Share

Kabanata 42B

"Rishel..."

Napakurap ako. Agad kong nilingon ang taong 'yon at nasapo ko ang bibig. "Levi?" Napatayo ako at napaatras. "Anong ginagawa mo rito?"

Ngumiti siya at umikot sa bench saka tumayo siya sa harap ko. "Ihahatid kita."

Nawalan ako ng salita. Si Levi? Ihahatid ako ni Levi? Nag-iwas ako ng tingin. "Wag ka ngang magbiro," bulong ko. Umihip ang hangin sa pagitan naming dalawa.

"I'm not playing jokes, Rish."

Tumingin ulit ako sa kaniya. Kahit malamlam ang liwanag na tumatanglaw sa mukha niya ay nakita kong seryoso siya. "Bakit mo ako ihahatid?"

Nanlaki ang mga mata ko nang inabot niya ang baywang ko at hinigit ako palapit sa kaniya. "Ilang araw kong kinontrol pero hindi ko kaya."

"Anong hindi mo k-kaya?" pigil-hiningang tanong ko sa kaniya. Bigla niyang pinasadahan ng daliri ang ibabang labi ko kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. "Levi..." Napalunok ako.

Napasinghap ako nang bumaba ang mukha niya at nilapat ang sariling labi sa labi ko. Mas lalo akong nanigas sa gulat.

"Rishel,"
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status