Gabi na pero wala parin si Train. Hinihintay ko sya mag mula nang umuwi kami kanina. Tulog narin si Dave. Hindi nya narin nahintay si Train. Dahan dahan akong humiga sa sofa dahil nananakit na ang likod ko dahil kanina pa ako nakaupo. Napatingin ako sa orasan, alas onse na pala ng gabi. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa antok kong nararamdaman. Lumipas ang ilang minuto at tuluyan na akong nilamon ng dilim. Pag kagising ko kinabukasan, nakahiga na ako sa kwarto ko. Inayos ko muna ang pinag higaan ko bago ako nag tungo sa kusina. Nakita ko roon si Dave na nakaupo habang si Train naman ay nag luluto. "Anong oras ka nakauwi kagabi?" Tanong ko at naupo sa tabi ni Dave. "Madaling araw, Sorry kung pinag hintay kita. Hindi ko na nasabi sayo dahil sobrang dami ng ginagawa sa kompanya" Paliwanag nya at inayos ang hapag kainan. Tumango nalang ako bilang sagot. "Sino pala 'yung Mr. Hero na tinutukoy ni Dave?" Agaran nyang tanong. "S-si Davion" "Ang sabi nya kumain da
"Bye, Mommy!" Kumaway ako sa anak ko at kila Mama. Kakahatid ko lang kase sa anak ko sa bahay nila Mama. Ngayong araw kase ako mag a-apply ng trabaho. Si Train ang nag ayos ng mga papeles at kakailanganin ko sya narin ang nag rekomenda sa'kin ng kompanyang pag tratrabahuan ko. Sumakay ako sa Taxi at sinabi ang address ng kompanyang pupuntahan ko. Si Train sana ang mag hahatid sa'kin pero busy sya dahil may tumawag na naman sakanya kanina na taga kompanya. "Salamat po" Sambit ko sa taxi driver at binigay ang bayad ko. Tumingala ako sa malaking building na nasa harapan ko. May malaking sulat na nakaukit doon. Ayun yata ang pangalan ng kompanya. "Aeri Company" Basa ko sa nakasulat. Bagay 'yata ako rito dahil kapareha ng pangalan ko. Binati ako ng security guard, ganon din ako sakanya saka ako pumasok sa loob. Namangha pa ako dahil sobrang ganda at ang liniis sa loob ng building. Dalawang kulay lang ang nakalagay dito, kulay gray at white. Nag tanong ako sa isang empleyado rito
Hindi ko alam kung dapat na ba akong umalis dito sa kompanya dahil sa nalaman kong si Davion ang magiging Boss ko. Nakaupo lang ako rito at hinihintay syang utusan ako. Simula kase kanina ay hindi sya kumibo at agad lang pumasok sa opisina nya kaya naman nakaupo lang ako rito at nakatulala. Nakaayos naman na ang mga schedule nya. Tumingin ako sa oras at nakitang malapit na palang mag lunch. Nang mag 11:30 na ay tumayo ako, bago ako makalabas. Nakita ko si Davion na lumabas galing sa opisina nya. "Mag la-lunch kana?" Tanong nito. Tumango nalang ako para hindi na sya mag tanong. "Can I join you?" Tanong nito kaya naman na taka ako. "B-bakit po, Sir Brivzon?" Tanong ko sakanya. Napansin ko ang pag igting ng kanyang panga sa hindi ko alam ang kadahilanan nya. Hindi naman siguro sa pag tawag ko sakanya ng Sir. "Wala akong kasamang kumain" Eh ano naman? "Edi puntahan mo yung asawa mo" Bulong ko pero syempre hindi ko pinarinig. "What?" "Wala po, Sir. May kasabay na po akong
Nakaupo lang ako sa gilid habang nakayuko. Ilang oras na kaming nandito sa loob ng elevator at hindi makalabas. Sinubukan kong tawagan si Train pero walang signal. Tahimik lang kaming dalawa. Wala ni isa sa min ang gustong mag simula ng usapan. Randam ko rin ang pag tingin-tingin nito sa'kin minsan kaya hindi ko maiwasang mailang. Ngayon ay nakasandal sya, hindi ko alam kung natutulog ba ito dahil masyadong madilim dito sa loob ng elevator. Tumingin ako sa orasan. 7:39 pm na pala. Iniisip ko kung ano na ang nangyayare sa bahay. "How are you?" Rinig kong tanong nya. Napapitlag pa ako sa biglaan nyang pag salita. "A-ayos lang" Nauutal kong sagot. "I'm asking about what happen before, Kumusta kana after 3 years?" Hindi ko akalain na bubuksan nya ang topic na 'to. "Bakit kailangan mo pang alamin, Sir?" Bulong ko. "Stop calling me Sir. Wala na tayo sa trabaho " Iritado nyang sambit. " Now answer me, w-what happen to your son? I mean sa sinasabi mong anak natin " Marahas akong lu
Pagka uwi namin sa bahay agad kong ikwinento kay Train ang mga nangyare sa'kin habang kasama ko si Davion. Medjo nagalit lang sya dahil sa mga sinasabi sa'kin ni Davion pero pinilit ko naman syang intintidihin nalang. Kinabukasan maaga akong nagising dahil ihahatid ko pa si Dave sa bahay nila Mama, busy kase si Train ngayon kaya walang mag babantay sakanya. "Mommy, Bawal po ba talagang sumama?" Malungkot na saad ng anak ko. Lumuhod naman ako para pantayan sya. "Bawal ang bata doon anak eh" Paliwanag ko kay Dave. Bukod sa bawal ang bata roon, isa pang dahilan si Davion. Ayoko nang mag kita sila ulit. Selfish na kung Selfish basta wala ng karapatan si Davion sa anak ko. "Okay po, Mommy. Pero can we go po sa mall ulit? With Daddy Treivor po" Request nito sa'kin. Ngumiti naman ako at tumango. Muling bumalik sa kanyang mukha ang pag kasaya. Nag paalam na ako sakanya at kila Mama bago pumunta sa kompanya para mag trabaho. Nang makarating ako roon ay nandon na si Davion. "Good mor
Aerina Castillo P.O.VNakatitig ako ngayon sa hawak kong pregnancy test, hindi ko alam kung paano ko maipapa liwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko dahil natupad na ang pangarap namin ng asawa ko na magka anak. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking pisngi at ngumiti.Nag lakad ako palabas ng banyo at nag tungo sa aming silid. Tiyak akong nandoon si Davion, ang asawa ko. Masaya akong pumasok sa kwarto namin. Nakita ko syang nakaharap sa kanyang laptop, ang sipag nya talagang mag trabaho. Kahit pa na mayaman ito ay hindi nya parin maiwasang mag trabaho dahil ang sabi nya kailangan daw namin 'yon kapag nag kaanak na kami."Hey, love" Tawag ko sakanya at lumapit. Akmang hahalikan ko na sana sya sa kanyang labi ay umiwas ito na siyang pinag taka ko. Naguguluhan naman akong tumingin sakanya."May problema ba, love?" Tanong ko at hinaplos ang pisngi nito. Umiling naman ito sa'kin."Okay, anyway may sasabihin akong importante sayo, Davion. I know magiging masaya ka sa balita ko" Nak
Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Naalala ko ang mga nangyare kanina. Napabalikwas ako at agad na hinawakan ang aking tiyan. "Don't worry, your baby is safe" Napalingon ako sa nag salita sa aking gilid. Doon ko nakita ang isang lalaking hindi pamilyar sa'kin."N-nasan ako?... Sino ka?" Tanong ko sakanya."Nasa bahay ko, don't think too much and tinawag ko ang family doctor namin para tingnan ka. Then sinabi nya sa aking buntis ka" Paliwanag nito sa'kin."I'm sorry kase muntikan na kitang mabangga kanina, I didn't mean to hurt you and your baby""Can I ask you?" Tumango ako."Bakit ka umiiyak kanina?" Natahimik naman ako at agad akong umiwas ng tingin. Napahikbi ako nang maalala kong pinaalis ako ni Davion at mas pinili nya si Fionah, kesa sa'kin. Hindi lang 'yon, wala na rin pala kami. Hiwalay na kami."Hey, why are you crying again? Dahil ba tinanong kita? I'm sorry, I won't do it again. Shhh calm down...hush" Lumapit ito sa'kin at pina kalma ako sa pamamagitan ng pag haplos
3 years later..."Mommy! Mom!" Napatingin ako sa pintuan ng kusina nang marinig kong tinatawag ako ng anak ko.."Dave, Anak. Don't run okay?" Saway ko sa anak ko.Masumaayos ang pakiramdam ko nang masilayan ko ulit sya. Parang kailan lang noong nasa sinapupunan ko palang sya ngayon ilang buwan nalang mag tatatlong taon na sya. Hindi ko maiwasang maalala ang mga pinag daanan ko noon tuwing nakikita ko sya dahil hindi ko talaga maitatanggi na kamukhang kamukha nya ang kanyang ama. Parang batang version nya lang ang anak namin."Sorry, Mommy. Look, Daddy Treivor bought me some toys" Nakangiti nitong sambit kaya naman litaw na litaw ang mag kabilaan nyang dimple. May hawak itong laruan na kotse. Alam nyang hindi si Train-Treivor ang Ama nito pero kahit suwayin ko ay tinatawag nya parin si Train na kanyang Daddy."Another toys again?" Suway ko. Napanguso naman ito, ang cute talaga ng anak ko. Lumapit ako sakanya at niyakap. "Hello to my baby and another baby" Napatingin ako kay Train nang