Share

Chapter 5

Takot.

Takot ang unang naramdaman ko nang may pumasok na isang metallic na tao na may hawak na silver circular blades sa kanang kamay.

Pure silver ang kulay nito buong katawan. Wala itong buhok pero may face features tulad ng mata. Silver din ang bibig nito at ilong.

Babae ito base na rin sa umbok sa may dibdib. Pero hindi siya tao.

Isa siyang robot.

Mapapansin naman agad 'yon dahil sa mga turnilyo or something sa every part ng katawan niya.

Nagtilian ang mga kasama ko nang biglang umikot ang hawak niyang metal blades nang mabilis.

Biglang tumigil ang tilian nang wala pang milliseconds ay napugutan na ng ulo ang tatlo sa mga kasama ko. Inihagis ng robot ang blades at lumipad 'yon sa kanila at mabilis ring bumalik sa kamay no'ng robot 'yong blades na may pumapatak-patak pang dugo.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilang hindi mapasigaw at ang mga luhang nagbabadya na naman.

Dahil sa nasaksihang pagkapugot ng ulo ng mga kasama ko ay nagtilian muli sila at tulad ng nangyari sa tatlong estudyante ay napugutan rin sila ng ulo nang daanan ng blades.

Katahimikan.

Tahimik ang buong paligid. Tumigil na rin sa pag-ikot ang blades nito at bigla itong bumagsak sa sahig ng gymnasium causing an ear defying sound. Nagawa ko pang magtakip ng tenga dahil sa nakakangilong tunog ng pagtama ng blades sa lapag.

Walang gumagalaw sa amin ni isa. Kahit ata paghinga ay hindi na namin magawa nang maayos.

Lalo pa akong hindi nakagalaw nang bigla itong naglakad. Dinig na dinig ang mabibigat niyang hakbang gawa na rin siguro dahil purong metal ito.

Kita ko pang unti-unti na namang gumagalaw 'yong hawak niyang blades.

Sound triggers it.

Kapag may ingay ay gumagalaw ito. Kapag sobrang tahimik naman ay naka-steady lang siya.

Maybe the level of loudness determines its speed.

But then, papalapit na nang palapit ito sa 'min. Gosh, may mata siya pero hindi naman ito kumukurap tulad ng ibang robot na alam ko. Ang creepy tuloy niyang tingnan.

Tumigil ito sa gilid ng isang babae na nagagawa pang kumain ng orange habang naka-steady lang. Nakita ko pa ang panginginig ng kamay niya habang sumusubo ng orange but the next thing happened made me screamed in shock.

Biglang may lumabas na matalim na bagay sa kaliwang kamay ng robot at diretsong pinutulan ng ulo ang walang kamuwang-muwang na babae.

"Fiona, yuko." Gulat akong napatingin kay Gio at imbes na yumuko ay dumapa ako sa sahig at laking gulat ko nang biglang dumaan sa taas ko 'yong blades niya. Dahil siguro 'yon sa pagsigaw ko dahil sa gulat kanina sa ginawa niya ro'n sa babae.

Gosh, thank you Gio.

Kita ko pa ang pagdaan ng blades sa kaninang pwesto ni Gio bago muling ma-steady. Buti at mabilis na nakalipat ng pwesto si Gio.

Ngunit, nagsimula muling maglakad 'yong robot. Ngayon ay lumapit naman ito sa isang lalaki. Kilala ko 'tong lalaking ito, kanina ko pa siya naaamoy. Masyadong matapang ang gamit niyang pabango. Masyadong masakit sa ulo at nakakahilo.

Dahil nasa harap ko 'yong lalaki, napagmasdan kong maigi 'yong back part ng robot. Meron itong pulang button sa may batok niya.

'Yon kaya ang off button niya?

But then may napansin pa ulit akong isa pang red button sa may kanan niyang kamay.

Sh*t. Meron ding red button sa may lower back niya malapit sa may hips.

Pero natigil na naman ako sa pag-eexamine ng katawan niya nang bigla na naman niyang ilabas yung matalim na mahabang kutsilyo sa may left arm niya at pinugutan 'yong lalaki. Umiwas na lang ako ng tingin at napatabon ng bibig. Ramdam ko pa ang pagtalsik ng ilang dugo sa akin.

I looked at Gio, then kay Marie at kina Patrick at Christian.

Pero mas nagtagal ang tingin ko kay Christian. May hawak itong rose na inaamoy-amoy pa niya.

Saan naman niya kaya nakuha 'yon?

Narinig ko na lang ulit ang hakbang ng robot kaya napatingin ako sa direksyon ni Christian at laking gulat ng patungo ito sa direksyon niya.

Biglang nag-freak out si Christian at hindi magka-intindihan sa pag-alis sa pwesto pero sinundan pa rin siya ng robot.

Biglang nahagip ng paningin ko yung orange na nasa sahig na kanina'y kinakain no'ng babae, ewan pero napatingin naman ako ro'n sa lalaking pamatay ang pabango.

At tumingin ako kay Christian,

At sa hawak niyang rose.

Rose? Tapos Orange? Then perfume.

Oh sh*t.

Nag-panic ako bigla ng halos patakbo nang nilalayuan ni Christian 'yong robot.

Kumaway-kaway ako sa ere to catch his attention pero tulad ko ata'y nilamon na ng pagpapanic ang sistema niya.

Sisigaw ba ako? Bahala na!

"Throw away the rose!" sigaw ko at mabilis na yumuko pero this time nasa mas mababang part ng ere 'yong elisi kaya nadaplisan ako sa braso.

I tried to scream dahil sa sakit pero bigla na lang may tumabon sa bibig ko gamit ang isang towel.

"Scream or you'll die?" mahina pa sa mahinang bulong ni Gio sa may tenga ko. Inalis niya sa bibig ko 'yong towel at siya namang itinali niya sa sugat ko.

Bigla ko namang naalala si Christian at napansin kong kapit-kapit niya ang kabilang braso.

Nadaplisan siya.

Hindi na niya kapit 'yong rose kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Your observing skill is quite impressive, Nana," rinig kong bulong niya bago umalis at bumalik sa kanina niya pang pwesto.

Did he just complimented me?

Hindi sa hindi ako sanay makatanggap ng compliment pero si Gio 'yon eh. 'Yong mayabang na Gio. Wow! Just wow.

Bigla ulit akong napatingin sa robot na ngayo'y nasa gitna ng gymnasium at naka-steady.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may biglang lumabas na numero mula sa likod ng robot.

Isang timer.

14:58 at pababa nang pababa.

Meron na lang kaming less than fifteen minutes to turn her off.

Pero masyadong marami ang red button sa katawan niya. Baka bawat button ay may corresponding consequences. Mahirap mag-risk pero kailangan.

Tinanggal ko ang sapatos ko at naglakad palapit kay Marie.

"Do you have a perfume in your bag?" bulong ko sa kanya. Hangga't maari ay napakahina lang. Nangungunot man ang noo sa pagtataka ay mabilis din naman itong tumango at itinuro 'yong bag niya sa may tabi.

Lumapit ako doon at kinuha ang isang bote ng pabango.

Bitbit ang pabango ay lumapit ako kay Gio.

"We need to turn her off bago pa mag-zero 'yang timer na nasa likod niya. Pero may tatlo siyang red button sa katawan niya. One in her nape, then sa may right hand, then do'n sa may lower back." bulong ko sa kanya at kita ko naman ang pag-oobserve niya.

"I think that red button sa kamay niya have something to deal with that metallic blades," rinig kong bulong niya pero mukhang malakas pa rin 'yong boses namin dahil mapapakinggan ang pagkalampag no'ng elisi na nasa sahig.

Pero may point si Gio, right hand din kasi 'yong pinanghahawak ng robot doon sa blades niya.

I looked around. I count our number.

Eighteen. Eighteen na lang kami. Halos kanina sa Theatre room ay nasa mahigit forty pa kami.

Tiningnan kong maigi 'yong button sa may batok niya at sa may lower back. Alin sa dalawa ang tama? Alin sa dalawa ang tunay na off button?

Napapikit ako nang mariin. Ayaw kong magdesisyon. Ayaw kong magpabida masyado pero sampung minuto na lang ang natitira sa amin.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ng mahigpit ang pabangong hawak ko.

Naglakad ako palapit sa naka-steady na robot.

Pero bigla akong hinawakan ni Gio sa braso.

"What are you doing?" Wala akong narinig pero nabasa ko naman ang galaw ng mga labi niya. Nginitian ko naman siya at naglakad nang muli.

Nang mga ilang hakbang na ako palapit ay na-realize kong hindi ko na pala kailangan yung pabango. Nasa likuran na nito ako at nanginginig man ay pinindot ko na 'yong button sa may batok niya.

Pagkapindot ko ay humakbang ako palayo at hinihintay ang kung ano ang mangyayari.

Pero parang tinakasan ako ng kaluluwa ng biglang bumukas nang maliit ang pinto ng gymnasium at pumasok ang limang malalaking aso.

Mali ang napindot ko.

Tumingin ako sa mga kasama ko at bigla akong nanlumo sa mga tingin nila.

Biglang nagsitahulan ang mga aso at kasabay no'n ang muling pagkuha ng robot sa metal blades niya at ang takbuhan ng mga kasama ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status