Pagkatapos ng mainit na halik sa waterfall ay mas lalong lumalim ang relasyon namin ni Levi. Nagiging komportable na ako sa presensiya niya kaya hindi na ako nauutal na gaya ng dati. Kaya ko na ring tumitig sa mga mata niya na hindi nahihiya dahil nawala na ang insecurity ko. "Okay lang ba talaga na sasama ako sa 'yo?" tanong ko sa kaniya at nilibot ang tingin sa labas ng bintana ng kotse. Papunta kami ngayon sa recording studio na pagmamay-ari ng entertainment group na ANEW. Ngayon ko lang din nalaman na isa sa mga co-holder ng company si Levi. Ito 'yong sinabi niya kay Papa na may business siya sa entertainment industry.Pinagsiklop niya ang mga kamay namin. "I already told you, Rishel. Don't mind the rumors," assurance niya sa akin. Nitong mga nakaraang araw kasi ay may kumakalat na chismis sa fan groups sa social media na may kahaliparot si Levi na isang non-showbiz girl. Nakunan daw ng isang fan si Levi na kasama ang isang babae sa Abalaya
Hindi ko na kinuwento pa kay Levi ang tungkol sa kakaibang karanasan ko sa janitor. Ayaw ko rin siyang mabahala at mag-alala. Minabuti ko na lang iwasan ang naturang recording studio kapag ako naman ang magri-record ng kanta. Kaya noong Linggo ay nag-record ako ng kanta sa studio roon sa Mandaue. Sinamahan ako ni Levi kaya muntik na kaming pagkaguluhan ng mga fans na nakakita sa kaniya. Mabuti na lang at mabilis ang pag-aksyon ng mga security guards ng naturang studio. Napaisip tuloy ako kung tama ba ang pagsama niya sa akin?"Don't worry. People will love your voice," sabi ni Levi nang mapansing tuliro ako.Kinagat ko nang mariin ang labi. Kanina lang ini-release ng management ang debut song ko as solo artist under ANEW Entertainment Group. Sobrang pressure sa part ko dahil sa viral video ko kasama ang Vine. Alam na ng fans na isa akong solo artist kaya inabangan nila ang paglabas ng kanta ko dahil gusto nilang ihambing ang boses ko sa boses ni Nicole. N
This won't work!Tumungga ako ng alak bago nagreklamo kay Levi. "Look, kung nakakamatay ang tingin, kanina pa ako nakabulagta sa sahig," sumbong ko sa kaniya at ininguso si Nicole na nakatayo ilang metro mula sa amin.Kasama ni Nicole sina Tiden at June pero parang walang balak na lumapit ang tatlo sa table namin ni Levi. Alam kong kanina pa tingin nang tingin sa akin si Tiden maging si June, pero mukhang hindi nila gustong magpunta kung nasaan kami ni Levi. Naintindihan ko naman dahil nasa VIP section kami. One of the perks of being a co-owner of the company. Sumulyap si Levi kay Nicole. "Let her," aniya bago sumimsim ulit ng alak. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. Matalas akong tumingin sa gawi ni Nicole at mukhang alam niya ang nangyari kaya ngumiti siya nang matamis sa akin. Nag-igting ang bagang ko sa ginawa niya at inirapan ko siya. Pero bigla akong natigilan nang magtama ang tingin namin ni Tiden. Hindi ko sinabi sa kaniya na naging nobyo ko na si Levi at han
"You are Rishel?" Naningkit ang mga mata ng CEO. Lumunok ako at tumango sabay ngumiti ng tipid sa lalaking nakaupo sa likod ng malaking mesa. "I am, Sir." "I see." Pinagsiklop niya ang mga kamay at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang talampakan. Hindi ako komportable sa klase ng tingin niyang parang pinag-aaralan kung bebenta ba ako o hindi. Lihim akong lumunok at kumuyom ang kamao na nakatago sa likod. Inutusan ako ng management na makipagkita sa CEO ng Topzan Entertainment, isa sa mga kasosyo ng kompanya. Ang sabi ng management ay gusto raw akong makausap ng CEO ng kompanya bago mag-invest ng panibagong funds sa Anew Entertainment. Kinabahan ako nang una kong marinig iyon sa management at nakiusap kay Levi na samahan ako, pero hinarang ako ni Maingey at pinagsabihan ako sa harap ng maraming tao. May upcoming concert ang Vine kaya magiging busy si Levi at sa ginagawa ko ay hinihila ko raw pababa ang career ni Levi. Nang makitang pinagsabihan ako ni Maingey sa harap ng s
Iginiya ako ni Levi paalis sa opisina at hinatid ako sa dressing room. Huminto ako sa tapat ng pinto at tumingin sa kaniya. "W-Wala akong pamalit," bulong ko. Napatingin siya sa akin at napabuntong-hinga. "What are you doing in this place, Rishel?" tanong niya saka dinukot ang phone sa bulsa. May tinawagan siya saglit bago muling tinuon ang atensyon sa akin. "Sa susunod, 'wag kang magpunta nang mag-isa."Kinagat ko ang ibabang labi. "Hindi ko naman kasalanan ---""Whether your fault or not, you're responsible for your actions!"Napatalon ako sa sigaw niya at nahihintakutang napatitig sa kaniya. Ito ang unang beses na sinigawan niya ako at hindi ko maintindihan ang naramdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya galit sa akin gayong ako itong muntik nang pagtangkaan ng masama. Nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya ay huminga siya nang malalim. "Hindi ko gustong maulit pa 'to. Don't seduce that damn Rei. Naintindihan mo, Rishel?" "Sinisisi mo ba ako sa nangyari, Levi?" Nangun
Pin drop silence hit us. Tumaas ang kilay ni Nicole at mas lumalim ang titig sa akin ni Levi. Huminga ako nang malalim at kumuyom ang kamao. "What now? Tatahimik ka na lang?" Tinuro ko si Nicole. "Hindi mo ba sinabi sa kaniya na may nangyari sa ating dalawa?"I was hoping that Nicole would feel bad, pero bigla siyang ngumiti at tumawa sa akin. Kunot-noo ko siyang tinitigan. "Did you hit your head? Why are you laughing?" inis kong tanong sa kaniya. Umiling si Nicole. "Are you talking about the other night?" Kumibot ang sulok ng mga labi ko. "May nangyari sa amin ni Levi sa gabing 'yon, Nicole.""So?"Mas lalong nagngitngit ang kaloob-looban ko sa ngiting nakapaskil sa mga labi niya. Ano bang gusto niyang iparating sa akin? Na wala siyang pakialam kung may nangyari sa amin ni Levi? Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan ako ni Nicole. "Are you sure about that night? Did Levi do it with you?" nanunuya niyang tanong sa akin. "What do you mean?" "Poor girl," sabi ni Nicole saka bum
Tinawagan ko ang numero niya pero nang may sumagot sa kabilang linya ay hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kaniya matapos kong mapagtanto na isang eskandalo kapag aaminin kong may lalaking nagmolestiya sa akin sa gabing 'yon. Nakagat ko ang ibabang labi. "Rishel," tawag niya matapos ang ilang minuto kong pananahimik. "Napatawag ka?"Saan ba ako magsisimula? Napatayo ako nang tuwid nang maalala ang nangyari kanina. Nagsalubong ang dalawa kong kilay habang kinuwento kay Lyndon ang tungkol kay Rei sa pagtangkang pagsira niya sa dangal ko, kahit pa alam kong may iba nang nakauna sa akin. Matapos niyon ay namayani ang katahimikan sa aming dalawa bago siya umikhim. "Alam ba ito ng mga magulang mo?" tanong niya. Naging isang linya ang mga labi ko at napatingin sa labas ng bintana kung saan nagsisimula nang umambon. "Hindi ko pinaalam sa kanina. I don't want them to worry so this matter must end sooner." Huminga ako nang malalim. "Mr. Davies, I know I've hurt your co
Kunot-noo akong humakbang papasok sa bar na sinasabi ng bartender kanina. Hindi ko akalaing magpupunta sa ganitong mga lugar si Tiden. Noon pa man ay hindi ito mahilig na uminom ng alak kaya nakapagtataka na nagpupunta na siya ngayon dito. Kung may problema siya, dapat ay sinabi na niya sa akin. Mabilis akong nakalapit sa counter kung saan kita ko sa malayo ang nakatungong bulto niya. Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. I never seen him wasted like this. Sa tingin ko nga sa kanilang dalawa ni June, mas mababa ang tiyansa niyang maging wasted. "Tiden," tawag ko nang makalapit ako sa kaniya. Pero hindi man lang siya kumibo sa pagkakaupo niya. Tumingin ako sa bartender at nag-abot ng sobre para manahimik siya at mukhang agad naman niyang naintindihan ang ibig kong ipahiwatig. Ngumiti ako sa kaniya bago humingi ng tulong para buhatin si Tiden tungo sa kotse na naghihintay sa amin.Nando'n si Gerard na naghihintay habang nakasandig sa hood ng kotse. Napatayo siya nang makita niya ak