SA NAKALIPAS na mga araw ay hindi ko pa rin lubos na magawang makontrol ang sitwasyon na nangyayari rito. Habang pinagmamasdan ko sila na nakahiga sa pinagtagpi-tagping pinutol na kawayan na ginawa nina Joaquin at ng ibang kalalakihan na narito para maiwasan na madagdagan ang kanilang sakit tulad ng pneumonia ay mas kinakain ako ng aking isipan kung paano sila mapapagaling. Hindi pa rin lubos na bumubuti ang kalagayan ng mga nakakaraming tinamaan ng cholera na narito at halos may lima na rin ang namatay dahil sa kakulangan ng mga gamot na kailangan na ibigay sa kanila lalo na hindi pa rin nawawala ang kanilang mga sintomas at labis ko iyon na ikinababahala .
“Binibining Helena, anong gagawin natin sa kanilang lahat? Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubuti ang kanilang mga kalagayan?” tanong sa akin ni Lola Nilda.
“Sa ngayon wala akong tiyak na magagawa para sa kanila bukod sa paghihintay ng pagbabalik ni Mang Julian bitbit ang mga inaasahang gamot na iniutos ko sa
NIYAKAP ako ni Doña Celestina nang napakahigpit ng makalapit siya sa akin.“Patawad anak, ngayon lang ako nagpakita sa ‘yo,” umiiyak na paghingi ng tawad niya sa akin.“Paano niyo nalaman na narito kami?” nalilito kong tanong kay Doña Celestina.“Si Don Emilio po ang nakakaalam na narito po kayo kung kaya dinala niya po kami rito, Binibini,” sagot ni Lita.Napatingin ako kay Lita na may malungkot na ngiti sa kanyang mga ngiti at tinignan ko rin si Don Emilio na walang emosyon sa kanyang mukha. Ano bang nangyayari? Bakit ngayon lang sina Doña Celestina at Lita nagpakita sa akin? Anong ibig sabihin ng pagkakasama-sama nila ngayon? Bakit alam ni Don Emilio na narito kami? Paano niya nalaman? Plinano niya ba ang lahat ng ito?Inalis ni Doña Celestina ang kanyang pagkakayakap sa akin dahilan para ngayon ko lang mapansin ang mga pasa sa kanyang mukha.“Anong nangyari? Bakit may mga pasa po kayo sa iyong mukha?” gulat kong tanong at hindi makapaniwala sa
“Si Roman ang iyong ama Helena,” pagpuputol sa katahimikang sabi ni Don Emilio na bumalot sa aming lahat.“Ha? Si Don Roman?” hindi makapaniwalang pag-uulit ko sa kanyang sinabi. “Paanong nangyari na naging ama ko siya?” tanong ko.“Alam kong medyo naguguluhan ka sa mga sinasabi namin ngayon, Helena pero magiging mahinay at malinaw ang aming pagpapaliwanag,” ani Don Emilio.Hiniwakan ni Don Emilio ang balikat ni Doña Celestina dahilan para mapalingon ito sa kanya.“Panahon na para malaman ni Helena ang lahat Celestina. Kaya mo ito nandito lang ako,” saad ni Don Emilio kay Doña Celestina na pinapalakas ang loob.“Pero“Celestina, kailangan mong kayanin ito. Hindi mo matatago habambuhay ang katotohanan sa nakaraan niyo ni Roman lalo na at hindi na maganda ang pagtatrato sa ‘yo ni Raul.”Napapikit si Doña Celestina para muling bumuhos ang mga luhang naipon sa kanyang mga mata saka dumilat at pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Humarap siy
PILIT kong ikinukumpas ang sarili ko sa mga nangyayari pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan niya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Natatakot ako. I felt guilty though I'm not the real Helena. Bakit kailangan magkaganito? Bakit kailangan na maging komplikado ang lahat?“Siya rin ba ang dahilan ng panggagahasang nangyari kay Nina?” seryosong tanong ni Joaquin.“Oo, siya rin ang may kagagawan noon,” sagot ni Don Emilio.Narinig ko ang pagngitngit ng mga ngipin ni Joaquin sa labis na galit dahilan para mas makaramdam ako ng pagkaawa sa kanya at bigat sa aking dibdib. Hindi ko siya magawang tignan nang sandaling iyon dahil sa hiyang-hiya ako dahil sa ginawa ng kinikilala kong ama higit sa lahat ay natatakot ako. Narinig ako ang malalim na pagbuntong-hininga niya na halatang pilit na pinapakalma ang kanyang sarili.“Siya rin ba ang may kagagawan n
“Thank God!” nakahinga kong sabi.Binuhat naman iyon ni Joaquin at dinala papunta sa k'warto dahilan para mapasunod din ako at matignan si Nina.“Ayos lang ba siya?” tanong sa akin ni Joaquin.Sinuri ko ang pulso ni Nina bago sinagot si Joaquin. “Maayos naman siya sobrang nabigla lang siya kaya siya nawalan ng malay,” paliwanag ko.“E, ang ipinagdadala niya? Kumusta ang kalagayan? Ayos lang ba?” nababahala niyang tanong.“Huwag kang mag-alala ayos lang siya,” nakangiti kong sagot dahilan para magtagpo ang aming mga mata.Ilang segundong katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling nagsalita.“Ikaw, ayos ka lang ba?” tanong niya na may labis na pag-aalala sa kanyang mga mata.“Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan,” wika ko sabay yuko dahil sa kinakain ako labis na konsensya at hiya dahil sa ginawa ni Don Raul sa kanya at sa buong pamilya nila.Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabilang balikat ko at iniangat niya
“KUMUSTA ang kalagayan ni Nina? Ayos lang ba siya?” tanong ni Doña Celestina na napatayo sa kanyang pagkakaupo nang makita kami ni Joaquin.“Ayos lang po siya, Tiya Celestina. Wala po kayong dapat na ikabahala,” ani Joaquin.“Mabuti naman kung gano'n,” nakahingang pagpapasalamat ni Doña Celestina.“Mabuti na rin po iyon nang hindi na rin si Nina mag-isip ng kung ano-ano baka mas lalo pa makasama sa kanya ang mga malaman niya,” wika ni Joaquin.“Anong ibig mong sabihin, Joaquin? May nararamdaman ba si Nina?” tanong ni Doña Celestina.“Hindi ko po nais maging bastos sa inyo, Tiya Celestina, ngunit sa tingin ko po hindi si Nina ang kailangan natin pagtuunan ng pansin kun'di ang taong may kagagawan ng kaguluhan at pagkasira ng ating buhay at tiwala,” saad ni Joaquin.“Ipagpaumanhin mo, Hijo, ang aking pangingialam sa iyong kapatid nag-aalala lamang ako para sa kanya,” paghingi ng tawad ni Doña Celestina.“Hindi niyo po kailangan humingi ng tawad
“Ama, sino ang iyong ipinapatawag?” nagtatakang tanong ni Mateo.“Malalaman mo rin mamaya pagdating niya sa ngayon maghintay muna kayo,” wika ni Don Emilio.Muli, nabuo na naman ang nakakailang na katahimikan sa aming lahat. Lahat ay tahimik na naghihintay sa pagbabalik ni Lola Nilda kasama ang taong tinutukoy ni Don Emilio. Matapos ang ilang minuto nang paghihintay ay dumating si Lola Nilda na may kasamang isang lalaki.“Narito na po siya, Don Emilio,” wika ni Lola Nilda at yumuko naman ang lalaking kasama niya.Sino kaya ‘to? Napatingin ako kay Joaquin para tignan kung kilala niya ba ang lalaking kasama ni Lola Nilda at nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Ibig sabihin kilala siya ni Joaquin! Pero sino nga ba talaga siya?“Paanong— akala namin patay ka na,” wika ni Joaquin na halata pa rin ang labis na pagkagulat sa kanyang mukha.“Patay?”“Imposible ito,” hindi makapaniwalang sabi ni Joaquin.“Ama, anong ibig sabihin nito? Bakit
“SELOS AT INGGIT? Sa aking palagay ay hindi pa rin iyon sapat para patayin niya si Roman,” saad ni Don Emilio na bumasag sa aming katahimikan.“Hindi po natin iyon masasabi, Don Emilio, lalopa't tanging si Don Celestina na lamang ang meron siya matapos na mamatay ang kanyang ina at kanyang amain. Si Doña Celestina lang ang babaeng tumanggap sa kanya sa kabila ng kanyang nakakubling tunay na pagkatao. At para sa isang tulad niya na laging nakakaranas ng pang-aapi at pangmamaliit walang duda na hahayaan niyang may kumuha, umagaw o umangkin sa tanging babae na buo siyang tinanggap. Sa tingin niyo po ba hindi pa rin iyon sapat para maging makasarili si Don Raul para gumawa ng isang krimen?” tanong ni Lola Nilda kay Don Emilio.Hindi nakaimik si Don Emilio nang oras na iyon at tila tinggap ang kanyang pagkatalo kay Lola Nilda.“Sa tingin ko po ay higit na alam niyo po ang nararamdaman ni Raul kaysa sa sa amin na narito,” makahulugang wika ni Lola Nilda.Napakunot-
Maaaring ganoon na nga ang nangyari! Si Teresa ang nag-trigger kay Don Raul para maging totoo ang kanyang hinala. Pinaniwala ni Teresa si Don Raul para kainin ito ng galit at magawa ang lahat ng bagay na iyon. Maaaring ganoon nga ang nangyari!“Sa tingin ko, klarado na ang lahat na hindi si Ama ang may kagagawan ng lahat na mga hinihinala niyo. Sapat na siguro na patunay na—”“Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Bakit ngayon niyo lang sinabi ang lahat ng ito?” tanong ni Joaquin kina Mang Prospero at Lola Nilda na ngayon ay nakatuon ang buong atensyon niya sa kanilang dalawa.“Ano na naman ba ang gusto mo pang patunay, Joaquin? Hindi ka pa rin ba nanini—”“Mateo, hindi ito tungkol sa naniniwala ba ako o hindi. Tungkol sa kung bakit ngayon lang sila nagsalita? Bakit ngayon lang sila nagpakita kung kailan na dapat noon pa nila ginawa? Hindi sana nangyari ang lahat ng ito. Hindi sana magdudusa sina Ama at Ina at Nina sa bagay na kailanman ay hindi namin ginawa lalo