Share

Kabanata 43

Iba ang tingin ni Papa sa akin. May halong pagmamalaki at kapansin-pansin ang kasiyahan sa mukha niya. Nagbaba ako ng tingin sa hiya. Hindi ko alam na magva-viral ang ginawa kong pagkanta kahapon kasama ang Vine.

"Tinawagan ako ng kasosyo ko sa negosyo, aniya'y magaling kang kumanta," puri niya.

Napanguso ako. "Kanina ka pa, Pa. Nahihiya na ako sa sinasabi niyo."

Natawa siya. "Bakit? Nakita ko ang video at mukhang namana mo ang talento ng ina mo."

"Talaga, Pa?" Ngumisi ako. "Magaling kumanta si Mama?"

"Magsitigil nga kayong dalawa! Nasa harap tayo ng pagkain," saway ni Mama.

Sabay kaming natawa ni Papa. Tinago naman ng mga katulong ang mga ngiti nila. Naningkit ang mga mata ni Mama pero hindi na umimik. Napailing na lang ako. Narinig ko kasi minsan ang pagkanta ni Mama, at talagang medyo... kulang ng isandaang hakbang mula sa boses ni Lea Salongga. Si Papa lang 'yong medyo sumakto sa tono.

"Pero hindi ka nagpaalam kahapon, Rishell."

Nawala ang ngiti ko. "Nalimutan ko, Pa. Sorry."

"Sin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status