Share

Chapter 18.2

"Let me go!" Lalo pang nagpumiglas si Raya Fae ngunit hindi natinag ang dalawang kalalakihang nakahawak sa kanya.

"Saan niyo ako dadalhin?"

Naiinis namang lumingon ang isa sa tauhan ni Rio sa kanya.

"Pwede bang huwag kang maingay? Nakakarindi na 'yang bunganga mo! Baka hindi ako makapagtimpi sa'yo!"

Tila balewala siyang binitbit ng mga ito hanggang sa marating nila ang silid na pagkukulangan sa kanya.

Nang buksan ng isa sa mga kalalakihan ang pinto ay lalong siyang nakaramdam ng takot.

"Damn you! Bitiwan niyo ako!" Nagawa niyang masipa ang isa sa kanila. Agad namang napalingon sa kanya ang lalaki.

"Aba! Talagang---" Hindi na nito natuloy ang pagsampal sa kanya nang magsalita ang isa nilang kasama.

"Tama na 'yan! Ipasok niyo na 'yan dito."

"Nakakagigil na kasi ang babaeng 'to eh."

"Magtimpi ka muna ngayon, wala pang inutos si Boss na pwede nating saktan ang babaeng 'yan. Siya pa rin ang fiancée ng boss natin, baka biglang magbago ang isip ni boss at patawarin niya 'yan bigla."
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status