Share

HIDING THE BILLIONAIRE'S SON
HIDING THE BILLIONAIRE'S SON
Author: keyninks

CHAPTER 1

Aerina Castillo P.O.V

Nakatitig ako ngayon sa hawak kong pregnancy test, hindi ko alam kung paano ko maipapa liwanag ang nararamdaman ko. Sobrang saya ko dahil natupad na ang pangarap namin ng asawa ko na magka anak. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa aking pisngi at ngumiti.

Nag lakad ako palabas ng banyo at nag tungo sa aming silid. Tiyak akong nandoon si Davion, ang asawa ko. Masaya akong pumasok sa kwarto namin. Nakita ko syang nakaharap sa kanyang laptop, ang sipag nya talagang mag trabaho. Kahit pa na mayaman ito ay hindi nya parin maiwasang mag trabaho dahil ang sabi nya kailangan daw namin 'yon kapag nag kaanak na kami.

"Hey, love" Tawag ko sakanya at lumapit. Akmang hahalikan ko na sana sya sa kanyang labi ay umiwas ito na siyang pinag taka ko. Naguguluhan naman akong tumingin sakanya.

"May problema ba, love?" Tanong ko at hinaplos ang pisngi nito. Umiling naman ito sa'kin.

"Okay, anyway may sasabihin akong importante sayo, Davion. I know magiging masaya ka sa balita ko" Nakangiti kong sambit sakanya. Nakatingin lang naman ito sa'kin at tila hinihintay ang sasabihin ko.

"I'm pregnant, love " Masaya kong saad at niyakap siya. Pero imbes na yakapin ako nito pabalik ay agad nya akong tinulak, muntikan pa akong natumba buti nalang at na balance ko ang aking katawan. Nag tataka naman akong napatingin sakanya.

"W-why—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang kalampagin nya ang lamesa na syang dahilan kung bakit nahulog ang mga nakalagay doon

"Don't ask me, Erin" Nanlamig ako sa klase ng boses nya. Ito ang unang beses na hindi malambing ang boses nito.

"May problema ba tayo?" Tanong ko dahil ngayon lang ako ulit tinawag ni Erin, simula noong kinasal kami. Limang taon na ang nakalipas.

"Don't fool me, I know I'm not the father of that child, Erin" Matigas nitong bintang.

"A-ano?..." Tila walang boses kong sambit. Pinang hihinalan nya ba ako?

"Again, I'm not the father of that child." May diin nyang ulit. Doon na nag simulang mag laglagan ang mga luha ko.

"W-why?... B-bakit mo... sinasabi 'yan? Alam mo namang ikaw lang ang minahal ko at mamahalin sa buong buhay ko.... love naman, prank ba 'to? I-I know...mahilig ka mag biro...pero huwag naman ganito" Humihikbi kong pakiusap sakanya.

Malamig parin ang pinupukol nyang tingin sa'kin. Lumapit ako sakanya pero umatras lang ito sa'kin at tiningnan ako na parang hindi ako nito minahal.

"Love—" Garalgal kong sambit.

"Don't call me that!" Umalingawngaw ang boses nya sa buong kwarto namin.

"D-davion...Maniwala ka, sayo 'tong pinag bubuntis ko. Parang awa mo na" Nag mamakaawa kong sambit sakanya.

"No, Someone sent me a photo. Picture mo at ng lalake mo, hindi ko na tatanungin kung sya ang ama nyan. Dahil alam kong sya lang at hindi ako" Umiling iling ako. Davion, ikaw lang ang minahal ko wala ng iba.

"Davion....Trust me, this is yours. Your own flesh and blood.. Why can't you trust me?!" Hindi ko maiwasang pag taasan sya ng boses dahil sobrang sakit na ng loob ko.

"Fionah told me everything, nakita nya kayo. Sinabi nya rin sa'kin na kilala nya ang lalaking 'yon, and you know what? it's your brother's friend" Si Evanz, pero alam nya namang kaibigan ko lang sya dahil kaibigan sya ng kuya ko.

"Davion naman, alam mo namang mag kaibigan lang kami diba?" Nag susumamo akong tumingin sakanya pero nanatiling malamig parin ang tanong nito sa'kin.

"Erin, mag kaibigan din tayo noon bago naging tayo, at alam kong ganon din kayo. Kaya alam mo? It's better if mag hiwalay nalang tayo tutal hindi ko naman anak yang nasa tiyan mo" Tuluyan ng gumuho ang mundo ko nang sambitin nya 'yon.

"N-no....N-no... Please! Ayoko, Davion ayoko!" Umiling iling kong sambit sakanya.

"Get out, Umalis kana. Umalis kana sa buhay ko" Saad nito kaya mas lalong lumakas ang pag iyak ko.

"Davion....sayo na mismo nanggaling na mag kaibigan na tayo noon pa! Pero bakit mas pinaniniwalaan mo si Fionah, kesa sa'kin?! Davion, Asawa mo ako!" Inis kong iyak sa harapan nya.

"No, hindi na kita Asawa " Tumalikod ito sa'kin at may kinuha sa kanyang drawer. Nilabas nya ang isang folder doon at binigay sa'kin. Nanginginig ko 'yung binuksan. Kahit pa alam ko na kung ano ang laman non, pinilit ko paring buksan 'yon.

Napahikbi nalang ako nang masilayan ko kung ano ang laman non, annulment paper, pirmado nya na ito at pirma ko nalang ang kulang.

"W-why?....Davion, don't you love me anymore?..." Umiiyak kong tanong sakanya. Nakatitig lang 'to sa'kin.

" S-sasayangin mo lang yung limang taon nating pag sasama? Davion naman... " Dugtong ko pa.

"I should be the one who asked you that" Nag ngingitngit nyang sambit.

"Is it hard to trust me?" Tanong ko.

"I trusted you!, I fvcking trusted you, Erin! But what did you do?! You cheated on me!" Sigaw nito.

"How many times do I have to tell you, na hindi kita niloko! na hindi sya ang ama ng anak natin! " Laban ko.

"Stop! Don't you dare say that! that child in your womb is not mine, I won't accept that because it's not min—" Napatigil sya sa kanyang pag sasalita nang dumapo ang kamay ko sa pisngi nya.

"H-how could you?..." Bulong ko.

"Hindi lang ako ang sinasaktan mo ngayon, Davion...pati ang anak natin..."

"Umalis kana, pero bago 'yon. Sign the annulment paper "

"Davion...did you love me?... minahal mo ba talaga ako? Kase kung oo, hindi ka ganito eh. Hindi ka ito...." Tanong ko ngunit hindi sya sumagot.

Kinuha nito ang aking kamay at binigay ang ballpen. Umiling ako dahil ayaw kong makipag hiwalay sakanya.

"Sign it now!" Utos nito.

"Can I ask you?.... B-bakit si Fionah ang pinaniniwalaan mo at hindi ako?" Masakit kong sambit.

"She's my friend"

"And, what am I to you? Asawa mo ako! Dapat ako ang paniwaalan mo! Hindi kung sino sinong babae dyan!"

"Don't talk to her like that!" Galit nitong usal.

"Why?!"

"Because she's not like you, She's better than you" Nag alpasan ang mga luha ko.

"B-bakit parang mas pinipili mo sya?" He scoffed

"Yeah, that's right. I chose her" 'yan ang nag patigil sa'kin.

"o-okay...." Pinunasan ko ang mga luha ko. Dahan dahan akong lumapit sa folder, nilabas ko ulit ang laman non. Labag man sa loob ko ay pinirmahan ko pa rin. Wala na kami. Sa pag pili nya palang sakanya, talo na ako eh.

"There....Can I hug you for the last time.....l-love?" Tanong ko. Dahan dahan naman itong tumango.

Lumapit ako sakanya at niyakap sya ng mahigpit. This is your dad, anak. Let's feel his hug, kase hindi natin alam kung ito na ba ang huli.

"Please....be happy, always take care of yourself hmm?... And kung malaman mo man ang totoo balang araw, I hope you're not late...." Bulong ko

"Iloveyou, Davion Kaizer Brivzon. You're free now" Kumalas ako sa yakap at tumalikod.

"Ipapakuha ko nalang kila kuya yung mga gamit ko..." Nakatalikod kong sambit, ayaw ko syang makita dahil baka mag bago lang ang isip ko at baka lumuhod pa ako para lang balikan nya kami ng anak nya.

Nang nakalabas na ako sa bahay namin ay muli kong sinulyapan 'yon. Ang tahanan naming masaya, masagana, at may hawak ng mga ala alang kailan man hindi ko kakalimutan.

"Paalam, Davion" Bulong ko sa hangin at tuluyang nilisan ang lugar na 'yon

Kanina pa ako palakad lakad, ayaw kong umuwi sa bahay namin dahil alam kong kagagalitan lang nila ako kaya naman nag pasya nalang ako na buhayin ang anak ko sa sarili kong sikap. Hindi ko alam kung  babalik pa ba ako.

Hinawakan ko ang impit kong tiyan at bumulong.

"Anak, tayo nalang dalawa ang mag kasama. Ayaw na sa atin ng daddy mo" Lumuluha kong pakiusap sa aking anak.

Dala ng panlalabo ng aking mga mata hindi ko napansin ang paparating na sasakyan. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Pumikit ako at hinintay ang pag bangga sa'kin ng sasakyan hanggang sa tuluyan nang nandilim ang aking paningin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status