Share

Chapter 7

Mabilis na nawala ang ngiti ko nang mapadaan na naman ako sa mansion nila Simon. Huminto ako sa pagmamaneho at sinulyapan ang malaki nilang mansion. Nakita ko ang isang pigura ng lalaki sa terrace ng kwarto ni Simon.

Sigurado akong siya 'yon dahil kilalang-kilala ko ang katawan niya. Nakita ko ang pagkaway nito sa pwesto ko pero inirapan ko lang siya at umalis na.

Akala niya ata mabilis niya akong mauuto para bumalik sa kwarto niya. Kinuha ko ang cellphone ko nang mag ring ito.

“Hello, this is Cyrex Wesley. What can I do for you?” sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan ang caller.

“You didn't save my number?” may pagtatampo sa boses ni Simon kaya tinignan ko ang caller Id.

Hindi ako sumagot sa kanya dahil mali naman ang akusa niya. Naka save ang number niya sa phone ko, sadyang hindi ko lang agad natignan kung sinong tumawag.

“Who are you?” I jokingly asked.

“It's me, chuckie.” mahinang boses na sagot nito kaya pinigilan ko ang pagtawa. “But seriously, you should save my number.”

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status