Share

Kabanata Eighty-Seven

Napabuga nang maginhawa.”Salamat naman at medyo okay na rin ang ang kanyang kalagayan,” saad ko. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at tinignan sina Mang Julian at Joaquin.

“Halina po at bumalik na tayo. Kailangang mapalitan ang kanyang basang damit kun’di baka muling magkaroon ng problema” — Sabay tingin sa kanilang damit na basang-basa. “— at sa tingin ko rin ay kailangan niyo na rin magpalit ng damit kun’di baka kayo rin ay magkasakit,” ani ko.

Binuhat nilang muli si Mang Waldo at naglakad na kaming muli pabalik. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa aking utak at pasimple kong tinignan si Joaquin na walang imik at diretso lamang ang kanyang mga tingin sa daan. Kahit mangilang ulit ko ng napagmasdan ang kanyang mukha sa malayo o sa malapitan man ay hindi ako nagsasawang titigan siya. Kahit saang anggulo ko talaga siya tignan ay labis talagang nakakaakit ang kanyang angking kag’wapuhan.

“Baka matunaw na po niyan si Joaquin, Binibining Helena,” nanunuksong sambit ni Mang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status