Share

CHAPTER 50

Sa isang masikip na lugar kung saan napapalibutan ng mga bakal na rehas, ang lugar kung saan umiikot ang mga buhay ng mga taong nahatulan ng ilang buwan o taong kaparusahan sa mga krimen na kanilang nagawa, naroon ang isang babaeng may katandaan na na nababalot ng mga tattoo ang katawan.

Si Mercedes Verdejo, ang tiyahin ni Rose. Ang taong nagmanipula ng buhay niya.

Matalim ang tinging ipinukol nito sa mga nagtutumpukang mga prisoners sa bawat sulok ng seldang iyon. Walang nangahas na salubungin ang mga mata niya sa kadahalinang may kalakip iyon na pagdurusa. Kahit gaano kabigat ang kaso ng lahat ng mga naroon ay hindi sila umuubra sa kanya.

"Verdejo, may bisita ka!"

Nabaling ang atensyon niya sa pinanggalingan ng boses. Pagkuwa'y tinabig niya ang kamay ng inmate niyang nagmamasahe ng kanyang balikat at tinungo ang pintuan. Lahat ng mga madaraanan niya ay agad na nagsitabihan sa takot na mapagdiskitahan nito.

"Sino raw?"

"Puntahan mo na lang," iyon lamang ang naging sagot ng puli
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status