Share

30. Sino ka?

[Letlet]

'Paano kapag nalaman mong niloloko ka lang ng taong mahal mo?'

Hindi mawala ang sinabi ni Gian sa isip niya.

Ano ba ang ibig nitong sabihin? Masasagot ba talaga ang tanong niya kapag pumunta siya mamaya sa hardin?

Bumuntong-hininga siya at tinuon ang ginagawa sa paglalaba. Lumingon-lingon siya sa paligid para tingnan kung may tao ba o wala. Nang makitang walang ibang tao ay itinaas niya ang salawal ni Lucian at inamoy.

Labahan na pero ang bango pa rin! Lalaking-lalaki ang amoy at nakakahalina!

"Ano ang ginagawa mo?"

"Ay tsokoy!" Sa gulat ay naihagis niya ang salawal ni Lucian. "Ano ba, Birang?! Bakit ba nanggugulat ka?!" Nakairap na ani niya.

Namewang si Birang. "Hindi ako nanggugulat, no! Sadyang abala ka lang sa pagsinghot ng kung ano d'yan." Naningkit ang mata ni Birang. "Ano nga pala ang sinisinghot mo? Damit ni Gian?"

Nanlaki ang mata niya ng makitang inanod ng agos ng tubig ang salawal ni Lucian. Mabilis na tumayo siya at hinabol ang salawal na inanod ng agos.

"H-Hindi!
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status