Share

CHAPTER 6

Nanatili parin akong nakatayo sa harapan ng dati kong asawa habang tinatanong ang anak ko. Pilit kong kinukuha si Dave pero nakatuon lang ang pansin ko kay Davion. Kung hindi ko siguro sila kilala pag kakamalan ko talaga sila agad na mag ama dahil sa pag kakahawig nila.

"Treivor....T-treivor He..." Nahirapan ang anak kong bigkasin ang apelyido ni Train.

"Treivor?" Tanong ni Davion sa kanya na kanina pa nag hihintay ng sagot.

"Mommy, paano po ulit sabihin yung apelyido ni Daddy po?" Inosenteng tanong sa'kin ng anak ko. Sabay silang napatingin sa'kin.

"H-hezun" Halos matampal ko ang aking sarili dahil sa pagka utal ko.

"That's it po! How about you, Mr hero? What's your name po?" Magiliw na tanong ni Dave sakanya. Luminga linga ako para tingnan kung meron naba si Train dahil hindi mawala wala ang kaba sa dibdib ko. Nahalata nya ba? Naramdaman nya ba ang luksong dugo?

"I'm Davion Kaizer Brivzon" Sagot nito.

"Wow, parang parehas po tayo ng name!" Bakit ba ang daldal mo anak?

"Why? what's your name?" Seryosong tanong ni Davion.

"My name is Davein Shaun Hezan po!" Nakita ko kung paano umiba ang expression ni Davion kaya naman umiwas ako ng tingin dahil randam ko ang malamig nyang titig.

"I see, you have a nice name" Diniinan nya ang salitang 'nice' na parang may pinapatamaan.

Napalunok naman ako.

"Anak, let's go na. Hinihintay na tayo ng Daddy mo" Pag papalusot ko dahil ayaw tantanan nitong anak ko si Davion.

"Pero Mommy—"

"Let's go" Putol ko sa sasabihin nya. Tumango naman ito. Nabigla ako nang bigla nyang niyakap si Davion sa legs nito dahil nakatayo na sya. Tinawag ko naman agad si Dave.

"Goodbye po, Mr. Hero. See you po" Nag wave pa ito sakanya, nang makalayo kami roon natanggal ang kaba at hinanakit ng loob ko.

"Erin! Dave!" Tumingin ako kay Train nang tawagin nya kami. Agad syang tumakbo at binuhat si Dave.

"Umuwi na tayo" Mahina kong sabi sakanya. Akmang mag tatanong pa sana sya kaya lang umiling ako bilang tanda na ayaw kong sabihin anh dahilan.

"Alright, Mag luluto nalang ako ng dinner natin" Nakangiting sambit ni Train, saka nya ako hinila habang buhat-buhat si Dave na kasalukuyang nakabaon ang mukha sa leeg ni Train, halatang natutulog na ito dahil hindi sya kumikibo.

Nang nasa bahay na kami, pinunta muna ni Train si Dave sa kanyang kwarto para ayusan dahil nakatulog ito. Nakaupo lang ako sa kusina habang si Train naman ay busy sa pag luluto.

"Nag kita na sila" Bulong ko pero alam kong narinig nya dahil napatigil sya sa ginagawa nya at tumingin sa'kin.

"Who?" Taka nyang tanong. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot.

"Dave and Davion" Gulat itong napatingin sa'kin.

"Saan? and Paano?" Seryoso nitong tanong

"Nahalata nya ba? Anong nangyare?" Hindi mapakali nyang tanong.

"Diba hinahanap natin si Dave kanina? Nakita ko sya pero may kasamang lalaki and si Davion yon. Hindi ko alam kung nahalata nya ang pag kakamukha nila dahil tinanong nya si Dave kung anong pangalan ng Daddy nya" Paliwanag ko.

"Anong sinabi ni Dave?" Randam ko ang pag lungkot ng boses nya.

"Pangalan mo, Ikaw ang pinakilala nya bilang Daddy nya" May ngiti sa labi kong sambit. Agad sumilay ang ngiti sakanyang mga labi dahil sa sinabi ko. Umiwas din ito ng tingin, alam na alam ko kung bakit nag gaganyan sya. Namumula ang tenga nito pati na rin ang kanyang mukha kaya ayaw nyang ipakita. Ganyan sya kapag nasisiyahan ng sobra.

"Pero parang may kakaiba sa reaction ni Davion kanina, noung sinabi ng anak ko 'yung pangalan mo parang bigla syang nagalit na ewan. Pero wala namang sinabi tapos ayon umalis na kami" Pag papatuloy ko.

"Nag kita na sila, hindi natin maiiwasan na mag hanap ng kung ano si Davion tungkol sa anak natin dahil base sa sinabi mo parang may malalaman na sya" Sagot nito sa'kin.

"Anak natin?" Iyon ang napansin ko sa sinabi nya. Tumawa naman ito.

"Of course, ako nga ang pinakilala nya eh. And mag papakasal din naman tayo so aangkinin ko na kayo" Seryoso nitong sambit pero bahagya ring natawa at binawi ang sinambit nya.

"Kidding, pero totoo. Parang anak ko na si Dave" Masaya nyang pag amin.

"Kung ako nalang sana kase—joke ulit huwag na magalit " Pang bawi nya agad dahil sinamaan ko sya ng tingin kaya naman hindi nya naituloy ang sinasabi nya.

"Luto na" Inayos nya ang pag kakainan namin at saka tinawag si Dave. Pero sya lang ang bumalik dahil mahimbing pa raw ang tulog ng anak ko.

Matapos kaming kumain ni Train ay nag tungo ako sa kwarto ng anak ko. Ginising namin sya kanina pero ayaw nya kaya naman nag pasya kaming ipabukas nalang.

Kasalukuyan akong nakatingin kay Dave. Ang himbing ng tulog nito. Tumabi ako sakanya at niyakap sya.

"Patawarin mo ako, Anak. Kung kailangan kitang ilayo sa totoo mong Ama. Mahal na Mahal kita, Anak" Bulong ko sakanya at hinalikan muna sya sa noo bago ako nahiga.

Sana hindi nahalata ng dati kong asawa ang pag kakahawig nila ng anak ko dahil hindi ko kakayanin kung kukunin nya sa'kin si Davion.

Unti unti akong pumikit, ilang minuto lang ang nakalipas bago ako tuluyang nakatulog.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status