Share

CHAPTER 33

"Ano po 'yang niluluto niyo?" usisa ni Colet nang madatnan nila si Rose sa kusina ng sobrang aga.

Nginitian lang sila ni Rose at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Lumapit na ang tatlo sa kanya at sinilip ang ginagawa niya, napansin nila ang makintab sa kanyang daliri. Nagkatinginan silang tatlo at sabay na naghagikgikan.

"Nagproprose na po ba ulit si Senyorito sa inyo at mukhang nasa mood kayo ngayon ah?" panunudyo ni Renalyn.

Natatawang umiling si Rose, "Hindi naman ibig sabihin na kapag may suot na singsing ay ganoon na agad. Regalo lang ito ni Xavion, at saka ganito na talaga ang mood ko. Huwag na kayo magtaka." pabirong tugon niya.

"Tama nga naman si Ma'am Rose, kayo talaga napakamalisyosa niyo. Kung ano naiisip niyo, nadadamay tuloy ako." wika naman ni Yanna na inirapan naman agad ni Colet.

Binalingan ni Colet ang casserole pan na nakasalang. "Pero ano po muna 'yang niluluto niyo?" pangungulit pa nito.

"Miso soup."

Kumunot ang noo ng tatlo. Wala naman kasing masyadong mahilig sa so
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status