Share

CHAPTER THREE

CHAPTER THREE

  NAKATITIG ako sa kisame ng dorm na tinitirhan ko. I don't know how long basta ang alam ko, matagal na ang paninitig na ginagawa ko. Napabuntong-hininga ako. Kung nakakalusaw lang ang paninitig, hindi na ako magtatakang lusaw na kanina pa ang bubong ng kwarto ko sa tagal ng paninitig ko.

  Nag-iisip-isip lang ako ng mga bagay. Binabagabag kasi ako ng nangyari kanina. It's been years the last time I felt those thugs. Apat na taon na. I can just ignore it because it maybe just nothing pero hindi ko magawa. It kept playing in my mind every time I closed my eyes. Dapat ko ng kalimutan 'yon dahil sa totoo lang, we hadn't shared any. He just fingered off that dirt. No kiss.

  But seems to be almost.

  And that's why I am bothered. I've never assumed. Pero bakit  nag-assume ako na hahalikan nya ako? This stupid heart of mine anticipated. Hindi ko na dapat isasara ang mga mata ko pero nananatiling bingi ang dibdib ko. Nakikisabay. Nakikipagsigawan.

  Hayst. I am bothered... really bothered. The thugs that my heart made weren't supposed to be meant his. It should be his. Pero bakit kumibot din sa kanya? Does this mean something?

  My gas, Max. You exaggerating nonsense things.

  Maybe. Napabuntong-hininga akong muli sa ikalawang pagkakataon. Oo nga naman. Bakit ko pa nga ba binibigyan ng kahulugan ang ganoong mga bagay?

  Umalis ako sa hinihigaan kong kama at kinuha ang swivel chair na nasa tabi ng durabox. Initabi ko ang upuan sa tabi ng bintana matapos ko iyong buksan. Ang malamig na hangin ang yumakap sa akin. It sends shiver in my bare skin as I only wear sleeveless top and pajama. Puno ng maniningning na mga bituin ang kalangitan at kurbang suklay naman ang buwan. The cars aren't moving that well. Trapik kaya't maliwanag sa kalsada na harap lamang ng dorm. The market that can be seen here in my room is still alive. Maliwanag din ang lugar na iyon. Buhay na buhay. Well, what can I expect from a day-night market? Samantalang maingay naman sa kasunod nitong lugar at magalaw ang spotlight. May concert ata roon ang isang local band.

  Sumalumbaba ako at pinagmasdan ang patuloy na paggalaw ng spotlight.

  "I want to be a vocalist in a band, Elle." He said as he leant in my head as we watch the band played in front of us.

  Nandito kasi kami sa isang concert ng isang local band. Nanunood. Sort of dating. Ang pangulo kasi  ng committee ng village na tinitirhan namin ay nag-organisa ng small welcome party para sa new member ng village. Already bid our welcome in them before we watched the mini-concert.

  Tiningala ko sya pero tanging parte lamang ng salamin nya ang naanigan ko. I smiled, "You can be, Enne. Suportado naman kita."

  I've seen his gaze moved upward. "I know, Elle. Kaso... kailangan ko ng tutor. You available?" He smiles as he pouted slightly.

  Cute.

  Well, lagi naman syang cute with his glasses and loose clothes on. Geek. I love how geeky he is.

   "Of course, Enne. Basta't ikaw."

  I am the singing Queen. Kidding. I only have a beautiful and angelic voice. Kidding again. I am good at singing. Kaya't hindi na ako magtataka kung sa akin sya magpapaturo kumanta. Sobrang galing ko ba naman na 'to? Naman.

  "Tanks, Enne. You're sweet." He chuckled. The cutest chuckled I've heard. Lagi namang -est ang adjective na nabibigay ko sa kanya. What can you expect from me? It is what I think he is and nothing can change that.

  Napakagat ako sa ibabang labi ko. Naughty thought.

  "Don't thank me yet, Enne. Hindi libre 'yon, 'no. May bayad."

  Umalis sya mula sa pagkakadantay sa ulo ko. He looked at me pouting. Kung ngusuan lang ang labanan. Hindi na ako magtataka kung sya ang mananalo. Hindi mo na kailangang suriin. Sya na agad. Abot na ata sa ilong nya 'yung itaas na labi nya.

  "Hindi ka cute. Huwag kang ngumuso ryan." I rolled my eyes, sinusupil ang ngiting gustong kumawala sa mga labi ko. Isang rason kung bakit masarap syang asarin. He became more childish. "Sa bawat session, may make out."

  His eyes widen. "A-Ano?"

  I just plastered a grin.

  "Niloloko no naman ako, eh." He pouted.

  "The who?"

  Napangiti ako nang mapait as that memory played habang mataman ang ginagawa kong paninitig sa ginaganapan ng tugtugan. It is his dream. My Enne's dream. I miss him. I miss his glasses. I miss his smile. I miss his outfit. I miss his hug. I miss his reaction. I just miss him. It is just been 3 years the last time I have seen him... since I left.

  Pinunasan ko ang pagkakabasa ng pisngi ko matapos lumandas ang isang butil ng luha. Bwisit na concert 'yan.

  Kung manood kaya ako roon, makikita ko kaya sya?

  Tumayo ako, sighing. I'll go. Kahit alam kong hindi ko sya makikita roon. I just think... I need to refresh my mind. Masyadong malayo ang nilakbay ng utak ko. From thinking how toxic I was morning ago to how I missed Enne. Magulo rin ang emosyon ko. From irritate to longing.

   "ATE, fishball nga."

  "Kuya, kwek kwek. Thirty pesos."

  Sinuong ko ang dagat na mga tao. Kakabili ko lang kasi ng burger at Avocado shake dito sa day-night market. Kailangan pa kasing dumaan dito bago ka makarating sa pinagdadausan ng concert. Pahirapan pero kasi  kung sa kabilang way ang dadaanan ko, it will surely consume time dahil malayo.

  "Oh, the burgy Lolo Max is here, eating her gross burger."

  Napagawi ang atensyon ko sa gilid ko matapos may magsalita roon. Nginitian ko sya nang pilit. "Galing." I rolled my eyes. Ibinaba ko muna ang kinakain ko. Inis. Pinuntirya na naman ang burger ko. Mukhang hindi nasiyahan sa panlalait nya kanina. Ano naman kaya ginagawa ng isang 'to rito?

  Mukhang mare-relax nga ang isip ko. Sobra.

  "Sungit. Binati lang, eh." He commented.  "What are you doing here?" tanong nya habang sinasabayan ang paglakad ko.

  "Sa tingin mo? Mukha ba akong natutulog?" I rolled my eyes at binilisan na ang paglalakad kahit hirap dahil sa dami ng tao.

  "Wearing sleeveless floral dress and low heels is the new sleeping wear. Just wow." Sasabihin ko pa ba what kind of tone his voice is? I bet no. So obvious. Sarcastic. Obvious rin na hindi totoo ang pagkamangha nya.

  "Stop walking beside me. Hindi tayo close." Nakalabi akong humarap sa kanya at huminto sa paglalakad. Bakit ba kasi ang tangkad nya? Ang lalaki ng hakbang nya kaya naabutan nya pa rin ako nang hindi sya napapagod kahit anong bilis ang gawin ko. Ako ang hinihingal sa ginagawa ko. Putulin ko kaya ang binti nya?

  Naihakbang ko ng isang step ang kaliwang paa ko matapos nyang humakbang palapit sa akin. I took another backward step as he took one again and it continues kahit na nakakasagi na ako dahil sa ginagawa kong pag-atras.

  "Aray!"

  "Miss, ano ba?! Mag-ingat ka naman."

  "Pwede ba huwag mo 'kong lapitan?" irita kong sambit. Damet. Nagwawala ang dibdib ko sa bawat paghakbang na ginagawa nya. Para akong kinakapos ng hininga. Bullpoop.

  Napasinghap at napanlakihan ako ng mga mata nang hapitin niyon ang baywang ko palapit sa kanya. My chest pressed into his.  He leant his head and met my ear. Ramdam ko ang init ng hininga nya na tumatama sa tainga ko. It brings shiver down to my spine.

  "Can I walk beside you now?" He asked huskily. Sa hindi ko malamang dahilan ay nanlambot ang mga tuhod. Kaya't nang muli ako niyong hapitin nang mas malapit sa kanya ay napahawak ako sa braso nya, hoping that I could gathered strength by holding him pero mukhang mali ang desisyon kong iyon dahil mas lalo akong pinanlambutan ng tuhod hearing his next words. "Or you need closer than this, Maxxirielle?"

  Shit tsu? How the heaven did he know my name?

  Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nawala sa ulirat at ilang segundo o minuto kong pigil ang hininga ko. Basta bumalik ako sa wisyo na tumatakbo na kami. Panay daing ang mga taong nabubunggo nya. I don't know where we are heading. Napakurap ako nang may mapagtanto.

  He is holding my hand... tightly.

  Hindi pa ba sya tapos na walain ako sa sarili ko? May pahabol pa ba 'yon?

  Shems. Ano bang nangyayari sa'yo, Max? Be in yourself! The heaven, ano ba 'yang pinaggagawa mo at nararamdaman mo? He's an enemy, remember? You shouldn't loose your sanity. Wake up, Max!

  Napabalik ako sa sarili ko mula sa malalim na pag-iisip nang maalis ang strap ng heels ko at mawala iyon mula sa pagkakasuot niyon sa kanang paa ko.

  "Ho-Hoy! Labanos, 'yung heels ko!" 

  Nagpatuloy lamang iyon sa panghihitak sa akin, not minding me either my heels.

  "Ano ba, Mestisong Mongoloid! 'Yung heels ko sabi, eh!" sigaw ko at hiniklat ang braso ko. Hingal akong huminto dahil sa panghahatak nya sa akin.

  He looks at me, pokerfaced. "It is just a heels, Lolo Max," he irritatedly asked.

  "Bakit mo ba ako hinahatak? Saan mo ba ako dadalhin?" kunot-noo kong tanong ko. "Feeling close ka."

  "To the mini-concert."

  Hindi pa man ako nakakautal ng salita ay muli ako niyong hinila. Shete. Para tuloy akong pilay sa gawi ng paglalakad ko. Paika-ika ako habang hila-hila nya.

  "Aww!" daing ko matapos akong makatapak ng bato. Shete. Ang sakit. Muli kong hinatak ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

  "What's again?" taas-kilay nyang tanong.

  "Madaling maglakad nang nakayapak. Wow," sarkastiko kong usal. Hinayaan ko na nga syang hilahin ako kahit hindi kami magkasundong dalawa. Hindi ko naman na mapapayagang mahirapan ako dahil sa kanya.

  "Oh, I forgot. You are Princess Cinderella and your feet is so damn precious. So sorry but I am not the heck your prince who is going to take your glassy heels and fit into your foot."

  "Because you're a beast, Labanos."

  Tumalikod ako upang balikan ang heels ko na humalagpos sa paa ko dahil sa panghihila nya. I know malabo ko ng makita 'yon dahil maaari ng may dumapot doon at sa dagat ng mga tao at malamang sira na 'yon. Imposible kasing hindi iyon madapurak pero I still hoping to find it. May sentimental value 'yon. Iyon ang unang sapin sa paa na nabili ko gamit ang unang sahod ko bilang isang waitress sa isang café malapit sa school.

  Paika-ika kong sinalubong ang mga kumpulan. Sana ay maabutan ko pang buhay ang mini-concert. Shemay. Bakit pa kasi nagpakita pa ang bwisit na Mestisong Mongoloid na 'yon. Hindi na ako magtataka kung bakit magiging pangit o pangit na talaga ang gabing ito. Basta't nakita ko si Labanos, 'matik na.

  Shit tzu. Nasaan na ba ang heels ko?

  Dahil nahihirapan na ako at kawawa naman ang napakaganda kong paa ay hinubad ko na ang natirang kapares. Pangit tingnan kung hindi magkapares. 'Yung isa kasi ay nagpaka-Dora na. Naglakwatsa.

  Wala pa mang limang minuto ang ginawa kong paghubad sa isa kong takong nang may humiklat sa kanang braso ko. Binawi ko ang braso ko matapos mataman ng mga mata ko na si Labanos lang pala iyon. Napanlakihan ako ng mata nang lumuhod iyon ay iniangat ang kanang paa ko kaya wala na akong nagawa but to hold into him. Ayaw ko matumba. Masasaktan ang bilugan kong pwet.

  "Baho ng paa mo," komento nya habang isinusuot ang isang puting Converse na sapatos. 

  "Para sa kaalaman mo dahil wala ka naman talagang alam. Mas mabango pa ang paa ko kaysa sa hininga mo. Huwag kang magreklamo dyan, Mestisong Mongoloid, ikaw lang itong nakikiamoy."

  "Wow! Coming from a wise man." sagot nya habang binubuhol ang sintas.

  Napasabunot ako sa buhok nya nang bigla niyong iangat ang kaliwang paa ko at isinuot ang isa pang pares. I heard him groan a little. Kasalanan nya 'yan. Bwisit sya.

  "NASAAN na ba 'yung Labanos na 'yon?" bulong ko matapos akong maiwan sa crowded din na pinagdadausan ng mini-concert.

  Pagkasuot nya kasi sa 'kin ng sapatos ay agad iyong tumayo at muli akong hinila. I spoken out some rants as he dragged me but he just said nothing. Hindi na nya ako pinansin at tinugon pa.

  "Shut up, Lolo Max. I am already fucking late."

  Iyon na ang huling pangungusap nya nang hindi na sya nakapagtimpi pa dahil sa kaingayan ko. Hindi naman nya sa 'kin nilinaw kung saan sya mahuhuli. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya? Syempre, wala. Natutuwa nga ako sa kanya dahil ngayon ko lang napansin na favorite nya ang fuck. Piling bad boy at cussing machine.

  Mukhang sikat ang banda dahil may nakikita akong mga banners and electric cards at mataman ang pagtili na ginagawa ng mga manonood. Karamihan na nanonood ay mga kabataan at mga kasing-edad ko. Madalang din ang nakikita kong mga adult o mga nasa 40's. Karamihan ay mga kababaihan.

  Ang kantang Kismet ng Silent Sanctuary ang tinutugtog ng banda at inaawit naman ng second vocalist. Ang rinig ko ay iyon na ang huling kanta ng vocalist. Dumating na raw kasi ang lead vocalist ng grupo na kanina pa raw hinihintay. Maganda ang boses ng bokalista. Halata mong ramdam nya ang musika. Her voice is sort of cold yet sweet. Shet. Nahiya ang golden voice ko sa kanya. Barag kasi ang boses ko. Napangiti ako sa isipang iyon.

  "Let us all give a round of applause for the lead vocalist of The Geeks! None other than, the young, the cold, the hunk, the hot vocalist Ridge!" Napuno ng hiyawan at tilian ang lugar matapos i-announce iyon ng MC.

  Marunong palang kumanta ang Labanos na 'yon? Ngayon ko lang nalaman. Sabagay, marami pa naman akong hindi alam sa Mestisong 'yon. Wala naman kasi kaming ginawa kung hindi ang mag-away.

  Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga manonood nang magpakita ang main vocalist, si Labanos. Iba-iba ang isinisigaw nila ngunit lahat naman ay maganda.

  Labanos is standing there coldly. Nakapikit sya habang hawak sa kanang kamay ang mic at nakasuksok naman sa bulsa nito ang hinlalaki sa kaliwa. Bahagya nyang tinatapik ang hita.

  His right foot is tapping together with beat of the drum and the guitar.

  Saan naman nya nakuha ang sapatos nyang 'yon? Walang sapin ang paa nya kanina dahil sapatos nya ang isinuot nya sa paa ko at sya ang nagyapak bago nya ako muling hatakin bitbit ang pares ng heels ko.

  Napamaang ako nang bumuka na ang bibig ni Labanos at kantahin ang unang lyrics ng All of me. Iyon ang unang kanta na itinuro ko kay Enne noon.

  "... My head's underwater and I'm breathing fine..." His voice is husky yet beautifully cold.

  Nagtindigan ang balahibo ko sa likod lalo na't mataman ang paninitig nya sa 'kin habang patuloy sa pagkanta.

  Why are you staring?

———

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status