Share

Kabanata Ninety-Three

MATAPOS ang nangyari sa amin ni Joaquin ay ginawa kong abala ang aking sarili and as much as possible ay iniiwasan ko na magkaroon siya ng pagkakataon na makausap o makalapit sa akin.

“Ate Helena, nagkaroon ba kayo ng pagtatalo ni Kuya Joaquin?” pag-uusisa ni Nina habang nakatingin sa direksyon kung nasaan si Joaquin.

“Ha?” gulat kong reaksyon. Kinolekta ko ang aking sarili para itago ang aking reaksyon. “Ano bang sinasabi mo, Nina?” pagmamaang-mangan kong pagpapanggap na tanong sa kanya.

“Tignan mo po siya, Ate, kanina pa siya parang aligaga at parang gustong lumapit po sa ‘yo kaso abala ka po sa mga taong narito para suriin ang kanilang mga kalagayan,” paliwanag ni Nina.

“Nagkakamali ka lang siguro, Nina, baka guni-guni mo lamang ang nakikita mo,” pagdadahilan ko at mas itinuon ang aking pansin sa pasyenteng aking sinusuri.

“Guni-guni? Ate Helena, matagal ko ng kilala ang si Kuya Joaquin simula pagkabata hanggang lumaki ako alam ko ang mga kilos niya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status