Napapalatak ako nang marinig ko ang kan’yang sinabi sabay tawa. “That’s the confidence! Pero kahit wala kang confidence g’wapo ka naman talaga,” saad ko. Kinuha ko ang ointment at dahan-dahang iniligay iyon sa kan’yang mga sugat hanggang sa mapako ang mata ko sa kan’yang makapal na labi na nanatiling mapupula kahit na halatang kulang siya sa nutrisyon at bugbog pa sa trabaho. Tinitigan ko ang mga iyon ng ilang segundo.
“Masarap kaya siyang humalik?” malanding tanong ng aking isipan. Pinagmasdan ko pa iyon ng ilang sandali at para bang naaakit akong halikan ito ngunit natauhan ako nang biglang tumunog ang tiyan niya.
“Pasens’ya na, hindi pa kasi ako kumakain simula kaninang umaga.” Aniya sabay kamot sa ulo niya.
“A-a-a, sige. Ito kainin mo.” Wika ko at natatarantang inabot sa kan’ya ang maruya at turon na binili ko.
“Ang dami naman nito.” Aniya.
“Hindi ko alam kasi kung ano ang gusto mo kaya pareho ka na lamang binili,” sagot ko na naiilang.
Hindi ako nagpahalata sa kan’ya at huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Kasi gusto ko lang masiguro na hindi na ‘yan madaragdagan sugat mo kun’di lagot talaga may gawa niyan sa ‘yo sa akin!” lakas loob kong sabi sabay pamaywang dahilan para maalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay. “Kaya mauna na ako nang makapagpahinga na ako at may lakas ng katawan para bugbugin din ang may kagagawan niyan sa ‘yo.” Tapang-tapangan kong sabi at mabilis na naglakad papalayo sa kan’ya. “Paalam! Mag-iingat ka sa pag-uwi!” ani ko ng makalayo na sakan’ya habang kumakaway. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tinalikuran ko na siya ng mabilis.“Shit! What are you doing, Helen? Have you lose your nuts? Why did you do that?” singhal ko sa aking isipan. Sobrang nakakahiya ang nangyari sa araw na ito. Gusto ko ng umuwi kung kaya’t mabilis akong nagtungo sa plaza kung saan naroon nakaparada ang
Napasarap ang usapan namin ni Mang Vicente na halos hindi ko namalayan na nakarating na kami sa mansyon.“Maraming salamat po sa paghatid sa akin Mang Vicente,” nakangiti kong pagpapasalamat.“Wala po iyon, binibini. Malugod po ako na kayo'y aking pagsilbihan.” Aniya sabay yuko.“Sige po pasok na po ako,” paalam ko kay Mang Vicente.“Sige po, binibini.”Papasok na ako ng bahay pero bago ako makapasok ay may narinig ako sa usap-usapan ng mga Guardia Civil.“Mukhang tiba-tiba ka pare!” wika ng isa.Tumawa ang isa na may galak. “Oo pare. Ang galante kasi magbigay ni Señorito Mateo.”Napahinto ako sa aking pagmamadali nang marinig ko ang pangalan ni Mateo.“Bakit pare, ano bang pinagawa sa ‘yo ni Señorito Mateo?” pag-uusisa noong isa Guardia Civil.“Inutusan niya lamang ako na pahirapan si Joaquin hangga't sa
Napalingon si Don Raul kay Sandro. “Ikaw, isa ka rin ba?”Mabilis itong umiling at iwinagayway ang kan'yang mga kamay na pahayag ng mariing pagtutol. “Hindi po, Don Raul. Hindi ko po magagawang kayo'y kalabanin,” natatakot na sagot niya.“Totoo ba ang kan'yang sinasabi, Helena?” tanong niya sa akin na hindi inaalis ang tingin kay Sandro.“Opo, ama.” Tugon ko.“Maari ka ng makaalis at ipagpatuloy ang iyong katapatan sa aking pamilya kung ayaw mo matulad sa iyong kasamahan.”“Opo! Masusunod po!” mabilis na sagot niya at mabilis na naglakad ngunit pinigilan ito ni Don Raul.“Sandali!”“Bakit po, Don Raul?” natatakot na tanong ni Sandro.Humarap sa akin si Don Raul na hindi pa rin nagbabago ang reaksyon sa kan'yang mukha at kinuha ang baril sa aking kamay at inabot ito kay Sandro.“Dalhin mo na rin ito sa iyong pag-alis.&rdq
Habang naglalakad ako papunta sa tagpuan namin ni Joaquin, sa di-kalayuan pa lamang ay tanaw ko na siya na nakaupo sa isang malaking bato habang pinapaypay ang kan'yang salakot. Mukhang kakapahinga niya pa lang. Gumuhit ang tuwa sa aking mga labi.“Joaquin!” sigaw ko sa kan'ya habang kumakaway.Nagsitinginan ang mga tao sa akin dahil sa aking pagsigaw ngunit wala akong pakialam sa kanila at dali-dali akong naglakad papunta sa kan'ya at sinalubong niya ako sa kalagitnaan ng aming distansya.“Wala ka bang pinagkakaabalahan? Araw-araw mo akong pinupuntahan,” bungad niyang wika sa akin.“Wala, kaya mababantayan ko kung sino man ang may kagagawan ng pambu-bully sa iyo,” tugon ko.“Ayan ka na naman, gumagamit ka na naman ng salitang hindi ko naiintindihan,” kunot-noong sabi niya.Napatawa lang ako sa kan’yang naging reaksyon. Ang sarap niya talagang pagmasdan kapag gumagawa siya ng mga gan&rsqu
Nang matapos na kaming kumain ay lumapit ako sa may-ari para bayaran ang aming kinain at kunin ang pinasupot kong pagkain. Pinilit kong ‘wag pakinggang ang mga sinasabi nila laban sa pamilya ni Joaquin maging sa kan’ya ngunit hindi ko talaga maatim ang lumalabas sa bunganga nila kung kaya’t sa labis kong galit.“Mukhang kulang pa yata ang pagkaing pumapasok sa inyong mga bibig at nagagawa niyo pang manira ng ibang tao,” malakas kong saad at inikot ang aking paningin sa lahat ng naroon na nag-uusap-usap. “Lugar ito para pawiin ang gutom ng inyong mga sikmura hindi lugar para sa makakating bunganga na walang alam kun’di pag-usapan at punuin ng pang-aalipusta ang ibang kumakain!” Sigaw ko sabay hila kay Joaquin palabas ng kainan.Mabilis akong naglakad na hindi ko iniisip na hila-hila ko si Joaquin sa daan dahilan para pagtinginan na naman kaming muli ng mga tao.“Sandali, Helena,” tawag ni Joaquin.Ngunit hindi ko iyon pinansin at dire-diretso lang sa paglalaka
Nakarating kami ng mansyon ni Mang Vicente nang hindi niya na ako inaasar which made the whole trip peaceful and less awkward. Pagbaba ko biglang nagsalita si Mang Vicente.“Mukhang may bisita kayo, binibini.” Aniya habang nakatingin sa kalesa na nakaparada sa harap ng aming tarangkahan.“Baka bisita ni Don---este ama at binisita lamang siya.” Sabi ko na hindi interesado sa kung sino ang dumating na bisita. “Mauna na po ako, Mang Vicente. Salamat po sa paghatid,” nakangiti kong pagpapasalamat.“Wala iyon, binibini.” Aniya at yumuko bilang galang sa akin. “Tungkulin ko po naiuwi ng ligtas ang mahal ni Señorito Joaquin.”Bigla na naman akong namula dahil sa sinabi ni Mang Vicente.“Mang Vicente naman, ‘e! May pahabol ka pa talaga!” nahihiya at nanggigigil kong saad.Tumawa si Mang Vicente. “Hayaan niyo na po na makisaya rin ako sainyong masayang puso, binibini.”“Naku, napakapasaway niyo po talaga!” wika ko at mabilis na humakbang paakyat nang
Lahat sila'y napakunot sa aking sinabi at naghihintay ng aking sunod na sasabihin but I remained silent and didn't give them explanation of what I've said. Asa siya. Mamatay sila sa curiosity. Ilang segundo rin nabalot ng katahimikan ang sala ngunit binasag iyon ni Don Raul na may malakas na halakhak.“Nakakatuwa ka talaga, Helena. Pinapasaya mo ako sa tuwing nagsasalita ka ng wikang ingles napakagaling mo talaga,” puri ni Don Raul sa akin na may labis na galak. Kung kaya napatawa na din lang sina Don Emilio at Mateo as if what I’ve said is a joke. Laughing in their own idiocy.“Mukhang marami pang kailangan matutunan ang aking anak para pumantay sa kaalaman ni Helena,” natatawang saad ni Don Emilio.“Simple lang naman ang aking anak, Emilio. Hindi naman kailangan na pumantay si Mateo sa kanya.” Ani Don Raul.“Gano’n ba? Napakapalad mong ama at nagkaroon ka ng anak na ubod ng ganda at talino,” pu
Nasa loob na ako ng k’warto para mamahinga matapos ang mahabang pagkuk’wentuhan namin nina Don Raul at Doña Celestina. Ang saya na ng araw na sana ng araw na ‘to kung hindi lang sinira ng mag-amang iyon pero thankful pa rin ako dahil nagkaayos na rin kami ng mga magulang ni Helena. I can’t afford to be in their bad side baka mas mahirapan akong maisagawa ang pagtulong kay Joaquin at ang malaman kung nasaan ba talaga ang tunay na Helena, kung totoo ba na pinatay siya gaya sa aking panaginip. Biglang nanariwa sa aking isipan ang mga nakangiting mga mukha nina Don Emilio at Mateo na dahilan para magpakulo sa aking dugo. Hanggang sa alaala ko naiinis ako kapag nakikita ko sila how much more pag in person? Itinapon ko ang aking katawan sa kama na agad na nagdala ng ginhawa sa aking katawan. Napatingin ako sa kisame ng may ngiti sa aking labi nang muli kong maalala ang nakakahiya pero nagbigay ng kilig sa akin kanina ngunit lahat ng tuwa at ngiti ay nawala n