Share

XXVIII. Spilling Tea

Kinuha ko lahat ang mga envelopes na nakatago sa drawer. Inilusot ko 'yon sa bag ko at pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

May pasok na ulit kami ngayon at makakapagkita na ulit kami ni Macey. Ibibigay ko sa kaniya 'yong bagong envelope na natanggap ko. Medyo nag-aalala rin ako sa magiging reaksyon ni Macey dahil may litrato ang daddy niya rito.

Pagkababa ko ay nakita ko na si kuya na nag-aabang sa akin. Ihahatid niya raw kasi ako. Si Brix naman ay nasa school na dahil sumabay sa kaniya si Tita Mirasol.

"Nakaalis na ba sila mommy?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, kaaalis lang," sagot niya at tumayo na.

Lumabas na kami ng bahay at nagtungo sa sasakyan niya.

"Baka naman may mangyari na naman sa 'yo ngayon. Ilang beses ka ng napapahamak," sabi ni kuya habang nagmamaneho.

Napabuntong-hininga na lang ako. Simula nang tawagan ako ng killer, nasa panganib na ang buhay ko. At hangga't may koneksyon ako sa kaniya, hindi ko maiiwasan ang panganib.

"Mag-iingat na ako ngayon, kuya. Don't worry," sabi ko na lang sa kaniya.

Nang makarating kami sa school ay ibinaba lang ako ni kuya at agad na rin siyang umalis dahil magkikita pa raw sila ni Ate Bianca.

Maingay ang buong paligid ng school. Naririnig ko ang iba na nagkakamustahan na akala mo ay hindi nagkita ng ilang taon. May iba pa akong nakitang nag-aabutan pa ng regalo.

Ano 'yon? Nakalimutan ibigay no'ng Christmas?

"Demi!" napalingon ako sa sumigaw at nakita ko sina Brix at Jayson na papalapit na sa pwesto ko.

"Good morning," bati nilang dalawa sa akin.

Ngumiti ako. "Good morning din. Nand'yan na ba si Macey?" tanong ko.

Napansin ko ang pagkamot ni Jayson sa batok niya. "Kanina ko pa nga inaantay, eh. Nag text ako sa kaniya kagabi kung pwede ko siya sunduin, kaso hindi niya pa rin ako pinapansin."

Kita ang lungkot sa mga mata niya pero may kasalanan din naman kasi siya. Kahit ako ay nainis sa kaniya at hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa nila 'yon ni Sofia.

"Baka parating na rin siguro 'yon. Pumunta na tayo sa auditorium. May sasabihin daw si Mr. Francisco," sabi ni Brix.

Tumingin si Brix sa akin at hinawakan ang kamay ko. Sabay-sabay kaming naglakad patungo sa auditorium.

"Hindi pa ba nahahanap si Troy?" biglang tanong ni Jayson.

Umiling ako. "Hindi pa. Ayaw magsalita ng mga tao niya," sagot ko. Binalikan nila daddy ang hide-out nila pero wala ng tao. I also tried to contact Troy, but he's not answering.

"Tangina! Baka balikan no'n si Macey," inis na sabi ni Jayson.

Oo nga! Si Macey! Baka pwede niyang ma-contact si Troy. Kaso baka siya naman ang mapahamak.

***

"Good morning, students! I'm glad to see you again. I hope you all enjoyed your Christmas break sa kabila ng mga nabalitaang krimen kamakailan lang," panimula ni Mr. Francisco. Sandali siyang yumuko. "Ngunit, nitong nakaraang araw lang, may dumating na isang masamang balita sa akin." Napatingin ako sa paligid nang marinig ang usap-usapan ng mga estudyante. Madaming nagtatanong at nag-aabang sa susunod na sasabihin ng principal. Ang ilan ay parang may alam. Nagulat na lang ako nang biglang may umiyak na isang estudyante.

"May alam ba kayo?" tanong ko kina Brix at Jayson. Parehas lamang silang umiling.

"Last Saturday morning, I just received a message from Mrs. Paredes, Anton Paredes' mother," pagpapatuloy ni Mr. Francisco.

Sa pagkakaalam ko, Anton Paredes is part of GU's Basketball team. So, ano naman kaya ang meron sa kaniya.

"Anton Paredes, one of our best players in Basketball, was found dead last Friday night inside his room." Napatakip ako ng bibig nang marinig ko iyon. Lalong lumakas ang iyak no'ng babae kanina. Tinignan ko ulit siya at saka ko lang siya namukhaan nang maayos. Girlfriend siya ni Anton.

Lalong umingay ang buong auditorium. Sunod-sunod na ang umiyak at nakita ko rin ang Basketball team ng GU. Halata sa mga mukha nila ang sakit at lungkot dulot ng pagkawala ng ka-team nila. Pero ano naman kayang nangyari kay Anton?

Hindi sinabi ni Mr. Francisco ang dahilan. Nag dasal kami at matapos ang ilang mga anunsyo at paalala, pinabalik na kami sa mga kaniya-kaniyang room.

Pagpunta namin sa room ay nadatnan namin si Macey na nakatungo sa mesa niya. Tinignan ko naman ang pwesto ni Sofia ngunit hindi ko siya nakita roon. Hindi ba siya papasok?

Naupo na kami sa mga pwesto namin.

"Macey," tawag ni Jayson at akma pang hahawakan si Macey pero napigilan niya iyon.

Inangat ni Macey ang ulo niya ngunit hindi niya manlang dinapuan ng tingin si Jayson.

"Brix," tawag ni Macey sa katabi ko. "Can I sit beside Demi? May sasabihin lang ako sa kaniya." Tumingin naman siya sa akin, gano'n din si Brix.

Tinignan ko si Brix at sinenyasan na lang siya na tumayo. Agad silang nagpalit ng pwesto ni Macey. Si Jayson ay nakasimangot na lang na naupo sa tabi ni Brix.

Bumuntong-hininga ako. Malabo pa magkaayos ang dalawang 'to. Iniisip ko rin si Sofia. Ano na kayang nangyari sa kaniya?

***

"Macey, may natanggap pala ulit akong envelope. Ipapakita ko sa 'yo mamaya," sabi ko kay Macey. Naglalakad kami ngayong dalawa papunta sa restroom. Lunch na rin namin, nauna na sila Brix sa cafeteria.

"Sige," simpleng sagot niya.

Nasa pintuan na kami ng restroom nang mapatigil kami nang may marinig na pag-uusap at nabanggit pa ang pangalan ni Anton.

"I'm scared. Paano kapag nalaman nila na ako ang huling kasama ni Anton?" halatang umiiyak 'yong nagsasalita.

Kumunot ang noo ko at nagkatinginan kami ni Macey.

"Shh, walang makakaalam. Don't worry, baby." Nanlaki ang mata ni Macey, akmang papasok na siya pero pinigilan ko.

"Lia...ayokong makulong."

"Fuck!" sigaw ni Macey at diretsong pumasok sa restroom. Agad akong sumunod. Halos lumuwa ang mata ko sa gulat nang makita ang girlfriend ni Anton, kayakap ang isang babae. Sa tingin ko ay si Lia 'yon. We even saw how Lia kissed Anton's girlfriend.

"What the hell are you doing?!" sigaw ni Macey na nagpahiwalay sa dalawa. Gulat silang tumingin sa 'min.

"Pres..." nanginginig pa ang boses ni Lia.

Pinagmasdan ko ang paglapit ni Macey sa dalawa. "Xyrel! Ang sabi mo ay ayaw mong makulong. Why? Are you the one who killed Anton?" tanong ni Macey.

Kumunot ang noo ni Xyrel at umiling-iling. "I'm sorry pero hindi ko alam kung anong sinasabi mo."

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Lumapit na rin ako sa kanila. Tinignan kong mabuti si Xyrel. Malikot ang mata at nanginginig ang kamay, halatang kinakabahan.

"Hindi mo alam?! 'Wag mo nga kaming lokohin. Anong ginawa mo kay Anton?!" galit na tanong ni Macey.

Napayuko lang ang dalawa hanggang sa bigla na lang humagulgol si Xyrel. Agad naman itong dinaluhan ni Lia. Kumpirmado! May relasyon nga ang dalawang 'to.

"Walang kasalanan si Xyrel. Ako...ako ang pumatay kay Anton," seryosong wika ni Lia.

Ilang saglit lang ay may biglang lumabas doon sa isang cubicle. Napatingin kaming lahat sa kaniya. Umiiyak rin siya at may hawak na cellphone.

"I'm Anton's sister," pakilala niya. "Hayop ka, Xyrel! Sabi ko na nga ba't ikaw ang pumatay sa kapatid ko!" Inangat niya ang cellphone niya at doon narinig namin ang pag-uusap nila Xyrel at Lia kanina. "Sisiguraduhin kong pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa kapatid ko." Pagkasabi niya no'n ay nagmadali siyang umalis sa restroom.

Tanging iyak na lang ni Xyrel ang naririnig namin.

Hanggang dito ba naman sa school ay may nangyayaring ganito. Ano pa ba ang susunod? Unti-unti ay nagbabago na ang Greenville. Lumalabas na ang mga sikreto.

***

Hindi rin kami masyadong nakakain kanina dahil sa nangyari. Nalaman agad iyon ni Mr. Francisco pero hindi na namin alam kung ano na nangyari kina Xyrel at Lia.

Habang nag-aantay sa susunod na klase ay inilabas ko na ang envelope mula sa bag ko.

"Bago na naman 'yan?" tanong ni Brix.

Tumango ako. "Oo. Natanggap ko 'to noong araw din na pumunta tayo sa hide-out nila Troy," sagot ko.

"Oh my God! Bakit nandito si dad?" gulat na tanong ni Macey nang ilabas ko ang mga litrato.

"Wait! Tita Agnes is also here," sabi ni Brix at kinuha ang litrato ng mommy ni Jayson.

"What the hell?!" tanging nasabi ni Jayson habang tinitignan ang mga litrato.

Sabay-sabay silang tumingin sa akin.

"Demi, are you sure galing 'to sa killer?" tanong ni Macey.

"Yes. Same envelope, same symbol. At may letter din sa likod," sabi ko sa kanila.

Napahawak na lang si Macey sa ulo niya. "Oh my God! Oh my God! Baka may mangyaring masama kila dad."

"Wait, I'll call mom," saad ni Jayson. "Alam ko ay magkikita sila ngayon ni Tito Aries to talk about their business," dagdag pa niya.

Habang inaantay na sumagot si Tita Agnes, tinanong ko naman si Macey tungkol doon sa mga letters.

"Wala pa rin bang nabubuo? Kahit isang clue lang?"

Umiling-iling siya. "Wala pa rin."

"Shit! Hindi sinasagot ni mom," sambit ni Jayson.

"Baka naman nasa meeting na sila," sabi naman ni Brix.

Nagkibit-balikat lamang si Jayson at muling nagpipindot sa cellphone niya. Tahimik lang kami habang nag-aantay. Ngunit, agad ding nabasag ang katahimikan nang may pumasok at nagsimulang magbulungan ang mga kaklase namin.

"Oh, nand'yan na pala 'yong kabit," sabi no'ng isang kaklase namin.

Tinignan ako 'yong pumasok na si Sofia. Napatingin siya sa direksyon namin, akala ko ay lalapit siya sa amin pero lumipat siya ng upuan, malayo sa amin.

Tinignan ko si Jayson at Macey. Si Jayson ay nakatingin kay Sofia pero agad din niyang inilipat ang tingin sa nakayukong si Macey.

"Nakakahiya talaga. Anak pa man din siya ng Mayor."

"True. Akala ko rin napakabait, kabit naman pala. Ang landi!"

"Boyfriend pa ng kaibigan ang nilandi!"

Ilan 'yan sa mga narinig kong usapan dito sa loob ng room namin. Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung anong klaseng tainga meron ang mga kaklase ko. Pati ba naman ang nangyari kina Macey, Jayson, at Sofia ay alam nila. Nagawa pa nilang pag-usapan.

Kumunot ang noo ko nang tumayo si Lana, kaklase rin namin. Pinagmasdan ko siyang lumapit kay Sofia.

"Hi, Sofia. Ang galing mo pala kumabit 'no? In fairness, hindi halata sa itsura mo," saad niya. Yumuko pa siya para mapantayan niya ang nakaupong si Sofia. "Pero hindi na rin naman ako magtataka kung bakit gan'yan ka. Kulang sa aruga ng ina, eh."

Napatayo ako nang sabihin niya iyon. May nagawang mali si Sofia pero hindi naman tama na pati si Tita Serenity ay madamay dito.

"Kulang sa aruga. Laging iniiwan kaya ayan---" isang malakas na sampal ang nagpatigil kay Lana sa pagsasalita. Lahat kami ay nagulat. Napatingin ako kay Sofia na umiiyak pero bakas ang galit sa mukha.

"Sofia!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin at nagmadaling tumakbo papalabas ng room.

Nagkatinginan na lang kami ni Brix. Kahit siya ay mukhang nag-aalala. Tinignan ko si Macey at nanlalaki rin ang mata niya, gulat dahil sa nangyari.

Napasapo na lang ako sa noo ko. Ano ba 'tong mga nangyayari sa amin?

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status