Share

Chapter 18.1

"Huwag kang kikilos kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo." Banta ng armadong lalaki kay Damielle Astin. Wala na siyang nagawa kundi marahang itaas na lamang ang kanyang mga kamay.

Napalunok sa nasaksihan si Raya Fae. Agad niyang pinalamlam ang kanyang mga mata bago siya bumaling kay Rio.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo, Rio? Bakit mo ba ginagawa ito? Masyado mo na akong tinatakot."

Gumuhit naman ang ngisi sa labi ni Rio Costor bago siya nagsalita.

"You're asking me that, Naya? Oh c'mon! Stop playing like you did nothing." Umiling ito. "Akala mo ba hindi ko malalaman ang pakikipagkita niyo kay Gabriel Villacorda sa hospital? And of all people, sa kapatid pa ng mortal kong kaaway."

Tila napatda si Raya Fae sa narinig. Hindi niya inakalang madidiskubre ng lalaki ang pakikipagkita niya kay Gabriel Villacorda.

"Ano? Nagulat ka bang alam ko?"

Nanuyo ang lalamunan ni Raya Fae sa narinig.

Ano pa ang nalalaman ni Rio?

Alam na ba nito ang tunay niyang pagkatao?

Nadiskubre na ba nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status