HMH-46XANDERHINDI pa man nakakatapat sa gate ng bahay ni Yanna. Napansin na niya ang kotse nito na lumabas. Sandali niyang pinagmasdan kung saan ito patungo. Pakay niya na kausapin ito ngayon pero tila naman ito nagmamadali. Kaya minabuti na lamang niya na sundan ito. Napakunotnoo siya nang mapansin na palabas ito ng lungsod at kasalukuyang nilalandas ang NLEX. Wala sa plano niya na sundan ito pero hindi naman niya maiwasan na ma-curious kung saan ang lakad nito. May isa rin siyang napansin, ang kotseng itim na kanina pa yata nakabuntot kay Yanna mula nang lumabas ito. Sinubukan niyang sabayan ang takbo ng kotseng itim at pilit na kinikilala kung sino ang nagmamaneho niyon. Lumaban din ang kotse ng gitgitan sa kanya kaya malakas ang hinala niya na may hindi magandang pakay ito kay Yanna. Nang tingnan niya ang nagmamaneho ay hindi niya maaninag masyado pero nakita niya ng mag fu*k you sign ito sa kanya. Mas lalong nakaramdam ng pagkagigil dito si Xander. Medyo may kalayuan na rin
HMH-47MASAYANG naglalaro ang kambal sa park. Kagaya ng naunang plano niya na gagawin nilang bonding ang araw-araw na magkakasama sila. Nagdala sila ng mga pagkain at kasama rin nila ang kanyang tyahin at asawa nito. Kita niya ang saya at enjoyment sa mukha ng kambal. Kita ang pagiging friendly ni Natalie, habang si Nataniel naman ay tila napaka-mature mag-isip at over protective sa kakambal nito. Masaya ang dalawa sa pakikihalubilo sa iba. Naging abala naman si Yanna sa pag-aayos ng kanilang dalang matt at mga pagkain. "Masaya kami na kahit pa-paano binigyan mo ng extra na oras ang mga anak mo. Alam mo ba na ito ang palagi nilang sinasabi kapag namamasyal kami rito? Na isang araw, kasama ka nila na namamasyal dito. Naiinggit kasi sila sa ibang mga bata kapag nakikita nila na kasama nila ang mga parents nila. Salamat naman at ngayon nangyari rin." Masayang sabi ng tyahin niya na tumulong sa kanya sa pag-aayos ng mga pagkain. "Opo nga, t'yang. Kung hindi nga lang ba dahil sa sobran
HMH-48XANDER"Natalie?" Mula sa kanilang kinauupuan ay narinig niya ang tawag na iyon mula sa may edad ng ginang na kasama nina Yanna. Nilingon niya ito at nakita na nagtatanong ito sa ibang mga naroon at bakas sa mukha ang pag-aalala. "Have you heard that? They're calling you. Sigurado na alalang-alala na sila sa 'yo," Lumingon ang batang babae sa tumatawag na ginang at nakangiting itinaas ang dalawang kamay at kumaway."I'm here, grandma," malakas din na sigaw ng bata. Napalingon ang ginang sa gawi nila at patakbong nilapitan si Natalie. "Jusko, naman bata ka at bakit ba lumayo ka? Pinag-alala mo pa kami nang sobra," Sabi nito habang papalapit."I'm sorry, lola," At mabilis na sumalubong ng yakap sa abwela ang bata. "Salamat nga pala mister at hindi mo hinayaan na lumayo pa itong apo ko," sabi ng ginang kay Xander ngunit bakas sa mukha nito ang labis na pagtataka habang nakatitig sa mukha ni Xander. "Wala pong anuman, nakakatuwa nga po siyang kausap, eh," tugon ni Xander na
HMH-49"DO you know him, Mommy?" tanong ni Natalie na nakapagpalingon kay Yanna rito.Seryosong nakatitig naman si Nataniel sa kanyang ina. Habang tila may pagdududa naman sa mukha ng kanyang tyahin. Matagal muna na hindi nakaimik si Yanna. Nabalik lamang siya sa sarili mula sa pag-iisip, matapos marinig muli na nagsalita si Natalie."Hi!" ani Natalie habang nakadungaw sa bintana ng kotse at kumakaway kay Xander.Napansin ni Yanna na gumanti rin ito ng kaway sa bata. "Kilala mo ba ang taong iyon?" Baling na tanong kay Yanna ng kanyang tyahin at bahagya pa nitong tinapik ang balikat ni Yanna.Makahulugang napatitig na lamang si Yanna rito. Bumukas ang gate at nakita ni Yanna ang pagkaway ng kanyang tyuhin kaya kaagad niyang ipinasok ang kotse sa bakuran. Mabilis na bumaba si Natalie at akmang lalapit sa gate."Where are you going?" tanong ni Yanna sa anak."I just want to look at that man, Mommy. Para kasing d'un sa kabilang bahay s'ya kanina galing. Baka roon na rin s'ya nakatira."
HMH-50Halos hindi dalawin ng antok si Yanna nang gabing 'yon. Hindi maalis sa kanyang isip ang mga itinatanong ng kanyang tyahin at ang sinabi ng kanyang anak na si Natalie, na kahawig nila si Xander. Palibhasa hindi na niya iyon napagtuunan ng pansin n'on, bagama't isa iyon sa una niyang napuna rito matapos ang una nilang pagkikita noon sa isang auction habang isinasagawa niya ang isang misyon. At hindi rin siya gaanong nakaramdam ng pagkailang dito matapos siya nitong tulungan sa hotel. Kailangan nga lamang niyang itago rito ang totoong feeling sa pamamagitan ng pagsusungit dito. Isa pa ayaw naman niyang lumabas na isang cheap lalo pa at isa na siyang disgrasyadang babae. Matapos na may mamagitan sa kanila ng kung sinong lalaki noon sa isang bar, hindi na siya nag-aksaya ng panahon na alamin pa kung sino man ito. At lalo na wala siyang balak maghabol dito matapos siyang mabuntis at maanakan. Aminado naman siya na siya ang may pagkukulang sa sarili kaya nangyari 'yon. Bumangon siya
HMH-51MAAGA pa lamang ay handa na ang kanyang kambal para magtungo sa park. Kagaya ng ipinangako niya sa anak na si Natalie, pumayag siya na muling makipagkita ito kay Xander kahit pa nga labis-labis ang kabang nararamdaman niya. Hindi rin kasi niya maintindihan ang kanyang sariling nararamdaman kung matutuwa o maiinis. Hindi rin niya sigurado kung nagkataon nga lamang ba na narito ito o sadyang sinusundan siya. Ano pa man ang dahilan, narito na at nakita na ito ng mga anak niya, kaya no choice na rin naman para tumanggi siya sa munting hiling ng anak. Pagdating na pagdating pa lamang nila sa park ay kaagad nang nahagip ng tingin ni Natalie ang bulto ni Xander na kasalukuyan nag-dya-jogging sa park. "Mommy, he's there," Sabay turo sa gawi ni Xander. "Gusto mo ba talaga siyang lapitan? Kita mo naman parang busy 'yung tao," seryosong sabi ng kakambal nito na si Nataniel. Hindi maiwasan ni Yanna ang mapangiti. Aminado naman siya na may pagka-istrikto si Nataniel, taliwas sa pagiging
HMH-52YANNAMATAGAL na hindi siya nakaimik matapos ang sinabi ni Xander. Makailang ulit pa muna siyang humugot ng malalim na hininga bago niya nagawang harapin ito. "You don't know me well. And you don't have any idea what happened to me before. Kung bakit at paanong may anak ako na walang asawa. Isa pa, hindi ko obligasyon na magpaliwanag sa 'yo ng kahit ano. Personal kong buhay at desisyon kung ano ang mayroon ako ngayon. At masaya na ako sa ngayon, ayaw ko nang maghanap nang dagdag sakit ng ulo. Kaya please lang, igalang mo sana kung ano ang gusto ko. And I want you to forget what happened to us that night. I hope that you'll understand me. Ayaw ko nang magtatanong ka pa ulit sa 'kin ng tungkol dito. Sa ngayon kalilimutan ko muna ang lahat nang 'yan. Pero sana hayaan mo na muna ako sa personal na buhay ko. Please lang naman sana?" Halos maglangitngitan ang mga ngipin ni Xander sa pangangalit matapos ang narinig. Tila gustong kumawala ng kanyang temper sa sinabi nito, ngunit pini
HMH-53YANNATATLONG araw na mula ng huling makausap ni Yanna si Xander sa park, at hindi na niya ito muling nakita pa na bumalik sa park. Nakaramdam din siya ng pagkadismaya. Marahil ay dinamdam nito ang huling napag-usapan nila. Minsan din siya tinanong ng anak ngunit wala rin siyang maibigay na sagot. Kita ang lungkot sa mukha ni Natalie sa tuwing mamamasyal sila na hindi makita roon si Xander."I miss him na Mommy! Kailan kaya ulit s'ya babalik dito?" Minsan ay sabi ni Natalie habang nakaupo sila at kumakain."He said next month," maikling sagot ni Nataniel habang panay ang subo ng pizza. Nagkatinginan sina Yanna at ang kanyang tyahin. "Hindi ba sabi ko naman sa inyo na bising tao s'ya? Kaya nga huwag kayong umasa na makakabalik pa siya ulit dito para makita kayo. Sigurado naman ako na hindi naman iyon mangyayari. Sa dali jg work load n'un malilimutan na rin n'ya ang promise n'ya sa inyo," matabang na sabi ni Yanna. 'Kasalanan mo talaga ito, Xander. Kung hindi mo sana kinuha an