Share

Fascinated by the Enemy - Chapter 14

Nang matapos ang lahat ng kahibangan, nanumbalik ang normalidad. Walang katinag-tinag si Kate. Nakapikit lang siya habang nakabaling ang mukha sa matatabang unan. Gusto niyang matunaw at lumubog sa kinahihigaan.

"Kate?" untag ni Zander habang masuyong iniaangat ang katawan palayo sa kanya. Hinaplos pa ng isang kamay nito ang pisngi at panga niya. "Kate?"

Pinilit niyang dumilat.

"You enjoyed it, didn't you?"

Napahikbi ang dalaga. Muli siyang pumikit nang mariin. "You don't have to rub it in," pakli niya. Mayroong pait sa paos na tinig. "You're an expert!"

Bumuntonghininga ang lalaki ngunit hindi na nagsalita. Tuluy-tuloy na nawala ang init na dulot ng maskuladong kabuuan nito nang bumangon ito at gumulong palayo sa kanya.

"I'm sorry," sambit nito. Mababa ang tono.

Tumagilid siya at namaluktot nang mawala na ang nakadagan sa kanya. Hiyang-hiya siya sa sarili.

Narinig niya ang ilang pagbubuntonghininga ng lalaki.

"Ano'ng gu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status