Share

CHAPTER 49

Marahang itinabig ni Rose ang kurtina sa bintana ng kwarto ng mga bata, napangiti siya ng makita ang maliwanag na buwan sa kalangitan na pinapalibutan ng mga kumikislap na bituin. Humaplos ang kanyang kamay sa kanyang tiyan. Sa likod, marahan at mahinang tugtugin ang naririnig, nagdadala ng romantikong atmospera sa silong ng gabi.

Kumawala siya ng malalim na buntonghininga.

"Ang ganda ng mga bituin, mga anak. Kapag lumabas na kayo, makikita niyo rin 'to." malumanay at malambing ang tono ng boses.

Muli niyang naramdaman ang mahinang pagsipa sa kanyang tiyan. Hindi niya maipagkailang masakit nga iyon, at mukhang malalakas ang mga ito. Dagdag pang hindi lang isa ang nasa tiyan niya, na madalas nagiging dahilan para hindi siya makatulog ng maayos dahil dito.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Sinubukan niyang iwaksi muna ang mga bagay na nagpapalungkot sa kanya. Advice ng doktor na iwasan niya ang mga ganoong bagay.

Limang buwan... limang buwan na lamang ang natitira. Mukhang matagal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status