Share

CHAPTER 156

HINDI alam ni Yesha kung paano i-c-comfort ang kaniyang kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang dapat na sabihin. Ngayon lang niya naranasang makitang ganito talaga si Erika. Hindi umiimik. 

"Sure ka bang kaya mo silang harapin?" tanong niya rito. Tumango naman ito. Hindi alam ng boyfriend ni Erika kung nasaan sila ngayon. Si Shawn naman ang nagmaneho sa kanila. Sobra ang pag-iingat nito sa kaniya sa takot na baka may mangyaring masama sa baby nila. 

Akala niya noong una ay hindi nito tanggap ang bata. Mabuti na lamang talaga at sobrang sinusubukan ni Shawn maging isang mabuting ama sa anak nila. Kahit na nasa sinapupunan pa lamang niya ito. 

"Kinakabahan ako. Iniisip ko rin kung ano ang magiging reaction ni Adrian kapag nalaman niyang ginawa ko ito. Alam kong hindi siya matutuwa. Alam kong masasaktan ko siya." Paulit-ulit niyang hinaplos ang likod ng kaniyang kaibigan upang ipaalam dito na nandito

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status