Share

Chapter 4

I felt someone tapping me on my cheeks. I opened my eyes and saw Marie's worried face.

"Thanks, God, you're awake now, Fiona! Kaya mo bang tumayo?" Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Hindi na ako nahihilo pero ramdam ko pa rin ang paghapdi ng mga sugat ko.

"Bakit wala ka ng sugat?" tanong ko nang makita kong napaka-ayos na ng kalagayan ni Marie.

Her wounds were all gone. Naka-PE uniform na rin siya. All fresh!

"Nasa box ang lahat ng kailangan mo Fiona. Hindi ko mabuksan 'yong box mo kaya hindi kita mapalitan ng damit. Hindi naman kita pwedeng gamutin gamit ang mga gamot na nasa box ko." Pinangunutan ko siya ng noo.

"Bakit?"

"May isa kasi ritong estudyanteng bigla na lang namatay kanina, humingi siya ng slice ng apple sa kaklase niya. Nakuha niya 'yong apple sa box." The heck.

I looked at my box. Pinilit kong tumayo para malapitan ito at mabuksan.

Pagkabukad ay bumungad sa 'kin ang iba't-ibang gamit.

Meron itong lamang mga gamot, PE uniforms, food packs, tubig at weapons.

Weapons?

"Mukhang maraming supply ng food ang nakuha mo, Fiona ah." I felt my stomach growled in hunger pero mas dama ko pa rin ang mahapdi kong mga sugat kaya una kong kinuha ang medicine kit.

"Marami rin ang laman ng medicine kit mo." Dama ko ang inggit sa paraan ng pagsasalita ni Marie kaya I tried to change the topic habang sinimulan ko na ring gamutin ang sarili ko.

"N-nasaan nga pala 'yong tatlo?" Kakaiba itong gamot na binigay nila. Wala pang isang minuto ay humilom na agad 'yong mga sugat ko.

I am now feeling better.

"Nasa CR sila. Nagpapalit. Ikaw? Gusto mo bang mag-shower sandali?"

"Pwede?"

"Oo. May thirty minutes pa naman bago magsimula ang next round." I nodded at kumuha ng isang pares ng PE uniform at isang rubber shoes mula sa box.

Hindi na ako nag-abalang magpasama pa kay Marie dahil kailangan niya ring magpahinga.

Pagpasok ko sa Women's CR, wala akong nadatnang ibang tao kaya pumasok na ako sa isang cubicle.

Hindi ko muna binuksan 'yong shower at inilagay ko muna 'yong PE uniform ko sa may estante at nagbukas ng isang sachet ng shampoo na nakita roon.

Bubuksan ko na sana 'yong shower ng biglang bumukas ng malakas ang pinto ng CR at may pumasok na humahangos.

I stayed silent at nakiramdam.

Tanging ang mabibigat niyang paghinga ang tanging naririnig ko.

"Come on, Dad, answer the phone." I gasped. Narinig ko pa ang pagri-ring ng phone niya. I heard her stomping her feet.

Oo. She's a girl.

"Sh*t, Dad, kahit ngayon lang bigyan mo ako ng time." Ewan pero dama kong naiiyak na siya habang tinawagan niya pa ulit 'yong Dad niya.

Ewan ko pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako para sa kanya.

"Geez. This is useless. The heck!" Napakinggan kong tinapon niya 'yong cellphone niya at padabog na lumabas ng CR.

Lumabas ako ng cubicle, unang dumako ang paningin ko sa pintong nilabasan niya bago ako mapatingin sa cellphone niya.

Hindi ito nabasag. Actually, bhay pa nga 'yong phone niya at may isang message.

I walked slowly towards her phone.

May mangyayari ba kapag hinawakan ko 'tong phone na 'to?

Nanginginig man ang kamay ko ay nagawa ko pa ring makuha 'yong phone.

Natingnan ko pa nang ayos ang wallpaper niya. Si Jane ang nasa wallpaper.

So kay Jane pala 'to? Jane is a Grade 11 student. Nakasama ko na siya once sa mga programs ng Academy.

But then dumiretso ako sa messages niya.

Pero agad ko ring nabitawan 'yong phone niya nang mabasa ko 'yong pinakabagong dating na message.

'You're dead' 

'Yon ang nakasaad sa message from an unknown number.

Bigla na lang akong nakarinig ng mga sigaw mula sa labas. Mabilis akong lumabas ng CR at tumakbo papunta sa mga kasamahan ko pero hindi pa man ako nakakalapit ay biglang napako ang mga paa ko dahilan para mapatigil ako sa pagtakbo.

Jane is dead.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa bangkay niya. Her eyes were half opened at mistulang nakatingin ito nang diretso sa akin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at naglakad palapit sa nagkukumayaw na mga estudyante.

Nahagip din ng mata ko sina Gio, Patrick at Christian na patakbong pumunta sa lugar kung nasaan kami.

"A-Anong nangyari sa kanya?" Their attentions are all on me. Naiilang ako pero wala na akong magagawa.

"Biglang nag-bubble up 'yong bibig niya no'ng ininom niya 'yong bottled water na mula sa box niya. I even saw her na hindi magkaintindihan sa paghahalungkat ng box niya." Isang babae ang nagsalita. Her hair was on braids and her lipsticks are red.

"Fiona, bakit hindi ka pa nakakapagpalit? Kanina ka pa sa CR ah," tanong ni Marie. Hindi ko alam pero parang wala sa hulog 'yong tanong niya. Tiningnan ko siya ng may pagtataka kaya umiwas siya ng tingin sa akin.

"Wait, galing din kanina si Jane sa CR, medyo galit nga siya no'ng lumabas eh." 'Yong babaeng naka-braids pa rin ang nagsalita.

"I heard her trying to contact her Dad."  Iba't ibang bulungan ang narinig ko dahil sa sinabi ko.

"'Di ba bawal ang phone? How the hell happened na nakapagpuslit siya?"

"Did you try to kill her?" Napatingin ako ng diretso sa babaeng naka-braids dahil sa sinabi nito. Walang preno ang bibig, grabe.

"What the hell are you talking about Patrice?" Someone said. Patrice pala ang name niya. This b*tch!

"I'm just asking her, Steve, mas better na 'to kaysa mag-conclude ako 'di ba? So Fiona, did you try to kill her?" I clenched my fist.

"No!" matigas kong sagot pero mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko. Tinanong niya pa ako kung hindi rin siya maniniwala.

"Then, where's her phone?"

"Nasa CR," mabilis kong sagot.

Nakita kong may ibinulong siya sa katabi niyang lalaki at maka-ilang segundo ay patakbo itong umalis. Hinabol ko pa ito ng tingin at dumiretso ito sa CR.

Wala pang ilang minuto ay bumalik na rin agad ito.

"Wala akong nakitang cellphone sa loob," sabi nito na nagresulta sa panibagong bulungan. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang naniniwala silang magagawa kong pumatay ng tao para lang sa isang cellphone.

"Ilabas mo 'yong cellphone niya." Naglakad ito palapit sa akin at tiningnan ako nang matiim. Tiningnan ko rin siya nang matalim habang iniyukom ko ang kamao ko.

"Wala sa 'kin ang cellphone niya. Kung wala kayong nakita roon eh malamang may ibang kumuha na no'n." Naglakad siya paikot sa akin habang 'yong iba nama'y nakatingin lang at pawang naghihintay sa kung anong mangyayari.

"Sino namang ibang kukuha no'n? Eh ikaw lang naman ang nanggaling doon."

"Kung pagbibintangan mo ako maghanap ka naman ng magandang flaws para sa gagawin mong kwento." I heard her shrugged at tumawa ng mahina. Impaktang 'to. Kala mo nama'y bagay sa kanya ang red lipstick niya.

"Hindi kita pinagbibintangan, sinasabi ko lang kung ano ang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko nga ngayon na ikaw talaga ang pumatay kay Jane eh."

"Ayusin mo 'yang tabas ng dila mo at baka hindi ko makontrol 'tong kamay ko at masapak kita." Hinawakan niya yung buhok ko. Hinigit niya ito hanggang sa pasakit na nang pasakit.

"Aray! Ano ba talagang gusto mong babae ka ha?" Napuno na ako, humarap ako sa kanya at sinabunutan din siya.

"Oh. 'Di ba? Lumabas din ang tunay mong kulay!"

"Oy! Tumigil na nga kayo diyan." Nagsalita na si Gio pero tuloy pa rin ang paghila niya sa buhok ko. Alangan namang tumigil din ako 'di ba?

Pero isang sigaw ang nagpatigil sa aming lahat.

"Oh my gosh!" rinig kong nai-usal ni Patrice.

'Yong lalaking pumunta sa CR kanina na inutusan ni Patrice, nasusunog.

Walang makatulong sa amin sa kanya dahil buong katawan niya ay nasusunog na.

"H-huy, ano hindi niyo ba tutulungan?" Sabi ko pero wala ni isang gumalaw.

'Yong kaninang nagtatatalon na lalaki ay biglang tumigil at bumagsak sa lupa. Wala na siya.

Napa-upo ako sa sahig ng gymnasium nang unti-unting humupa ang apoy na tumutupok sa katawan niya. Pero agad din akong napatayo ng may makita akong kakaiba.

Naglakad ako palapit dito at napatigil nang mapagtanto kung ano iyon.

"'Yong cellphone," sabi ko nang mahina na nagpamura kay Patrice at sa iba pang nandoon.

Pero hindi pa man kami nakakabawi ng gulat ay biglang yumanig sa buong gymnasium.

"Hello students, we're going to start the next round. Goodluck and be alive."

Nagsimula na namang mabuhay ang kaba na rito sa larong ito ko lamang nararamdaman.

Hindi pa ako nakakapagpalit p*nyeta!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status