Share

Kabanata 41

Hindi pa rin tumatawag si Tiden simula noong concert. Nagtataka na nga ako pero hindi ko na tinawagan dahil baka busy ang isang 'yon. Kunot-noo kong tinitigan ang phone pero nanatili 'yong tahimik.

May kumatok na lang bigla kaya pinagbuksan ko. Nakita kong nakatayo ro'n si Husea. Ngumiti siya pagkakita sa akin. "May nagpapabigay, Miss."

Inabot niya ang isang paper bag na agad ko namang tinanggap. Sinara ko ulit ang pinto at sinilip ang laman ng paper bag. Tumaas ang kilay ko nang may makita akong CD. Ano naman 'to?

Humakbang ako tungo sa kama at binuksan ang paper bag, saka lumapit ako sa DVD player at sinalang 'yon at kinonekta ko sa Bluetooth speaker ang player.

Napapitlag ako nang marinig ang latest music ng Vine. Ngumiti ako nang malapad pero napakunot naman ang noo nang may maalala. Mabilis kong inabot ang paper bag na pinaglagyan ng CD pero walang note kung saan galing. Ang sigurado ko lang ay iyon ang latest album ng Vine!

Natawa ako at napailing. Si Tiden talaga! Aba, may reg
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status