Share

CHAPTER TWO

CHAPTER TWO

  NAGPALINGA-LINGA ako sa loob ng cafeteria, looking for a vacant seat. Crowded na kasi ang kainan kaya medyo hirap ako sa paghanap ng bakanteng silya. Halos ilang minuto na rin akong nakatayo sa kinapupwestuhan ko habang bitbit ang tray ng pagkain na may lamang two cheesy burger at isang coke na naka-cup. It is good na magaan lang ang tray ng pagkain ko ngayon. Nahuli kasi  ako ng punta dahil sa bwisit na ballpen na 'yun. Feeling special. Nagpapahanap pa. Susko. At dahil espesyal nga sya ay hinanap ko pa sya kahit na Php7.00 lang ang presyo. And Mestisong mongoloid being a theft theory entered. Paano nga'y ang ballpen na tinutukoy ko at ang ballpen na pinanghampas ko sa kanya ay iisa. Just like what the poop?

  If being thankful that your friend isn't here is not bad. Then, I'm not because I am. Haha! Paano nga'y kapag kasama ko sya at expected ng punong-puno ng pagkain ang tray naming dalawa. Umay na umay ako kapag ganoon.

  Napangiti ako sa aking isip nang makakita ako ng bakanteng silya. Oh, thanks God for that. Uh... Let me rephrase that.

  Praise the Lord. Amen.

  The vacant seat I found is a favorite spot of mine. Nasa tabi kasi iyon ng bintana. A perfect view which make you see what is happening outside. Closed area pa naman ang cafeteria at aircon. Buti na lamang at transparent iyon.

  Todo ngiti kong tinahak ang daan patungo sa bakanteng silya. Syempre for a record ay solo ko ang buong lamesa. No pest. No someone sitting beside. Hay. Excited ko na akong makakain nang magana.

  Napakunot ako ng noo nang mapansing dalawang tray ang nakapatong sa mesa.

  Labanos?

  Sinundan ko ng tingin ang maputing kamay na may beads na cross bracelet na kulay brown na nakahawak sa tray na katapat ng tray ng pagkain. Shet! Sana ay hindi tama ang nasa isip ko. Iyong maputing kamay na nakaugnay sa maputing braso na mas maputi at mas makinis pa ata sa akin. Hindi sana si Mestisong Mongoloid ang nasa harap ko dahil kung nagkataon ay hindi na matutuloy at mauunsiyami na ang masarap at magana ko sanang break sa gilid ng bintana. I can't appreciate beautiful things and places when there is someone making it to be a disaster at mukhang madadamay ang paborito kong pwesto.

  Ang kadugtong ng hindi gaanong firm na maskel na biceps ay natakpan ng isang cream na sleeve na may print na maliliit na puting tupa. Ang paningin ko ay dumapo sa gilid ng maputing leeg nito patungo sa panga nito na lubhang pamilyar sa akin. What the pak?! Akala ko ay ligtas na ako sa buwisit na Labanos ngunit mukhang nagkamali ako sa akalang iyon. My eyes found now the white hand with cross bracelet's owner's face. None other than...

  Mestisong Mongoloid a.k.a. Labanos.

  Ang manipis ngunit mamasa-masa at pinkish niyong labi ay may nabubuhay na ngisi. Damet. Ang sexy nyang tingnan. Shemay.

  "Done checking my looks, Lolo Max? Just go with me and I'll show you more," he stated, smirking. Lalo namang lumaki ang ngisi niyon nang umirap ako.

  Pinantaasan ko sya ng kilay bago ako umismid. "Kapal. Kung ikaw lang naman, Labanos. 'Di bale na lang. You won't satisfy me." Ngumisi ako nang makita ang pagbabago ng ekspresyon na nasa mukha nya. His smirk turned into a thin line and his eyes throwing death glare. As if naman mamamatay ako sa titig nya.

  What the shit tzu, Max? Wouldn't satisfy? Like the? Feeling may karanasan. Gano'n? angil ko sa sarili ko matapos kong ma-realize ang salitang lumabas sa bibig ko. Kung kaharap ko lang ang sarili ko. Malamang ay nasapak ko na sya dahil sa kabalbalan at sa hindi pag-iisip ng salitang bibitawan. Lalo na't kaharap mo pa ang lalaking 'yan. Isa rin namang pamwisit 'yan.

  He just tss-ed at padabog syang umupo sa upuang nasa harapan nya. Pabalya naman nyang inialis ang utensils at Lasagna nyang nasa platito kasama na rin ang naka-sealed pa nyang mineral water. Tinanggal nya ang nakabalot na tissue sa utensils nya at padabog na humiwa ng Lasagna at sumubo. Ngumuya sya habang masamang nakatingin sa labas ng bintana.

  Tumawa ako nang mahina dahil sa naging aksyon nya dahil lang sa sinabi ko. Para syang batang minomontong dahil hindi sya binilan ng ice cream ng mama nya nang dumaan sila sa isang ice cream parlor at matanawan ang paborito nyang flavor.

  Cute.

  Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa rumehistrong salita sa utak ko. Like another seriously, Max. Cute talaga? Saan banda? Duling na ata ako. Umupo na lamang ako sa silyang nasa harap ko. Inalis ko mula sa tray ang pagkain ko.

  Nagsimula na akong kumain. Hindi ko na lamang pinansin ang masamang hangin na nasa harapan ko. I should still enjoy this meal of mine. It is sort of celebration. For the first time, yes for the first time ay nasupalpal ko sya at hindi na nakasagot pa. Achievement 'to, 'no. Kailangan palang puro ganoon ang reply ko. Natatameme sya.

  Pero to be real, tama naman ako. Kung sya lang, he won't satisfy me regardless na wala naman along experience. Aba. Anong malay ko kung maliit 'yung best friend nya.

  Shit tzu, Max. Ano ba 'yang tumatakbo sa utak mo? For the third time of seriously, best friend? Paano naligaw doon?

  Hirap talaga kapag naii-stress dahil kay Labanos. Kinakausap na nga ang sarili, kinokontra pa.

  Ipinilig ko na lamang ang ulo ko. Ewan ko ba. Puro nonsense ang lumalabas sa utak ko. Inumpisahan ko na lamang lantakan ang pagkain ko.

  Pakagat pa lamang ako sa burger ko nang mapansin ko ang paninitig ng kunsinumang ponsyo pilato sa akin.

  Nagtaas ako ng kilay. "Tingin-tingin mo dyan?" tanong ko at bahagyang ibinaba ang burger ko na nasa tapat na ng bibig ko.

  Ibinaba nya muna ang hawak na tinidor at sumalumbaba at bahagyang itinagilid ang ulo as he stares at me intently.

  "Still wondering... You still love eating burgers. A damn gross burger," he asked as he pouted slightly. "Why is that?"

  Ano daw? Gross? How dare he insults my burger?

  "Gross mo mukha mo." I rolled my eyes. "Ikaw ang gross," I added.

  He smiles a little. Smile? Wait. Let me rephrase. Kailan ba sya ngumiti? Typo. Smirk 'yun. "Like the old, Lolo Max. Still same reaction."

  Second still.

  Pinantaasan ko sya ng kilay. "So?"

  "Liking burger is really gross. Who says mixing tomatoes and spinach is mouthwatering? Never."

  "Who says mixing tomatoes and spinach is mouthwatering? Never."

  Napakunot ako ng noo at ang pagkagat ko sanang muli sa burger ko ay nabitin sa hangin. Why his comment seems familiar? Hindi ko alam kung ano pero parang narinig ko na talaga ang katagang iyon. I just don't know where.

  "Hello. Who says also that you are delicious? Nothing." Inirapan ko sya at binalewala na lamang ang sinabi nya. Nah. For sure ay sa isang commercial sa TV ko lang iyon narinig. Nakalimutan ko lang siguro kung ano.

  Kumagat ako sa burger ko. Minding Mestisong Labanos will just lead me from loosing my appetite.

  "Who says am not? Wanna taste me? Don't worry, your tongue would be satisfied... very satisfied," he said as he bit his bottom lip.

  "Kung ikaw lang naman ang titikman ko, 'di bale na. Just looking at you could make me tell how not delicious you are. At isa pa ay never kitang titikman. Just eww." I even scrunched my nose and slightly shook my body to let him see how gross it would be.

  Just really eww.

  Umayos sya nang pagkakasalumbaba. Itinahaya nya ang ulo nya mula sa pagkakapahalang niyon kanina.

  "Done watching me?" He smirked as he done fixing his position.

  "Kapal ng mukha mo. Mas makapal pa sa triple singkong kaserola."

  Napakakapal ng mukha. Real talk. Makapal talaga. Sa lahat na lang ng pagkakataon ay dapat maging ganoon ang tanong nya? Done checking my looks? Done watching me? Nakatingin lang sa kanya pinanonood agad? Sinusuri agad ang itsura nya?

  Why looking then, Max?

  Ano. Ahm. Hindi ko alam.

  What the poop? Antribidang konsensya 'yan. Lagi akong kinokontra. Can something make it shut? Just for a while. Natutulilig na ako sa ginagawa nyang pagsabat sa mga salitang tumatakbo sa isipan ko. That question of conscience of mine makes me wonder... Bakit nga ba ako nakatingin kung hindi ko sya pinakatitigan at pinanonood?

  Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang marahan niyong pagtawa. Pinantaasan ko sya ng kilay pero nananatili ang paninitig nya.

  Mataman ang paninitig nya. He's looking at me like he's digging my soul. His eyes. His light brown eyes  are cold as I stare yet seem telling me a lot. A lot that I can't tell.

  Dug.

  Bakit parang pamilyar ang mga matang iyon? Bakit ba gaya ng pananalita nito kanina at pamilyar? Why the pak is that? Naguguluhan ako sa kanya.

  Dug. Dug.

  Napamulagat ako ng mga mata as his face moves closer.

  "O-oy! A-Ano 'yang gagawin mo, Labanos?" tanong ko nang patuloy pa rin ang paglapit ng mukha nito. What the pak? Hahalikan ba nya ako?

  Sa isiping iyon ay pinamulahan ako ng pisngi.

  Dug. Dug. Dug.

  What was that? tanong ko sa aking isipan ng magsimulang magwala ang kalmado kong dibdib. Lalo pa iyong nagwala nang huminto ang paglapit ng mukha niyon.

  We're now staring at each other's eyes. I can feel the air he breathes out shooting my lips. Everything fell in silence. Everything stopped from moving. Ang tanging malinaw na lamang sa mga oras na ito ay ang imahe naming dalawa.

  I gasp as his sight fell down my nose, into my anticipating lips from being taken from his.

  Napapikit ako ng mga mata nang umangat ang kanang kamay nito habang mataman ang paninitig nya sa labi ko.

  Damet, Max. Don't close your eyes. Don't let your enemy's poisonous lips cover yours. Max!

  My mind is shouting. It wanted me to return into myself. I tried opening my eyes pero may pwersang tumutulak sa akin na huwag iyong buksan. Na huwag sundin ang sinisigaw ng utak.

  What the shit tzu, Max. You really are going to let him?

  Hindi ko alam. Masyado na akong nalamon ng antipasyon. Nakakabingi rin ang ginagawang ingay ng dibdib ko.

  "Tss. Huwag kang pumikit, Lolo Max. Masyado ka ng matanda pero ang kalat mong kumain," he commented as he brushed off something besides my lips.

  Muli kong naramdaman ang pag-akyat ng dugo ko sa katawan sa mukha ko. Damet. I told you, Max. Wake up. Napadilat ako ng mga mata as he finished off his words. Namataan ko pa ang ginawa nitong pagsubo sa hinlalaking pinantanggal ng anuman sa gilid ng labi ko.

  Bakas sa mga mata nya pambubuyo habang may ngisi sa labi. As if he is telling that he won and I lost to the battle we did.

  "Then now I can say, ketchup is way better than the spinach and tomatoes."

  Dug. Dug. Dug.

  Tang'na. Bwisit! Ayaw kumalma ng dibdib ko. Damet.

  HAWAK ko sa kaliwang kamay ko ang Coke kong naka-cup. Tapos ko na kasing kagatin at nginunguya ko na sa loob ng aking bibig ang huling piraso ng ikaliwang burger ko. Hawak ko ang straw ng inumin ko, doing some circles as I fixed my stare outside.

  Wala na talagang makakatumbas sa kahihiyang nagawa ko kanina. Like what the pak? Hindi ko akalain na mag-a-assume ako ng ganoong bagay kasama ang kaaway ko. Shems. Hindi pala ako dapat mag-celebrate. Nabaligtad agad ang mesa. Kung kanina ay nasa akin iyon matapos ko syang masupalpal, nasa kanya na iyon ngayon dahil sa nangyari kanina. Can't really believe to the epic that I have done.

I put the tip of the straw inside my mouth and take a sip nang dumapo ang paningin ko kay Mestisong Mongoloid na patuloy at konsentrado sa ginagawang pagkain sa lasagna nya.

  Makakapal ang kilay nya na bumagay sa may kasingkitan nyang mga mata. Matangos ang ilong nya. Kung paghahambingin ang mga ilong namin ay tiyak na madedehado ako dahil napaka-obvious na mas matangos ang ilong nya. Mamula-mula naman ang maputi nyang pisngi. Mahihiya ata ang pisngi ko sa kakinisan ng kanya. And there I found his wet lips. Tila rosas ang kulay niyon. His lips look so luscious. Tila ba humalik at halikan ang mga labing iyon.

  I'm curious. Ano nga kaya ang lasa ng mga labing iyon? Sweet? Yummy? Delicious? Or maybe... All of the above.

  Napaubo ako nang mag-angat iyon ng tingin mula sa pagkain. Dahil sa gulat at pumasok sa ilong ko ang Coke na iniinom ko. I cough for a minute as he continues laughing.

  Damet! Bakit ka kasi  tumitig, Max? Inis. Sakit sa ilong. Shit tzu.

———

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status