medyo payat pa rin nang kaunti.

I was not totally a lesbian like Sid. Na-a-attract at nagkakagusto pa rin naman ako sa mga lalaki, but I couldn't imagine being in a relationship with a man. Madadampi pa lang ang balat ko sa lalaki, kinikilabutan na ako. 

Napailing na lang ako at gumawa ng account sa site na sinabi ni Sid. I put my name there and also set my profile picture. Napangisi na lang ako dahil ang pogi ko sa picture. Napakagat na lang ako sa kuko habang naghihintay na may ma-pair sa akin. Bina-base ng site sa interest ang pag-pair kaya medyo matagal. Medyo kinakabahan ako dahil first time akong papatos sa ganito. 

You are paired with Avy!

Napasinghap ako at agad na ini-stalk ang Avy na 'yon. Shit! Ang ganda! Mukhang medyo malaki ang braso n'ya pero talagang maganda siya... Kapag naging kami, mukhang siya ang top sa 'ming dalawa. Hindi pa ako nagiging receiver pero pwede na rin siguro. For experience na rin. 

I just shook my head and gently slapped my face. What the fuck? Nasa sex agad ang isip ko. 

I just cleared my throat and chatted with Avy first. 

Me: Hi, Avy. 

Avy: Hello, Alex. 

I just bit my lower lip. I didn’t know why I was kinda nervous right now. Kinakabahan ako kay Avy dahil parang iba ang pakiramdam ko sa kan'ya kaysa sa mga babaeng naka-date, naging girlfriend, at nakalandian ko noon. She was beautiful but she also looked dominant at the same time. Siguro hindi lang talaga ako gaanong sanay sa ganoon. Palaging receiver ang mga nagiging girlfriend ko. 

Noong una, medyo awkward pa ang pag-uusap namin ni Avy hanggang sa nagiging komportable na kami. She was quite funny and entertaining. Kung hindi lang siya maganda, iisipin ko na bakla siya dahil panay ang gamit n'ya ng gay lingo, but it just made our conversation funnier. Nawala ang kaba at tensyon na naramdaman ko kanina na halos inabot kami ng gabi kaka-chat. 

Avy: You know what, I really like you na, Alex. 

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napasuntok sa hangin. Agad naman akong nag-type ng reply. 

Me: Me too. I really had fun chatting with you. 

Avy: Chat lang? You'll have more fun with me in bed... Charot!

Napangisi ako sa chat n'ya. Mukhang palaban talaga ang Avy na 'to. Siya talaga ang nag-initiate ng ganitong usapan. It wasn’t that I don't like it though... If casual sex or one night stand lang ang gusto n'ya, ayos lang din naman sa akin. 

Me: Are you a top or bottom? 

Avy: Well, whatever works for you is fine. I can be a top, I can also be a bottom. Gora pa rin!

Napatango na lang ako. Switch pala siya. That was a good thing. I always prefer being the giver. 

Napatagal ang usap namin. I really had a great time talking to her. Napagdesisyunan naming mag-meet up bukas dahil parehas lang pala kaming nasa Manila. Napagdesisyunan naming magpunta sa mamahaling hotel. Nawindang pa ako dahil mahal doon pero sabi naman n'ya na siya ang magbabayad... Nahiya ako pero sinabi naman n'ya na walang kaso iyon. Mukhang mayaman si Avy. 

Sana talaga mag-work out kami. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alliah Andrea
Lah grabe hahshshahs
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status