Share

CHAPTER 3

3 years later...

"Mommy! Mom!" Napatingin ako sa pintuan ng kusina nang marinig kong tinatawag ako ng anak ko..

"Dave, Anak. Don't run okay?" Saway ko sa anak ko.

Masumaayos ang pakiramdam ko nang masilayan ko ulit sya. Parang kailan lang noong nasa sinapupunan ko palang sya ngayon ilang buwan nalang mag tatatlong taon na sya. Hindi ko maiwasang maalala ang mga pinag daanan ko noon tuwing nakikita ko sya dahil hindi ko talaga maitatanggi na kamukhang kamukha nya ang kanyang ama. Parang batang version nya lang ang anak namin.

"Sorry, Mommy. Look, Daddy Treivor bought me some toys" Nakangiti nitong sambit kaya naman litaw na litaw ang mag kabilaan nyang dimple. May hawak itong laruan na kotse. Alam nyang hindi si Train-Treivor ang Ama nito pero kahit suwayin ko ay tinatawag nya parin si Train na kanyang Daddy.

"Another toys again?" Suway ko. Napanguso naman ito, ang cute talaga ng anak ko. Lumapit ako sakanya at niyakap. 

"Hello to my baby and another baby" Napatingin ako kay Train nang mag salita ito. Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa pinangtawag nya sa akin. Ngumisi naman ito na tila nang aasar.

"I'm just kidding" Natatawa nitong sambit. Well, palagi nya naman akong inaasar na parang may gusto sya sa'kin pero wala talaga. Matagal na naming nilinaw na walang namamagitan sa amin. Parang kapatid na nga nag turing ko sakanya dahil sobra sobra na ang naitulong nya sa aming mag ina. Kahit hindi ko hiniling ay buwan buwan nya kaming binibigyan ng pera. Mag kaiba pa kami doon ni Dave. Ewan ko ba sakanya daig nya pa ang asawa kung mag bigay ng pera.

"Kumain kana ba? Sabay kana sa'min" Pag anyaya ko sakanya. Tumango naman ito at naupo, kinandong nya si Dave at agad silang nag tawanan at nag laro.

"Tama na 'yan, let's eat na " Suway ko. Hinanda ko ang makakain namin. 

"Opo, Mommy" Natuwa naman ako sa sinambit ng anak ko. Kahit pa nandito kami sa Canada hindi ko hinayaang hindi nya malaman o matutunan ang wika na pinag mulan nya. 

Halos tatlong taon na kaming nandito sa Canada, nandito kase ang trabaho ni Train kaya naman nag pasya ako noon na sumama nalang sakanya para makalayo. 

Minsan naiisip ko rin kung nag pakasal na na talaga si Davion kay Fionah. Well, wala naman na akong pakialam basta huwag nyang kukunin ang anak ko. Matagal na syang nawalan ng karapatan simula noong pinili nya si Fionah kaysa sa amin ng anak nya.

"What's wrong? Ang lalim ng iniisip mo ah" Napatigil ako sa pag subo nang marinig ko si Train. Tapos na pala silang kumain, napatingin naman ako sa plato ko. Marami pa pala at konti palang ang nakakain ko. Umiling lang ako bilang sagot sakanya. 

Pagka tapos kong kumain ay niligpit ko at hinugasan ang pinag kainan namin. Patungo ako sa sala nang makita ko si Train na nakaupo doon at parang problemado.

"May problema ba?" Tanong ko sakanya at naupo sa tabi nya. Bumuntong hininga namn ito. Napahawak sya sakanyang ulo na tila sobrang lala ng problema nya.

"Yes, Nalulugi na ang kompanya ko sa pilipinas and a lot of my employees resigned. Kailangan kong maayos lahat ng gulo roon. Babalik muna ako sa pilipinas, I'll call Ciara para may mag bantay muna sainyo" Paliwanag nito.

"Sasama kami" Gulat naman itong napatingin sa'kin. Akmang kokontra sya ay inunahan ko na syang mag salita.

"Sasama kami, Train. Siguro kailangan ko ng bumalik doon at harapin ang pamilya ko. Kase alam mo? W-walang araw na hindi ko sila naisip, kung kumusta na sila, kung maayos ba sila o naaalala paba nila ako, kase ako sobrang miss na miss ko na ang pamilya ko eh..." Pinigilan ko ang sarili kong lumuha, gayun paman may naramdaman na akong luha na tumutulo galing sa aking mga mata.

"I understand pero what about Davi—" 

"Hindi naman siguro kami mag kikita and if ever alam ko namang wala na syang pakialam sa amin kase kasal naman na sya, and who knows baka nag kaanak na sila ni Fionah" Umiwas ako ng tingin sakanya. 

"Do you still love him, Erin?" Tanong nito, gusto ko syang sagutin pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

"Fine, ngayong gabi tayo aalis. Kausapin mo na si Dave and ayusin mo na ang kailangan mong dalhin" Sambit nito. Tumango naman ako at nag paalam na umakyat muna sa kwarto ko para mag ayos.

Lumipas ang ilang oras at nakaayos na lahat ng mga gamit namin. Patungo na kami ngayon sa Airport. 

"Let's go" Anyaya ni Train at kinuha ang mga bagahe namin. 

Pag kapasok namin ay agad akong naupo, sakto at mag kakatabi kami. Naka kandong si Dave kay Train habang natutulog ito.

"Ayos ka lang ba? Hindi ba masyadong mabigay si Dave?" Nag aalala kong tanong. Ngumiti naman ito sa'kin bago sumagot.

"I'm fine. How about you? Matulog ka muna" Hinila nito ang ulo ko at pinasandal sakanyang balikat. Pinikit ko ang aking mga mata para matulog. Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa tuluyan na akong nakatulog habang nakasandal kay Train.

"Erin? Wake up. We're here " Narinig kong may tumatawag sa'kin kaya naman dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. 

Buhay ni Train si Dave habang ako naman ay inaalalayan nya pababa. May mga sumalubong sa'min para dalhin ang mga bagahe namin.

May pumarada sa harapan naming kotse, siguro ito ang sundo namin. Pumasok kami sa loob at nag simula ng umandar ang sasakyan.

"Sa bahay ko muna kayo uuwi" Sambit ni Train

"Mommy, doon po ba tayo sa bahay nila Daddy titira?" Tanong ng anak ko.

"No, Anak. Pansamantala lang muna kase uuwi tayo kila Lola mo hm?" Paliwanag ko, pansin ko naman ang pag lungkot ng mga mata nito.

"Please, Mommy. Kila Daddy nalang po tayo titira. Wala pong kasama si Daddy eh" Nakanguso nitong sambit. Napatingin naman sakanya si Train.

"It's okay, Dave. You can visit me, and para mameet mo na rin ang pamilya ng Mommy mo" Paliwanag ni Train.

"Can you come with us, Daddy?" Pilit ni Dave. 

"Anak—

"Please, Mommy?" 

"Fine, basta behave ka hm?" Napangiti naman ito at tumango tango. Lumapit sya kay Train at nakipag kulitan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status