Share

DAZZLING SWAN

WALANG KIBONG bumabas ng sasakyan si Adrielle nang tuluyan silang makarating sa Recto Avenue sa Manila. Hindi na rin niya hinintay na ipagbukas pa siya ni Bob ng sasakyan. Sinuklay niya ng kanyang mga daliri ang nakalugay niyang buhok bago siya tumingala sa signage na nakalagay sa itaas ng club.

DAZZLING SWAN

Sumilay ang tipid na ngiti mula sa sulok ng kanyang mga labi nang mabasa niya ang mga letrang nakasulat doon. Ah, matagal na panahon na rin simula nang huli niyang makita ang club na pag-aari ng Ninang Beverly niya. Malaki na ang ipinagbago ng dating maliit lamang na bahay-aliwan. Ang dating luma at tatlong palapag na gusaling katabi ng Dazzling Swan ay wala na roon. Na-extend ang club hanggang sa dating gusali at mayroon na ring parking space sa gilid.

Inikot niya sa paligid ang kanyang paningin at muli siyang binalot ng lungkot lalo na nang mapatingin siya sa bahay ni Mang Estong kung saan mayroong maliit na tindahan sa harapan. Tandang-tanda niya pa na paborito nilang dalawa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status