Share

Chapter 6

[Marie's POV]

Medyo late na akong pumasok ngayong araw. Ewan pero dama ko nang may mangyayaring hindi maganda dahil kagabi pa ako hindi mapakali.

Pagpasok ko sa classroom, the first thing that caught my attention was the different colors ng mga upuan at ang babaeng naka-Kimono na nagsasalita sa may harapan.

Inilibot ko ang paningin ko at nakita kong tatlo na lang ang vacant seat.

Ang kulay dark violet na upuan na nasa likuran at ang black sa may unahan.

Pero napili kong umupo sa yellow green chair. Palapit na ako sa upuan pero ang tingin ko ay nasa aming class president — ang aking long time crush, si Gio.

Uupo na sana ako ng biglang may tumulak sa akin dahilan para masubsob ako sa sahig na siyang tinawanan ng mga kaklase ko.

Nakayuko lamang ako ng biglang may nakita akong nakalahad na palad sa harapan ko. Tumingala ako at bumungad sa akin ang mukha ng crush ko.

"G-Gio." Gulat man at kinikilig ay nagawa ko pa ring kunin ang kamay niya at tinulungan niya akong tumayo. Hindi ito ang unang beses na nahawakan ko ang kamay niya pero ramdam ko pa rin 'yong kuryenteng biglang dumaloy sa kaibuturan ko.

Nginitian ko siya at nagpasalamat na sinuklian niya rin ng isang ngiti.

Geez. Kumpleto na naman ang araw ko!

Bago ako umupo sa may dark violet na upuan ay tiningnan ko pa kung sino 'yong tumulak sa akin and it turned out na si Issha pala 'yon. Ang babaeng patay na patay rin kay Gio.

Kilala talaga si Gio sa buong Nakamoto Academy dahil sa taglay niyang kakisigan. Marami ring nagkaka-crush sa kanya sa ibang year at section. Maswerte nga ako dahil ilang taon na rin kaming magkaklase at nasaksihan ko kung gaano siya kabait kahit na may pagka-cold talaga siya lagi.

Nagsalita na ng kung ano-ano 'yong babae sa harap ng biglang dumating si Fiona.

Fiona is one of the prettiest girl I know. Pero medyo may pagka introvert. Ilang sa tao, sa amin, kaya naman hindi ko siya gano'n kakilala kahit matagal ko na siyang kaklase. She barely talks lalo na kung normal conversation lang.

Tahimik din siya lagi. Para bang may sariling mundo. Halos wala nga yang ka-close dito sa amin.

Dahil siya na lang ang kulang, wala siyang choice kung 'di ang umupo sa black chair na nasa tabi ng bintana.

I wonder kung bakit walang umupo sa black chair na yun. Kasi diba ang ganda ng kulay na black. Dito lamang ako umupo sa Dark Violet na bangko dahil malapit ito kay Gio.

Lumabas na yung Hapon na babae. Nakinig naman ako sa instruction kaya hinintay ko na lang ang pagtunog ng alarm para mapindot ko na itong red button sa may upper right.

I tried to stomp my feet since hobby ko na iyon pag nabobored ako pero hindi ko maigalaw ang paa ko.

Tiningnan ko ito at nanlaki ang mga mata ng makitang nakatali ang mga ito, sisigaw na sana ako ng mapakinggan kong sumigaw na si Fiona. Isa isa na rin silang nagtinginan sa mga paa nila at isa isa ring nagsipanic. Pati tuloy ako ay nagpanic na rin.

"Guys relax! Maybe that red button is the key. We must wait for the school alarm." Pero biglang nawala yung takot ko nang magsalita si Gio. Bilang class president ng klaseng ito at pagiging campus crush ay biglang nagsihuminahunan ang mga kaklase ko.

Hanggang sa nag-alarm na ang school bell.

Agad kong pinindot ang red button sa may upuan ko pero bigla rin akong napatulala ng biglang nagsitalsikan sa paligid ang mga pulang likido.

Natameme ako. Kita ko kung paano humandusay sa sahig ng classroom namin ang mga kaklase ko.

Nasa una ko lang si Gio kaya alam kong walang nangyari sa kanya.

Hindi ako makaiyak sa sobrang gulat. Nakita kong naka-survive rin sina Christian, Patrick at Fiona. Tulad ko'y halos napatulala na lang rin si Fiona sa nakikita niya sa paligid niya.

Nangunguna sa Gio sa paglalakad patungo sa theatre room. Seeing him like this makes my heart stomp. Kahit puro dugo na ang damit niya at medyo wala na sa ayos ang buhok ay napaka-gwapo niya pa rin sa paningin ko.

Lalo pa akong nabighani sa kagwapuhan niya ng makita ko siyang nakasuot ng pang-prince na costume. Bagay na kami since nakasuot ako ng yellow gown — 'yong costume ni Belle from Beauty and the Beast.

Pero nawala ang lahat dahil sa hirap kong napagdaanan sa mga sinulid na nagpira-piraso sa mga kasama ko.

Kung hindi lamang ako tinulungan ni Patrick ay malamang ay na-chopchop na rin ako.

Pero mas nainis ako dahil sa pagiging close nina Fiona at Gio. Nakikita ko pa ang mga simpleng pang-aasar ni Gio kay Fiona.

Pero mas tumindi yung nararamdaman kong inis ng buhatin ni Gio si Fiona ng pa-bridal style ng bigla itong himatayin.

Kung hinimatay rin ba ako bubuhatin niya rin ako?

Pero someone really caught my attention. Kung si Fiona'y binuhat ni Gio ng pabridal style. Binuhat naman ako ni Patrick ng pa-piggy Ride.

Simpleng natuwa ako sa ginawa niya. Nakaka-touch.

At ngayong nasa gym kami ay mas nakita ko pa kung paano magtitigan 'yong dalawa. 'Yong concern sa mga mata ni Gio sa tuwing natatakot si Fiona.

Pero napapansin ko naman si Patrick na laging nakatingin sa akin kaya hindi ko naman siya magawang tingnan. Awkward.

Mahigpit akong napakapit sa kakakuha ko lang na kutsilyo mula box ko. Kita ko ang paghabol ng mga aso sa mga kasama ko. Pero mas kita ko kung paano sila habulin ng elisi.

Ako? Mahigpit ko lang na kapit yung kutsilyo. Apat na aso na lang ang walang habas na tumatahol dahil napatay na ito ni Gio.

Kahit kailan talaga ay napakaangas ni Gio. Tila ba'y wala itong kinatatakutan. Pero mas nakabagabag sa kanya ang babaeng tinitingnan ng lalaking mahal niya.

Si Fiona.

Hindi naman ito nagpapapansin pero palagi na lang nasa kanya ang atensyon ni Gio.

Paunti na sila nang paunti at nakita pa niya kung paanong pinindot ni Fiona ang button sa kamay ni Robot.

Biglang may sumulpot sa aking harapan na asong tahol ng tahol kaya dala ng gulat ay bigla ko itong nasaksak ng hawak kong kutsilyo.

Sabay no'n ay ang biglang pagsulpot no'ng elisi sa may harapan ko pero bigla na lang rin lang itong nahulog sa may paanan ko.

Napatulala ako. I almost half way to my death.

Ramdam kong bigla na lang may humigit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Marie, you almost died in front of me. The fvck!" Si Patrick. Ewan pero napayakap na lang rin ako ng mahigpit sa kanya. Hindi kami close to the point na magyayakapan kami pero nakaramdam ako ng safety between his arms. Napakainit sa pakiramdam ng yakap niya. Nakakaantok. Idagdag mo pa ang walang tigil niyang paghaplos sa buhok ko.

I want to sleep.

"Sh*t! Tumakbo na kayong lahat palabas. May dalawang minuto pa bago sumabog 'yong robot!" Bigla kong naitulak si Patrick dahil sa narinig at biglang nataranta.

Mabilis pa sa alas-kwatro ang ginawa kong pagtakbo habang tulak-tulak ang aking puting kahon.

Bukas na ang gate ng gymnasium sign na tapos na ang round na ito.

Nagtagumpay si Fiona!

Mukhang hindi na dapat ako mainis pa sa kanya. Kung wala siya'y malamang ay wala na kaming nagawa.

Dahil sa larong ito, nakilala ko si Fiona.

She's a strong and brave lady.

Bagay sila ni Gio.

I smiled at bigla na lang akong napatingin kay Patrick. Ngumiti rin ito sa akin.

"'Pag natapos na 'tong walang kwentang larong ito, liligawan kita, Marie, tapos magiging tayo tapos yayayain kitang magpakasal tapos magkakaanak tayo ng sampu tapos sabay tayong tatanda tapos..."

Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Patrick dahil nauna na akong naglakad.

I smiled. "Baliw na lalaki."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status