Share

Chapter 3

Marahas ko siyang tinignan dahil sa pagpigil niya sa balak kong pagsuntok ulit kay Kio. Mukha namang nagulat siya sa tingin na binibigay ko sa kanya.

“Bitiwan mo ako.” madiin na sambit ko pero hindi niya ako binitawan.

“What the f*ck is your problem, Cyrex?!” tinignan ko si Kio na siyang nagsalita.

Madilim ang tingin na binigay ko sa kanya. Hindi pa rin binibitawan ni Simon ang kamay ko kaya hindi ko siya masugod-sugod.

“You're my f*cking problem! You f*cking bastard! You eat your own words! F*ck you!” bumalatay ang pagtataka sa mukha nito.

“What are you f*cking saying?!”

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at ginamit ko ang lakas ko saka tinulak si Simon para masuntok ang p*t*ng*n*ng mukha ng kapatid niya!

Lumalaban ito sa bawat suntok ko sa kanya kaya nahihirapan ako sa ginagawa ko. T*ng*na! Hindi ko naman alam na malakas pala itong sumuntok!

Tumayo ako saka hinawakan ang damit pagkatapos ay malakas na sinandal siya sa pader at doon pinagsusuntok.

Naramdaman ko ang malakas na pwersa ng kamay na pinaghihiwalay kaming dalawa pero hindi pa rin kami tumigil sa kakasuntok sa isa't isa. F*cking Kio!

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong tumalsik papunta sa pintuan kaya kumalabog ito. Biglang parang huminto ang paligid ko dahil sa lakas nang pagtama ng ulo ko sa pinto. T*ng*na! Ang sakit!

Napapikit ako sa sakit at parang bigla kong nakalimutan ang pagpunta ko dito. Hindi ko maidilat ang mata ko dahil sa nararamdaman kong sakit sa ulo.

“Shit. sorry.” Ayan ang huli kong narinig bago magdilim ang paligid.

~~~

“Wala namang nakaapektuhan sa brain niya kaya ‘wag kayong mag-alala. Mabuti na lang ay mabilis siyang naipunta sa Hospital kaya naagapan pa.”

“Then, why did he block out, Doc?”

“Dahil sa lakas ng impact ng pagtama ng ulo niya sa pinto.”

“Thank you so much, Doc.”

“Kailan po ba siya magigising, Doc? Sh*t siya kasi, eh!”

“Baka mamaya o bukas. ‘Wag kayong mag-alala dahil magiging siya. Sige, aalis na ako.”

Nagising ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Hindi ko pa rin minumulat ang mata ko dahil gusto ko pang marinig ang pinag-uusapan nila.

Boses lang ni Simon at Kio ang naririnig ko kaya sa tingin ko ay hindi pa nila ipinapaalam ang nangyari sa akin kila Ate at daddy. Ayaw ko ng mag-alala pa sila Daddy sa akin dahil sa pagiging impulsive ko.

“Cyrex, sorry.” — si Simon na nagsalita.

Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay o kaya sa hindi malamang dahilan ay napapiksi ako. Geez. St*p*d, Cyrex.

“G-Gising ka na pala.” he stuttered.

Iminulat ko na ang mata ko at ang bumungad sa amin ay puro puti na parang aakalain mo na nasa langit ka na. Saglit pa akong nasilaw dahil sa tagal kong nakapikit pero unti-unti ay naga-adjust na ang mata ko.

“Sorry...” nabaling ang tingin ko kay Simon na siyang nakayuko sa tabi ko. “Promise! Hindi ko sinasadya. Nainis lang talaga ako dahil nagkakasakitan kayo at ayaw niyong makinig sa akin. Ayokong nagkakasakitan ang dalawang mahal ko sa buhay.” for some reason biglang tumibok ang puso ko nang marinig na sinabi niyang mahal niya ako—kaming dalawa.

“Its... its okay.” paos ang boses na sambit ko.

Napangiti ako ng makita ang pagguhit ng ngiti sa labi nito pagkatapos ay mahigpit akong niyakap. Ginantihan ko rin siya ng yakap kaya napunta ang tingin ko kay Kio na masama ang tingin sa akin.

“Oh, anong tingin-tingin mo diyan? Hindi ako magso-sorry sa ‘yo! Ikaw susugod-sugod sa bahay namin ng walang dahilan tapos ako magso-sorry? Ano ka, helu?” masungit nitong saad.

Inalis ko muna ang yakap ko kay Simon saka sinagot si Kio.

“Hindi ako tumitingin sa ‘yo dahil gusto kitang mag-sorry. Sadyang napadaan lang sa ‘yo ang paningin ko. At isa pa, hindi ako sumugod sa ‘yo kanina dahil trip ko lang. Sumugod ako dahil sa napakaimportanteng rason.” mahabang saad ko kaya nagulat pa ako dahil hindi ako napaos kanina.

“At ano naman itong ‘nakapaimportanteng rason mo?’” he mock me.

I sighed, “You impregnate my sister.”

Pagkatapos ko iyon sabihin ay tila’y para siyang napako sa kinatatayuan. Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. Naramdaman ko rin ang paninigas ni Simon sa tabi ko.

Katahimikan ang bumalot sa loob ng kwarto. Mga hininga na lang namin ang naririnig namin dahil sa sobrang tahimik. Walang gumalaw sa kanilang dalawa pagkatapos ko iyon sabihin.

“T-Totoo ba ‘yon, Kio?” Hindi makapaniwalang tanong ni Simon.

Umiling iling si Kio kaya nabuhay na naman ang galit sa dibdib ko. T*ng*n* talaga nito, oh! Ide-deny niya pa talaga?! Kung hindi lang talaga sa ulo ko ay sinugod ko na siya!

“Hindi... Hindi ‘yan totoo, Cyrex! Yes, We had s*x! Pero last last week pa ‘yon! It just a one night stand! Hindi na ulit ‘yon naulit pa! Hindi ako naniniwalang ako ang ama nun!” bigla niyang sambit.

“F*ck you! At ano ang tingin mo sa akin?! A f*cking liar?!” mahinang sambit ko para hindi kami marinig ng mga Doctor at Nurses. “F*ck you, Bastard! Kahit hindi man ikaw ang ama ng dinadala ni Crystal ay wala ka pa ring paninindigan! Ang sabi mo kahit kailan hindi mo papatulan ang Ate ko! Pero ano ‘tong kinonfess mo?! You f*cking had a s*x with her!” galit na dinuro-duro ko siya.

Naramdaman ko ang paghawak ni Simon sa kanang balikat ko para pakalmahin ako. May ibinulong ito na siyang tuluyang nagpakalma sa akin.

Nang ma-realize ni Kio ang sinabi niya ay yumuko ito saka pinagsasabunot ang buhok. Hindi pa ito sapat dahil sinuntok pa nito ang pader na spnasa likod nito.

“Hindi... Hindi pa ako handang maging ama... Bata pa ako... Gusto ko pang i-enjoy ang kabataan ko.” rinig kong mahinang bulong nito pero rinig na rinig ko naman.

“Edi sana kung hindi ka pa handa ay nag-condom ka! Duwag! Ngayon mo pa talaga na-realize na bata ka pa, ngayong nakabuntis ka na!” He’s just 22 years old pero marami na agad siyang napasukan at worse nakabuntis pa! Pinaka-worse, ate ko ang nabuntis niya!

Tumulo ang luha nito kaya mabilis ang naging lakad ni Simon papunta sa kapatid niya saka ito mahigpit na niyakap. Rinig ko sa pwesto ko ang malalakas na iyak ni Kio kaya umiwas ako ng tingin. He deserve that harsh words.

***

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status