TAHIMIK na ipinaghain ni Yesha ang dalawa. Ayaw niyang sumabay sa mga ito dahil hindi naman iyon ang gawain ng isang katulong. Hindi iyon ang ang dapat niyang ginagawa. Kasi ang totoo, dapat saka lang siya kakain pagkatapos din kumain ng amo niya.
"Uhh--- excuse me?" napatingin siya sa babae nang tawagin siya nito. "Bakit?" tanong niya at inihinto ang paghahain.
"Bakit dessert plate ang inilagay mo?" nakangiti ngunit ramdam niya ang pagiging sarkastiko sa boses nito.
"Anong dessert plate?" tanong niya sa babae saka bumaling kay Shawn na mukhang nababahala. "Ito, kasi hindi naman ito dinner plate. Dessert plate ang tawag dito, and this spoon is a salad spoon." nahihiyang napatingin siya sa mga pinggan. Kaya pala magkakaiba ang mga ito at dahil may iba't-iba rin pala itong gamit.
"Don't tell me, hindi mo alam?" kahit na malumanay ang paraan ng pagtatanong ng babae ay naiinsulto pa rin siya. Patago niyang itinikom ang kan'yang kamao para pigilan ang inis na
IT'S SATURDAY pero dahil sabi ni Shawn na kailangan nito ng personal assistant ngayon ay wala siyang nagawa kung 'di ang sumama na tumanganga sa opisina ng lalaki.Hindi niya alam kung bakit gustong gusto niyang tanungin sa lalaki ang dahiln kung bakit hindi niya nakikita ang sekretarya nito. Kanina pa kasi niya iyon napapansin pero syempre after that--- night incidents, hindi na niya inabala ang sarili na pansinin at magkaroon ng personal na usapan silang dalawa ni Shawn."Excuse me, sir. I want to buy coffee..." nag-angat ng tingin ang lalaki sa kan'ya kaya naman palihim niyang sinaway ang malakas na kabog ng kan'yang dibdib. Hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman niya. Para siyang mamamatay sa paraan ng titig nito sa kan'ya. "for us." dugtong niya.Hindi na niya ito hinintay pa na makasagot dahil kaagad niya itong tinalikuran at lumabas ng opisina nang mag-isa. Ayaw niyang magtanong pa ito at sasagot na naman siyang muli dahil paniguradong... magkaka
KAAGAD na napasimangot si Yesha nang maramdaman niyang mag-vibrate ang cellphone niya. Kaagad naman niya iyong inabot at saka mabilis na sinagot. Sa dating bahay nila siya nanatili ngayon. Ayaw niyang umuwi ngayon sa bahay ni Shawn dahil ayaw niyang umiyak ulit. Kakatapos lang niay roon at ayaw niyang magtago ulit para lang pakawalan ang halo-halong emosyon na kumukulong sa kan'ya ngayon roon.Malapit na rin naman ang pasukan nila kaya mapapadalas na lang din ang pagkikita nila ni Shawn. Sisiguraduhin niyang hindi sila nito halos magkikita kahit na nasa iisang bahay. At sisiguraduhin di niyang magagawa niya ng maayos ang trabaho niya kahit na nasa ganoon silang sitwasyon."Hello?" inaantok niyang tanong mula sa kabilang linya. Ni hindi nga niya tiningnan kung sino ang tumatawag e!"Yesha..." sapat na ang baritonong boses nito para mapatayo siya at mawala bigla ang kan'yang antok. Takang inilayo niya ang cellphone mula sa pagkakalapat sa kan'yang tainga saka tini
KATULAD ng araw na hinihintay niyang huwag dumating ay dumating na nga. Hindi siya halos mapakali habang nasa loob ng taxi. Nanginginig ang tuhod niya sa hindi malamang dahilan. Ayaw naman niyang humarap dito na mukhang kinakabahan pero mukhang ganoon nga talaga ang mangyayari. Kahit anong libang ni Yesha sa sarili, hindi pa rin niya maiwasang mangamba. At isa pa pala... bakit ba nawala sa isipan niya na sahuran na pala ngayon.Maghaharap at maghaharap sila ni Shawn. Sana pala nag-inarte na siya noong una pa lang na bigyan siya ng credit card kung saan iyon ang gagamitin niya para kuhanin ang sweldo niya.Bakit ba kasi hindi niya iyon naisip noon?"Bayad po kuya." kaagad naman inabot ng driver ang bayad niya. Siya naman ay mabilis na bumaba. Iisipin pa lang niya na magkakaharap sila. Gusto na niyang lumubog sa lupa.Para siyang tangang nagdahan-dahan papasok sa loob ng gate at todo ingat na huwag iyon gumawa ng ingay.Ayaw niyang malaman ni Shawn n
SIGURO KUNG mayroon mang pinaka-corny na usang CEO na kilala si Yesha, iyon ay si Shawn. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin nagsi-sink in sa isipan niya ang lahat ng pinagsasabi ni Shawn. Hindi niya alam kung ano ba amg nakain nito para magkaganito ngayon. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami sa isang boss na hindi pa maintindihan ang ugali siya napunta. A CEO and a boss. "Say... something," usal nito ngunit wala naman siyang makapa na tamang salita na sasabihin dito. Hindi niya alam kung ano ang uunahin niya. "Yesha..." "Sandali naman! Hindi naman ganoon kadali mag-isip ng sasabihin, 'no!" Hind tuloy niya alam kung ano ang dapat maramdaman. Halo-halo na, dinaig pa niya ang pagkain na halo-halo sa gulo ng nangyayari. "I just want to make sure that you'd clearly understand what am i saying." Napapatantiskuhan niya itong tiningnan. "Gusto mo ba ako?" walanghiyang tanong niya sa lalaki. Ayaw niya ng mixed signals. Gusto niya diretsahan. Gusto lang din niya
PARANG tanga na nakatanga siya kay Shawn na abala sa paghahain sa kan'ya ng umagahan. Simula kasi kagabi ay sinabi ng lalaki na pagsisilbihan siya nito at liligawan. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang Shawn Rios... manliligaw na niya.Nahihiya siya sa mga nakaraan niya. Nahihiya siyang nalaman nito ang pangarap niya dati. Baka mamaya isipin nito na pera lang ang habol niya sa lalaki."Eat up!" napakurap siya nang mahinang kalampagin ni Shawn ang lamesa. Sabay silang natawa sa ginawa nito."T-thank you,"Tinitigan siya ng lalaki saka naupo sa tapat niyang upuan."Nahihiya ka ba?" he grinned. Yesha looked away while Shawn laughed. "Nahihiya ka nga.""No, hindi ah. Bakit ako ang mahihiya? Dapat ikaw. Bakit ako ba ang umamin sa 'yo?" anas niya na ikinatigil naman ng lalaki. Siya tuloy ang napangiti nang malawak. "nahihiya ka ba Shawn Rios?" balik asar niya sa lalaki. Akala niya mahihiya ito pero imbes na lumayo ay may in
MAAGANG gumising si Yesha dahil ngayon ang first day of the class niya. Excited siya na kinakabahan. After years, she's here again. Trying to pursue her dreams. She would do everything she could just to be a successful person someday despite of everything she'd faced."Are you excited?" Shawn asked her. She was busy cooking their breakfast. Alas d'yes pa naman ang pasok niya pero gusto niyang makapaghanda na. Para siyang bumalik sa pagkabata. Na-miss din tuloy niya ang mga panahong palagi siyang sinasamahan ng mama niya sa eskuwelahan kasi iyakin siya. "Sobra, pero kinakabahan ako. Major subject pa naman ang first day."Tinawanan lang siya ni Shawn kaya naman itinuon na lamang niya ang atensiyon sa pagluluto. Marami silang fronzen foods na binili kaya naman hindi na siya nagtaka na puro bacon, hotdog, at tocino ang umagahan nila. Well, she was the one who requested it all."Kaya mo 'yon. Unang araw pa lang naman. Hindi pa naman yata kayo papahirapan..." nakangis
"KINAKABAHAN ako." Napasimangot si Yesha nang tawanan siya ni Shawn. Hindi niya alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi niya. Para kasi itong mapupugutan ng hininga kakatawa."Nakakainis ka naman Shawn, e!" reklamo niya rito pero mas lalo lang itong tumawa. Kanina lang pinagtatalunan nila yung load, tapos ngayon ito na naman ang lalaki sa pang-aasar sa kan'ya. "Ubusin mo kasi muna 'yang laman ng bibig mo bago ka magreklamo hahahaha."Inirapan niya ito at wala sa sariling tinakpan ang bibig. Nawala sa isipan niya na kumakain pala siya ng donut. Hay naku! Hindi na talaga siya magtataka kung bigla siyang manaba dahil sa dami ng pinapakain sa kan'ya ni Shawn.Hindi pa nga siya natutunawan ay umu-order kaagad ito ng makakain niya. Sabi pa naman nila mananaba ka kapag nasa tamang tao ka na. Mukhang hindi pa siya nananaba, nakikita na niya si Shawn bilang tamang tao para sa kan'ya."Basta kapag kinakabahan ka, mag-text ka lang sa akin. Kapag break mo, you can cal
SINIMAGUTAN ni Yesha si Shawn na panay ang asar sa kaniya. Kwinento kasi niya sa lalaki ang nangyari at pati ito tuwang tuwa sa nangyari. Inasar lang naman kasi siya ng mga kaklase niya na maging muse at hindi lang 'yon. Pati mga professor niya ay sinabihan na kaagad siya na kukunin siyang representative ng department nila kapag may mga beauty pageant.Wala naman siyang problema sa pagrama at sa mga tanungan doon dahil danas na danas na niya iyan noon sa baranggay nila. Ayaw lang niya makakuha ng masyadong mraming atensiyon. Well, she's not attention seeker at all."Ang ganda naman po kasi..." pagpapatuloy ni Shawn ng asar sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ang lalaki. Ito pa ang nagpumilit na magkwento siya tapos ngayon ito ang numero unong nang-aasar sa kan'ya. "Alam kong maganda ako Shawn Rios. Matagal na. Kaya mo nga ako nagustuhan e."Ang kaninang malapad na ngiti ng lalaki ay biglang nawala. She wonder why. "Ano? Tahimik ka ngayon 'no?" pang-aasar ni