Share

CHAPTER ONE

CHAPTER ONE

  "AT least, I'm not a cheater," ngisi nya habang pinaglalaruan ang pen gamit ang kanang kamay. The pen tucked between his middle and index finger. Gumagawa iyon ng bilog. At least something like that.

  What the shit tzu? Cheater? Who's cheater? Me?

  Nginisian ko sya, "Woah! I think, you are talking about yourself, Labanos," ganti ko at bahagyang sinipa ang upuang kinauupuan nya habang ang ulo nya ay nakadantay sa sandalan as he continues to play his pen. Bahagyang umuga ang asul na silya dahilan para umalog ang ulo nya.

  I heard him cursed. I chuckle on that. That must hurt a little bit. Kasalanan naman nya, eh. Kung hindi nya ako inasar na mandaraya ay hindi naman sya makakatikim ng ganoon. The reason behind that accusation? Hindi nya matanggap na nataasan ko sya sa surprised quiz ng lecturer. Isang puntos lang 'yon pero hirap na nyang tanggapin. Feeling nya kasi ang galing-galing nya, 'no. If he thinks he is, then nagkakamali sya because before he transferred here ay ako ang reyna ng block na ito. I am the top one. Hindi sa pagmamayabang but I really am.

  Hindi ko malaman sa kanya kung trip nya lang ako asarin at sirain ang araw ko o ano. Since he transferred here ay nagsimula na ang gyera sa pagitan naming dalawa. Hindi ko naman alam ang rason kung bakit. If I know ay sya itong aroganteng sumipa na lamang ng pintuan. At akala mo kung sinong antipakong ngisihan ako, then the next day ay babangayin ako. It's been a month since the war between us started.

  Kairita sya. Wala naman akong atraso sa kanya para gawin nya ang ganoong bagay.

  "Do you know that it hurt?" kunot-noong tanong nya. Ang makakapal nyang kilay ay magkasalubong na. Masama ang tinging ipinupukol nya.

  "Talaga ba? Bakit parang hindi naman?" pang-aasar ko pa sa asar na nyang itsura. Lalo pang nagsalubong ang salubong na nyang mga kilay. "Parinig mo nga sa 'kin kung paanong sakit. Ulitin ko nga."

  "Gusto mo sa'yo ko gawin para malaman mo kung paanong masakit?"

  "Ayoko nga. Not stupid as you, Mestisong Mongoloid," nginisihan ko sya at kinuha ang pen sa pen hole ng upuan. Binuklat ko ang notebook ko sa blankong pahina at nagsimulang i-doodle ang napakaganda kong pangalan. Of course, hindi dapat nilalait ang pangalang pinaghirapan ng magulang natin. We should be proud of it.

  MAXXIRIELLE ALVARES

  3D ang design ng pangalan ko na may kasamang mga baging. Nilagyan ko rin iyon ng shadow pampadagdag ng design. Samantalang ang apelyido ko ay naka-fancy. Gumuguhit na ako ng mga emoji's nang tumugon iyon sa sinabi ko kanina.

  "Oh, I thought it is you the stupid." Nakita ko ang ginawa nyang pagngisi mula sa peripheral vision ko. I shrugged at what he replies at hindi sya tinugan pa.

  Gusto ko munang magpokus sa pagdu-doodle. Maghintay sya dyan ng reply ko. Hindi naman sya importante kaya maghintay sya dyan. Maghintay sa wala. Huwag syang paespesyal. Hindi sya hopia.

  Pagdating sa doodling ay masyado akong concentrated. Stress reliever. Masyado nya akong ine-stress. Baka maaga akong magka-wrinkles dahil sa kanya. For God's sake, bente anyos pa lang ako. Sayang naman ang kabataan ko, kung maaga akong tatanda. Isa pa ay baka masira ang napakaganda kong boses. Masasayang lang ang pagsali ko sa music club.

  Talking to him—oh, shouting with him sometimes isn't really helpful to preserved my golden voice. Mababasag at mapapaos ang vocal chords ko sa kanya. Ang daldal nya. Para syang hindi lalaki.

  "Doesn't your parents taught you it is bad to snob someone who's talking?" Bakas sa tinig nya ang iritasyon at pang-aasar sa boses nya. At base na rin doon, hindi na nakapagtatakang kunot na naman ang kailanmang hindi umunat nyang noo.

  "Tinuruan ako ng mga magulang ko na huwag pansinin ang mga walang katuturang mga bagay. Aksaya lang daw po yun sa oras. At alam mo bang since day one ay nonsense lahat ng lumalabas sa bibig mo." Nag-angat ako ng tingin at nginitian sya nang bahagya. Syempre, dagdag pang-asar. "At masasayang lang daw po ang oras ko," dugtong ko pa at tumawa nang bahagya.

  I rolled my eyes and chuckled again as he looks he's going to explode in irritation. Haaayyy. Ang galing nya talagang mang-asar but to its irony, sya ang laging naaasar at the end.

  Hay naku.

  Napailing na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagdu-doodle. He's taking my concentration. Sya talaga ang sisisihin ko kapag nawala sa isip ko ang disenyong ilalagay ko sa doodle. Ang gaganda pa naman.

  "Sa pagkakaalam ko, the nonsense you are talking about is actually coming from your mouth. Oh, mali ata ako." Tumingala pa sya paharap sa kisame ng classroom namin. Mukha syang tanga. Hindi bagay sa kanya ang magpanggap na nag-iisip. Eh, sa patotoo lang, wala naman syang isip.

  Ooopsss. You're bad, Max.

  Napatawa ako sa isiping iyon. Napakatalino ko talaga.

  "At anong nakakatawa?"

  Hindi ko sya tinugon. Wala na syang pakialam doon. Hindi ko rin naman sasabihin kung may paki man sya. Hindi ko sya friend para i-share ang isang nakakatawang isipin.

  Hayyy... Nasaan na ba ang best friend ko? Wala nga pala. May dinaluhan nga pala syang party. Dunno whom party is that. Hindi naman kasi ako interisado.

  "Hey! I'm asking you," kunot-noo nyang sabi at tinapik ang kamay ko dahilan para pumaling ang pen na pinangguguhit ko sa ikatlong emoji. Nasa tabi iyon ng letrang M.

  Dahil sa ginawa ay naiba ang galaw ng kamay ko. It causes a long line from the circumference of the emoji to the letter M fall down.

  Shet!

  "Cute." He smirked as he looks on what he have done. Sinamaan ko sya ng tingin. There's no cute in ruined piece. Peste. Mukha nya sulatan ko ng ballpen. That's what I can call CUTE.

  "Haha. So funny," irita kong sambit. Pinunit ko iyong pahina na pinag-drawing-an ko at nilamukos.

  How dare he to shit my doodle? Imbes na ang tinta lang ang masasayang ay nadamay pa iyong pahina. Hindi sya marunong manghinayang. God, hindi na nakapagtatatakang wala talaga syang utak.

  Matapos malamukos ang papel ay ibinatukal ko iyon sa mukha nyang nakabaliktad dahil sa inis. Ang hirap pa namang mag-doodle tapos ganoon pa ang gagawin nya. Just how dare he? Swerte na lamang at ganoon ang posisyon nya. Ang batok nya ay nakatanim sa sandalan ng upuan kaya't ang mukha nya ay nakaposisyon paharap sa akin. Swerte rin at ako ang nasa likuran nya at sya ang nasa harap. How thankful I am when that was the last seat that was vacant that time at may nakaupo sa kaliwang bahagi ko dahil ang kanang bahagi ay okyupado na ng best friend ko. Napatawa naman ako matapos aksidenteng ma-shoot sa bibig nyang bahagyang nakanganga ang papel.

  Hindi man pasok pero at least ay sinalo iyon ng bibig nya. Feeling hot kasi. Akala mo naman ikina-hot nya 'yung pagbubukas ng labi nya nang bahagya. Ew. Umaamoy ang hininga nyang mabango. Menthol. Pero never akong aamin sa kanya. Ano sya sinuswerte? Hindi, 'no.

  Kinuha nya ang papel mula sa bibig nya matapos nya akong samaan ng tingin. Umayos sya ng pagkakaupo. Humarap sya sa akin nang walang emosyong mababakas sa mukha nya. He looks so cold. Wala naman akong pakialam gaano man kalamig ang emosyong nasa mga mata nya. Hindi ako natatakot. Asar-talo ang gyerang ito. At sinisigurado kong hindi ako matatalo kahit gaano pa nakakatakot ang itsura nya. Sinabi ko bang nakakatakot? Nah, never mind.

  "That is cuter, Labanos. Para kang asong may subong bola. Common, Doggie. Come to mamey." I chuckled. Oh, God! You're so witty, Max.

  "Why the hell did you do that? I'm not hell a dog," tanong nya sa madiin na tono. I shrugged my shoulders. Pinukol lamang nya ako ng mas malamig na titig.

  "Ewan ko. Tanong mo sa sarili mo baka alam nya kung bakit ko 'yon ginawa." Nginisian ko sya but to make my forehead creased, he smirked.

  Ano na naman kaya ang binabalak ng isang ito?

  "Do you know what is this?" tanong nya habang ipinapakita ang papel na binato ko sa kanya.

  "Dunno. Ano ba 'yan? Tissue?" tugon ko matapos umirap. Bobo nga. Papel lang, 'di pa nya alam. Susko. Alien ata ito, eh. Okay. Tama na ang joke. Hindi ko sya matantya. Can't read what thought is running in his stupid mind. Malas ko lang at hindi ako mind reader. At kung may kakayahan man akong ganoon, sorry na lang dahil wala akong balak malaman kung paano nya planuhin na patayin ako. Hindi malabo ang sinasabi ko lalo pa't may lihim syang galit sa akin na hindi ko alam.

  Gaya ng sinabi ko, hindi ko alam kung bakit. One of these days, balak ko na talagang itanong sa kanya. Hindi ako sarkastiko, I promise.

  "Crumpled paper," he said at ikinulong ang lamukos na papel sa kamay nya. "How about this one?" He shows me his black notebook.

  Tinaasan ko sya ng kilay, "that's a chopping board."

  "You're the stupid here. It's a notebook. Where is it used?" He smirked. He flipped his notebook like it was a basketball. Hindi ko na sya sinagot. Kakabagot syang kausap. Nonsense talaga lumalabas sa bibig nya. "It is for hitting some bitchy stupid lady."

  He hit my head a little. "Aw!" I whined. Nagtaas ako ng ulo at sinamaan sya ng tingin. "What the poop?!" kunot-noo kong sambit. Tumawa lamang sya. "Do you think that was funny?" Pinaningkitan ko sya ng tingin nang tumawa lang sya nang mas malakas. Sa sobrang tuwa nya ay nawawala na 'yung singkit nyang mata.

  If you think he is cute, the heaven! He's not.

  I gripped the pen I was holding. "Bwisit kang Labanos ka!" At dahil sa gigil ay sinaksak ko sa nawawala nyang mata ang pinanggigilan kong hawakan na ballpen.

  Syempre joke lang. Hindi ako ganoon kasama para gawin ang bagay na iyon. Pero kung legal ang nasa isip kong iyon, hindi malabong ginawa ko na. At dahil sa mabait ako, pinukpok ko na lamang sa ulo nya ang ballpen. I do not hold back. Nilakasan ko na para dama nya ang inis ko. Bwisit sya.

  Ano kami? Wala palang kami. Ah, basta. Ano kami? Mga bata? Elementary? My God! Pukpokan ang ganap. Mag-mature naman na sana sya. Napairap ako sa hangin dahil sa naisip ko. Nagsisimula na akong maloka.

  "The hell, Lolo Max!" He shouted and glare me deathly.

  Sinamaan ko rin sya ng tingin, "I'm not Lolo Max! Wala ako sa Ben 10, Mestisong Mongoloid!"

  "That's not funny, Lolo Max. It really hurt," daing nya at kinamot ang namumula nyang noo dala ng paghampas ko ng ballpen doon.

  Well, deserve nya 'yon dahil hinampas nya ako ng notebook sa ulo. No one has ever done what he did. Sort of guilty dahil nagkaroon ng ibang kulay ang makinis at maputi nyang mukha pero wala na akong pakialam d'on. Kasalan naman nya, eh. Nauna sya, gumanti lamang ako.

  "Very much welcome, Labanos," sabi ko at nginisihan sya.

  Umirap lang sya sa hangin. "Hampasin kita ulit dyan, eh."

  Nginitian ko sya nang matamis. Hindi ako sarkastiko, promise. Slight lang.

  "At sinasabi ko naman sa'yong hindi na lang hampas ang gagawin ko sa'yo. Sasaksakin na kita. At oo, handa akong makulong mapatay lang kitang Mestisong Mongoloid ka kapag hindi ako nakapagtimpi sa'yong Labanos ka," angil ko at iniamba ang ballpen na parang sasaksakin sya.

  "You're so sweet, Lolo Max. Handa kang makulong para sa 'kin. Dapat na ba kitang mahalin?" sarkastikong tanong nya.

  "'De bale na lang. Hindi naman ako namamalimos. Baka mamatay ako kapag galing pa sayo."

  Mabuti na lang talaga at late ang next lecturer namin ngayong araw. Dahil kung hindi ay malamang sa malamang ay napagalitan na naman kami dahil sa bangayan naming dalawa. Lagi kasi kaming napapagalitan dahil sa away namin. Sabi ay mag-mature na raw dahil matatanda na raw kami para magbangayan na parang mga bata. Hindi na nila kailangang sabihin sa akin 'yun, 'no. I am mature. Itong Labanos lang ang hindi. Edad lang ang tumanda sa kanya, hindi nasama ang utak at pag-iisip nya. Hindi na-develop. Nagkulang sa buwan kaya ayan, pre-mature.

----

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status