Share

Chapter 2

Pagkagising ko ay mabilis ang ginawa kong pagkilos para hindi ako ma-late sa pupuntahan ko. May ginagawa kasi akong party na para sa birthday ni Simon bukas. Tinignan ko ang orasan at nakitang 6:30 pa lang ng umaga.

Dahil gusto niya naman ‘yung mga paparty party ay ayun ang naisip kong gawin. Lagi naman akong nag susuprise sa kanya tuwing birthday niya pero ngayon lang ako gagawa ng party talaga.

Sigurado akong magugulat siya nito dahil hindi ako gumagastos ng malaking halaga para sa walang katuturan na bagay at isa pa ayaw ko sa lahat amg nasasayang ang oras ko. Mas gusto ko pang mang-chix magdamag kaysa sayangin ang oras sa pagpaplano ng party.

Pero hindi muna ang mang chichix ngayon dahil mas importante sa akin ang best friend ko. Kaya naman ng anaconda ko na magpahinga kahit dalawang araw lang, eh.

Pagkatapos kong makapagbihis ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I'm wearing a warm and professional black coat to make me look like a professional and a Slim-Fit Black Trousers because I want to be able to move around and maintain my dignity while looking like the freshest guy in the room. My face is always fresh so I also want my outfit to look fresh too.

Pagkatapos kong ma-check ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto at umalis na sa bahay. Pagkasakay ko sa sasakyan ko ay tiwagan ko si Lily Beth na siyang mag-o-organize ng Party.

Nakatatlong ring bago niya sinagot, “Yes? Who's this?”

My brows furrowed. “We have an appointment today, right?” Hindi ko sinagot ang tanong bagkus ay nagtanong ako ng iba.

“A-Ah, yes. Sorry Mr. Wesley, I forgot.” I can hear the sound on the other line. She's probably in hurry. Well, as she should.

“Be on time or else... I will replace you.” I ended the call when I said that.

Huminga ako ng malalim bago ko minaobra ang sasakyan. Black Mazda, thats the name of my car. I bought it when I was 18 years and now, I still have it. This is the best car I had because this is my first car.

~~~

Pagkarating ko sa Theondor Coffee Shop ay mabilis akong bumaba sa sasakyan ko at mabilis na naglakad papunta sa Coffee Shop. Naka-reserve na ako doon kaya tinuro agad sa akin ng Waiter ang pina-reserve ko.

Naabutan kong may nakaupo na roon kaya inayos ko na ang coat ko. Good. She's here na. Ayokong nag-aantay.

Umupo na ako sa upuan kaya napunta sa akin ang tingin niya. She looks nervous. She's beautiful and I think she's in early thirties. Mapula ang labi, Makapal ang kilay, Mahabang pilikmata, Matangos na ilong at Morena ang kanyang balat. Exactly my type but this is not the time for that. I have some important thing to do.

“Sir, What's the theme of the party?” I rolled my eyes.

“Syempre ‘yung babagay sa kanya. ‘Yung pang—” she cut my words.

“Is it a SpongeBob? Dora the Explorer? Or Spiderman? I have everything you want, Sir.” Hindi makapaniwalang tinitigan ko siya. Anong pinagsasabi niya?!

“Are you joking?” I asked but she just shook her head.

I took a deep breath, “He's not a kid. He's already adult. In fact he's in 20s.” she look so shock when I said that.

“Huh? Pero bakit walang nagsabi sa akin?” rinig kong bulong nito.

Inayos ko ang pag-upo ko sa upuan at huminga ng malalim. Geez. Nasasayang ang oras ko sa kanya. Tinignan ko ang orasan para malaman kung late na ba ako sa isa ko pang pupuntahan and Thank God hindi pa.

“Magtatagal pa ba ‘yang pakikipag-usap mo sa sarili mo?” naiinis na tanong ko.

Namula naman ang pisngi nito sa sinabi ko pero siniringan ko lang siya. Ayoko sa lahat ng sinasayang ang oras ko sa mga walang katuturan na ginagawa.

At buti na lang talaga na hindi ko siya pinatulan dahil mukhang may sapak pa sa ulo itong babae na ‘to. Dahil sa pagkainip ay tatayo na dapat ako ng magsalita na ito.

“Sorry. Okay, let's start.” she said kaya umupo ulit ako. “The theme of the party is like a bar?” she asked which I nodded, “Noted. So basically there's champaigne or any other drink which suitable for 18 years old and above only. The guess must be 18 above because if someone in 17 of 16 that will attend on the party, pagagalitan ako.” Thank God na nasa legal age na ang mga kaibigan namin ni Simon.

And as if I care kung pagalitan siya. Wala akong pakialam sa kanya. Andito lang naman ako dahil no choice ako na siya ang ipaorganisa ko ng party dahil busy daw ang gusto kong magoorganisa. Magdusa siya. Sinayang niya oras ko, eh.

“Okay, and?”

“Gusto mo ba ‘yung may pa iba’t ibang kulay na ilaw?” she asked and I nodded again. Geez. Marunong ba talaga siya sa mga ganito? Bakit pailaw-ilaw tawag niya doon? Tch. “Wait, girlfriend mo ba ang magbi-birthday?”

I shake my head, “Nope. My best friend will be the birthday boy.” nakita ko ang pagkislap ng mata niya sa sinabi ko.

“Oh, how sweet of you.” she looks at me with admiration.

“Ikaw nang bahala sa gagawin sa party, ha?” she nodded, “I supposely na hindi na ako kailangan dito, so bye.”

Hindi na siya nakaangal dahil sa biglaan kong pagtayo sa kinauupuan ko. Mabilis akong naglakad papunta sa kotse ko na naka parking sa Parking Lot. Geez. Ang dami kong sinayang na oras.

Pagkamaniobra ko ng sasakyan ay mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko at diniretso sa bahay nila Simon. Pregnant pala, ha.

~~~

Habang nasa biyahe ay may tumatawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito pero ang mata ay nasa kalsada pa rin.

“Why?” I asked Lendor. Siya ‘yung tumawag sa akin.

“Pumunta ka ba dito kanina?” he asked.

Tumango ako kahit wala siya sa harap ko. “Yeah, why?”

“Sayang! Hindi tayo nagkita!” he exclaimed.

Huminga ako ng malalim, “Ayan lang ba tinawag mo? Bababaan na kita.”

“No, hindi lang ‘yon. May nag-report sa akin na isa sa waiter ko na hindi mo pa raw binabayaran ang pina-reserve mong table.” seryoso niyang sambit kaya nahinto ko ang sasakyan ko.

“What?” Hindi makapaniwalang sabi ko.

“Totoo ba ‘yon?”

“Pe...pero may naiwan d'yan, ‘diba?”

“Yes. Pero hindi siya siningil ng mga tauhan ko dahil hindi naman siya ang nagpa-reserve at isa pa mukhang wala rin siyang perang dala.” he said.

I massage my forehead, “Ibibigay ko na lang sa ‘yo ang bayad ko.”

“Kailan mo ibibigay? Alam mo na, kailangan ko talaga ng pera ngayon. Dahil gipit na ako.” muntik na akong matawa sa sinabi niya. Gipit? Nakikipagbiruan ata ‘tong si Lendor.

“Bukas. May gagawin ako ngayon.” sabi ko saka pinatay ang tawag pagkatapos naming magpaalam sa isa't isa.

Pinaandar ko na ulit ang sasakyan ko at salamat sa Diyos dahil wala ng nambwisit sa akin sa buong biyahe hanggang sa makapunta ako sa bahay nila Simon.

Pagkahinto ko ng sasakyan ko ay tinawagan ko si Simon na mukhang hindi busy ngayon dahil sinagot niya agad ang tawag ko. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang 1: 24 PM na. Ang dami ko talagang nasayang na oras dahil hapon na ako nakarating. Buti na rin na kilala ako ng Bodyguard nila dahil pinapasok agad ako.

“Why?” he asked. Tahimik ang linya niya kaya alam kong wala siya ngayon sa bar.

“Where are you?” Tinignan ko ang mga bintana ng Mansion nila pero hindi ko siya makita.

“Mansion.” maikli niyang sagot.

“Where are you exactly?” marahan ko pa ring tanong.

“My room.” Pagkasabi ni Simon nun ay bumaba na ako ng sasakyan ko at pumasok sa Mansion nila.

Hindi na ako masyadong pinansin ng mga kasambahay dahil sa pagmamadali sa kani-kanilang ginagawa.

Pagka-akyat ko sa hagdan nila ay dumiretso ako sa kwarto ni Simon saka iyon kinatok. Hindi naman nagtagal ay binuksan niya rin ang pinto. Wala siyang damit na suot pero may short naman. Magulo rin ang buhok niya pero hindi ko na lang ‘yon pinansin.

Nagulat siya ng ako ang mabungaran, “Napasugod ka ata?” he asked.

“Where's your brother?” I didn't answer his questions, instead I ask another question.

Pinapasok niya muna ako sa kwarto niya bago sinagot ang tanong ko.

“Nasa room niya. Natutulog.” mabilis akong lumabas sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ni Kio.

Kinatok ko ‘yon ng malakas kaya narinig ko ang pagbukas nito agad. Pagkabukas niya pa lang ng pinto ay sinalubong ko na siya ng malakas kong suntok.

Naramdaman ko ang paghawak ni Simon sa balikat ko para pigilan ako sa pagsuntok ulit sa kapatid niya.

“Ano bang ginagawa mo, Cyrex?!” malakas na tanong niya.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status