Share

Kabanata Forty-Nine

Habang naglalakad ako papunta sa tagpuan namin ni Joaquin, sa di-kalayuan pa lamang ay tanaw ko na siya na nakaupo sa isang malaking bato habang pinapaypay ang kan'yang salakot. Mukhang kakapahinga niya pa lang. Gumuhit ang tuwa sa aking mga labi.

“Joaquin!” sigaw ko sa kan'ya habang kumakaway.

Nagsitinginan ang mga tao sa akin dahil sa aking pagsigaw ngunit wala akong pakialam sa kanila at dali-dali akong naglakad papunta sa kan'ya at sinalubong niya ako sa kalagitnaan ng aming distansya.

“Wala ka bang pinagkakaabalahan? Araw-araw mo akong pinupuntahan,” bungad niyang wika sa akin.

“Wala, kaya mababantayan ko kung sino man ang may kagagawan ng pambu-bully sa iyo,” tugon ko.

“Ayan ka na naman, gumagamit ka na naman ng salitang hindi ko naiintindihan,” kunot-noong sabi niya.

Napatawa lang ako sa kan’yang naging reaksyon. Ang sarap niya talagang pagmasdan kapag gumagawa siya ng mga gan&rsqu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status