Share

Kabanata Eighty-Four

NAPABALIKWAS ako sa aking pagkakahiga at habol ang aking hininga nang manumbalik ang aking malay.

“Imposible…” mahina kong usal.

“Helena, ayos ka lang ba?” tanong ni Teresa dahilan ng aking pagkatigalgal. “Bigla ka na lang nawalan ng malay kanina,” aniya.

Hindi ako makapagsalita nang sandali na ‘yon na tila ba nakain ko ang aking dila. Ngayon na nasa aking harapan siya ay hindi ko mapigilan na makaramdam ng takot at pangamba na baka ulitin niyang muli sa akin ang ginawa niya kay Helena. Hindi ko alam pero nang sandaling iyon ay natatakot ako. Natatakot ako na mamamatay sa panahon na ito dahil alam kong ‘pag nangyari iyon ay kailanman ay hindi na ako makakabalik sa kasalukuyan. Kapag nangyari iyon natatakot ako na baka hindi na ako maalala ng mga taong nakikilala sa akin. Natatakot ako na baka tulad ni Lola Nilda ay hindi na rin nila ako maalala na isa na lang bahagi ako ng nakaraan.

“Helena, ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin at ipinatong ang kanyang palad

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status