Share

CHAPTER 5

Nandito kami ngayon sa bahay ni Train. Gusto kase nila Mama na dito muna kami ni Dave tumira para daw mas maniwala sila sa amin na mag asawa kami ni Train. Hanggang ngayon palaisipan parin sa'kin kung ano ang pinag usapan nila.

"Mommy, I want to go to school po" Biglang sambit ng anak ko habang nanood ng tv. Tiningnan ko naman ang pinapanood nya, mga batang pumapasok sa school.

"Kapag puwede na anak, baby ka pa eh" Nakangiti kong sagot.

"Malaki na po ako, Mommy" Pilit nito.

"Huwag ng makulit, Dave. Tama ang Mommy mo, kailangan malaki ka muna para pumasok sa school. You're turing 3 years old right? Kapag 5 years old kana, I promise ako mismo ang sasama at mag e-enroll sayo para makapag aral ka" Singit ni Train. Tila nag ningning naman ang mga mata ng anak ko sa sinambit ni Train.

"Really po?! Thankyou so much, Daddy! You're the best Daddy in the world!" Masayang sigaw ng anak ko habang pumapalakpak. Lumambot naman ang puso ko dahil sa sinambit nya. Talagang napamahal na sya kay Train.

"And You're the best baby in the world!" Pabalik na sambit ni Train. Nag yakapan naman sila. Tumingin sa'kin si Dave.

"Mommy, hug mo po kami ni Daddy" Utos nito kaya naman tumango nalang ako at lumapit sakanilang dalawa. Niyakap ako ni Dave at niyakap nya rin si Train kaya naman tatlo na kaming nag yayakapan.

"Mommy, Para na po tayong masayang pamilya...Daddy, can you make my Mom happy po?" Biglaang tanong nya.

"Of course, I'll do everything to make her happy, and you of course" Ginulo nito ang buhok ni Dave.

"Then can you marry my Mommy na po? I really want to have a big and a happy family" Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa sinabi ng anak ko.

Kung hindi ba ako tinaboy at hiniwalayan ni Davion, hihiling paba ang anak ko ng ganito?

"Dave, Gusto ko rin 'yan pero I respect your Mom's Decision" Paliwanag nito. Kaya ko nga bang mag mahal ulit?

"Let's change the topic. Dave, this is your first time here ,right?" Tanong sakanya ni Train. Tumango naman ito.

"Gusto mo bang pumunta tayo sa mall? Let's play and watch there" Anyaya nito sakanya. Agad namang lumiwanag ang mukha ng anak ko.

"Let's go na po, Daddy! Mommy!" Masaya nyang anyaya. Nag palit at nag ayos muna kami bago umalis ng bahay ni Train.

Hawak ko ngayon si Dave sa kabila nyang kamay, ganun din si Train sa kabila. Nag lalakad kami ngayon habang nag lilibot sa Mall.

"Daddy, Gusto ko po 'yon" Turo ni Dave sa isang malaking laruan na kotse. Tiningnan ko naman ang bayad non. Halos malula ako kase sobrang mahal.

"Dave, Mahal yan" Suway ko.

"Pero Mommy....Okay po" Nakayuko nyang sagot.

"We will buy that" Napatingin ako kay Train nang marinig ko ang sinabi nya. Tiningnan ko sya na parang pinipigilan dahil masyadong mahal talaga ang laruan na 'yon.

"Pag bigyan mo na, Erin" Aniya. Agad silang lumapit sa laruan at kinuha ito ni Train. Hindi maalis sa labi ni Dave ang malawak na ngiti nito. Masyado talagang spoiled ang anak ko kay Train.

Nag tungo kami sa cashier para bayaran ang laruan na bibilhin namin. Habang nakapila kami, pansin kong lumilikot si Dave.

"What's wrong, Dave?" Tanong ko, agad naman syang lumapit sa'kin at bumulong.

"Mommy, I want to pee po" Bulong nito sa'kin. Napangiti naman ako. Sinabi ko 'yon kay Train. Nag pasya si Train na sya nalang daw ang sasama kay Dave dahil pwede nya itong samahang pumasok sa comfort room.

Ako na ang pumila habang hinihintay sila. Makalipas ang ilang minuto ako na ang mag babayad. Nilabas ko ang pitaka ni Train na binigay nya sa'kin kanina dahil gusto nya raw na sya na ang mag bayad sa bibilhin naming laruan ng anak ko.

Pag katapos kong mag bayad, tinext ko si Train na mag hihintay ako sa labas ng store ng mga laruan. Naupo muna ako sa gilid sa may mga upuan. Makaraan ang ilang minuto nakita ko si Train na papalapit sa'kin. Nag taka ako dahil hindi nya kasama si Dave.

"Nasaan si Dave?" Tanong ko sakanya.

"Huh? Hindi ba sya pumunta sayo? Wala sya kanina sa loob ng CR kaya akala ko nandito na sya" Nag tataka nitong sambit. Agad akong nilukob ng kaba.

"Train... yung anak ko..." Kinakabahan kong sambit sakanya.

"I'm sorry, Erin. Hindi ko alam na ganito pala yung mang yayare dapat pala hinatid ko muna sya sayo before I pee. Hanapin muna natin sya" Aniya. Tumango naman ako, nag pasya kaming nag hiwalay muna ng pupuntahan para mas madaling mahanap si Dave.

Sinubukan kong mag tanong tanong sa mga nakakasalubong ko pero wala raw silang napansin. Lumabas ako at nag tungo sa kanilang parte ng mall. Nasa park ako ng mall ngayon. Nilibot ko ang tingin ko hanggang sa madako ang tingin ko sa batang kapareha ang suot ng anak ko.

Nang nilapitan ko para makasigurado, agad kong napatunayan na sya si Dave. Dali dali akong tumakbo papalapit sakanya. Pero napatigil ako dahil napansin kong may isang lalaking kumakausap sakanya. Nakatalikod ito sa'kin kaya naman hindi ko makita ang kanyang mukha.

"My Mommy's name po is— Mommy!" Sumigaw ang anak ko nang makita nya ako. Agad syang tumakbo sa'kin at niyakap ako. Pag katapos non ay agad nya akong hinila papalapit sa kausap nya.

"Sya po yung tinutukoy ko, She's my Mommy Erin po" Magiliw na pakilala sa'kin ng anak ko. Tumingin ako sa lalaking kausap nya para sana batiin ito pero tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko kung sino ang taong 'yon.

Bakit sa dinami dami ng pwede kong makita, bakit sya pa? Bakit kailangan pa naming mag kita? Bakit kailangan pa nilang mag kita ng anak ko?

"Mommy, He's my hero po. Sinave nya po ako sa mga bata kanina. Pero I don't know his name po eh" Inosenteng sambit ni Dave. Kung alam mo lang anak, kung sino ang kaharap mo ngayon.

"Ah ganun ba? Let's go na, hinahanap ka na ni Daddy Train eh" Sinadya kong hindi pansinin si Davion na kasalukuyang nakatitig sa anak ko. Napansin nya ba ang pag kakahawig nila?

"Mommy, say hello po sakanya" Ayaw makisama ng anak ko ah. Napilitan naman akong ngumiti at humarap sa dating kong asawa na si Davion.

"Hello, Mr. Thankyou for saving my son" Labas sa ilong kong sambit. Napansin nya yata 'yon kaya naman napataas ang sulok ng kanyang labi.

"You're Welcome, Aerina" Nakangisi nyang sambit bago lumuhod at hinarap ang anak ko.

"What's your Daddy's name?" Nalaglag ang panga ko nang marinig ko ang tanong nya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status