Share

XXVII. Behind Closed Doors

Tumawa si Troy at diretsong tumingin sa akin. "Anong ibig mong sabihin? Para namang hindi mo ako kilala."

"Kilala nga ba talaga kita?" tanong ko. "Hindi na ikaw ang Troy na kilala ko dati. Alam kong may tinatago ka."

Bigla kong naramdaman ang pag vibrate ng cellphone ko. Malamang ay tumatawag na si Brix.

Muli kong idiniin ang pagsakal kay Troy habang nakatutok pa rin ang hawak kong kutsilyo.

Tumawa siya pero ramdam ko ang paghihirap niya dahil sa pagsakal ko sa kaniya. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Itigil mo na 'to Demi kung ayaw mong...sa 'yo ko mismo gamitin 'yang hawak mong kutsilyo."

"Demi! Demi!" nanlaki ang mata ko nang marinig ang sigaw ni Brix.

"Boss, nakita namin 'tong nagmamasid sa labas." napaligon ako sa dalawang matangkad na lalaki na kakapasok lang. Lumuwag ang pagsakal ko kay Troy nang makitang hawak-hawak nila si Brix.

"Brix..." tawag ko sa kaniya.

Nagulat ako nang bigla niyang sipain ang dalawang lalaking nakahawak sa kaniya. Doon na nagsimulang magkagulo. Sabay-sabay na sumugod ang mga tao ni Troy.

Ang ilan ay sinusugod si Brix ng mga suntok. Nagagawa niya naman itong salagin ngunit nang matamaan siya ay hindi ko na napigilang lumapit. Namalayan ko na lang ang sarili ko na sinasalag ang ilang suntok na nanggagaling sa mga tao ni Troy.

Napayuko ako nang akma akong susuntukin no'ng lalaking balbas sarado. Agad kong sinipa ang alaga kaya naman napahakbang siya palayo sa akin.

Tinignan ko naman si Brix na nakikipagpalitan pa rin ng mga suntok at sipa.

Napapikit ako sa sakit nang may babaeng humila sa buhok ko. Marahas niya akong isinandal sa pader at pinagsasampal.

"Ang lakas ng loob niyong sumugod eh hindi niyo naman kaya ang mga sarili niyo," matigas na sabi nito. Napapikit na lang ako nang muli kong maramdaman ang paglapat ng palad niya sa pisngi ko.

Hayop 'tong babaeng 'to! Nakakarami na siya.

Inangat ko ang kamay kong may hawak na kutsilyo at walang pag aalinlangan kong idinaplis iyon sa braso niya. Kumalas ang pagkakahawak niya sa buhok ko at tinignan niya ang dumudugong braso.

Agad akong kumilos at sinampal-sampal din siya. Nang makalayo ako sa kaniya ay napatingin ako sa kutsilyong hawak ko na may dugo pa. Shit!

Hinanap ko si Brix at nakita ko siyang nakadagan sa isang lalaki habang sinusuntok iyon. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang isa pang lalaki na papalapit sa kaniya, may hawak itong baseball bat.

Agad akong lumapit sa pwesto nila at sinubukang agawin 'yong baseball bat. Nabitawan ko pa ang kutsilyo ko dahil sa pakikipag-agawan doon sa baseball bat.

Napasigaw ako at napa upo nang sipain no'ng lalaki ang tuhod ko. Matalim niya ako tinignan at dahan-dahan na lumapit.

"Brix! Brix!" sigaw ko. Pilit ko siyang tinignan at nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ang tumutulong dugo mula sa braso niya.

Binalik ko ang tingin ko roon sa lalaking may hawak ng baseball bat. Akma niya nang ipapalo 'yon sa akin nang may sumigaw...

"Umalis na tayo rito! May paparating na mga pulis!"

Bigla akong nabuhayan nang marinig iyon. Ngunit, naalala ko si Troy. Hinanap ko siya at nakita ko na lang siya na tumatakbo papalabas sa isang pinto.

Kaniya-kaniyang takas ang ilan hanggang sa marinig ko na ang mga pulis. Ang ilan ay nahuli nila, ngunit may ilang nakatakas at isa na roon si Troy.

Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan si Brix. May lumapit din sa amin na pulis at agad kaming tinulungan.

"Demi!" Napaangat agad ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni daddy.

Ika-ika akong naglakad papalapit kay daddy habang si Brix naman ay ipinasok sa ambulansya.

"Daddy..." mabilis na bumuhos ang luha ko nang makita ang nag-aalalang mata ni daddy.

"Anong ginagawa niyo ni Brix dito?" Agad niya akong binalot ng yakap.

"Sorry, dad," ayon na lang ang nasabi ko at napapikit na lang.

***

Hapon na nang makalabas kami sa ospital. Nakauwi na rin si Brix matapos kaming tanungin ng mga pulis tungkol sa nangyari kanina.

Habang nasa kwarto ay iniisip ko pa rin ang mga nakatakas kanina, lalo na si Troy.

Hindi ko rin mapigilan mag-alala para kay Brix. Napahamak na naman siya dahil sa akin. Nakakatakot din naman na dumating sa puntong pati pamilya ko ay mapahamak.

Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Tama pa bang ipagpilitan namin na hanapin ang killer? Hindi ko alam kung kakayanin pa ba namin o dapat ay ipaubaya na lang namin ang lahat sa mga pulis.

Naupo ako sa kama ko at ininom ang tubig na nasa side table ko. Sakto naman ay nag ring ang cellphone ko. Nang makita ko pa lang ang pamilyar na number ay halo-halo na agad ang naramdaman ko.

"Lagi mo talaga akong pinapahanga sa katapangan mo, Demi. But, I didn't like what you did earlier."

Bakas sa boses niya na pinipigilan niyang magalit.

"Pinahamak mo ang mga tao ko. I want to see you...right now! But, this is not the right time. Pero isang maling kilos mo pa---"

"Bakit hindi pa ngayon? Hindi mo naman na kailangan mag tago dahil kilala na kita," mariing sabi ko sa kaniya.

Muli ko na namang narinig ang mala-demonyong tawa niya. "Are you sure? Kilala mo talaga ako?"

Napalunok ako sa tanong niya.

"Hindi lahat ng nakikita o napapansin mo, totoo. Madami ka pang hindi nakikita. Madami pang nakatago. Hindi mo pa alam ang lahat, Demi."

Matapos niyang sabihin 'yon ay binaba niya na ang tawag. Matagal akong napaisip dahil sa mga sinabi niya hanggang sa dapuan na lang ako ng antok.

***

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko nang may naramdaman akong nakaupo sa dulo ng kama ko. Nang tuluyan ko nang naidilat ang mata ko, nakita ko si mommy. Agad siyang lumapit sa akin nang makitang gising na ako.

"How are you, Demi? May masakit pa ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumiti ako at dahan-dahan na umupo. "Medyo okay na po ang tuhod ko, hindi na gaanong masakit," sagot ko. Doon lang naman ako tinamaan kanina. Ang pisngi ko naman ay medyo namumula pa kanina, pero ngayon siguro naman ay hindi na mapula ito.

"Mabuti naman. Halika na, kain na tayo," aya ni mommy at inalalayan akong tumayo.

Inalalayan niya ako hanggang sa pagbaba.

"Kaibigan niyo si Troy dati diba?" tanong ni Kuya Derrick habang kumakain kami.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at tumango. "Oo, ex din 'yon ni Macey."

"Then, what happened to him? I heard he's the leader of the gang," tanong ulit niya.

"Hindi rin namin alam. He's been gone for years at kamakailan lang siya bumalik," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Magsasalita pa sana si kuya pero pinigilan siya ni mommy.

"Just eat, Derrick. 'Wag niyo muna pag-usapan 'yan," saway ni mommy.

Nagkatinginan kami ni kuya. Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay tumambay muna ako sa sala namin. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang ilang missed calls ni Brix kanina habang tulog ako, ngayon naman ay nag text ulit siya.

From: Brix

How's your knee? May masakit pa ba sa 'yo?

To: Brix

Medyo okay na rin. How 'bout you?

From: Brix

Kakalinis lang ng sugat ko. Did you eat already?

Bukod sa natamong saksak ni Brix sa braso ay marami-rami rin siyang pasa. Hindi ko tuloy maiwasan mag-alala.

Rereply-an ko na sana siya nang bigla naman siyang tumawag.

"Brix, I'm sorry," sabi ko agad pagkasagot ko sa tawag niya.

"You don't need to say sorry, wala ka namang kasalanan, e," aniya.

"Napahamak ka pa dahil sa akin."

"Hindi mo kasalanan 'yon, okay? As your best friend and your boyfriend, kailangan ko 'yon gawin. I need to protect you...and I will always protect you."

Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. Napakaswerte ko lang talaga kay Brix.

Bigla naman tumunog ang doorbell namin. Sinilip ko si mommy na nasa kusina pa at may kausap rin sa telepono. Si kuya naman ay nasa taas.

"Brix, wait lang." Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papalapit sa pinto namin.

Pagkabukas ko ng pinto ay wala naman akong nakitang tao. Ni anino, wala. Pero nang makita ko ang bagay na nasa paanan ko ay nagkaroon na ako ng ideya kung sino ang nagpunta rito.

Huminga muna ako nang malalim bago damputin ang pamilyar na envelope.

"Hello, Demi? Still there?"

Pagkadampot ko sa envelope ay agad kong sinara ang pinto namin.

"Um, Brix, I'll call you later, okay?" sabi ko sa kaniya at nagmadaling umakyat sa kwarto ko.

"Sure, sure."

Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko at naupo sa kama. Binuksan ko agad 'yong envelope.

"Sabi na nga ba..." bulong ko sa sarili ko. Galing na naman ito sa killer.

Kumunot ang noo ko nang makakita na naman ng tatlong litrato.

Sa unang litrato ay nandoon si Tito Aries. Sa pangalawa naman ay si Arch. Agnes. At sa huling litrato, magkasama na silang dalawa, kasama rin kami nila Macey at iba pa naming kaibigan. Saka ko lang naalala na ito 'yong araw na nakita namin sila sa mall.

Tinignan ko ulit ang likuran ng mga litrato. Tanging letter 'F' lang ang nakasulat.

Ano na naman kaya ibig sabihin nito?

---

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status