Share

Fascinated by the Enemy - Chapter 23

"A-ano ang dapat kong ikatuwa?" tanong pa ni Kate gayong ibig na nga niyang magtatalon sa tuwa. Nandito pa rin si Zander sa rantso! Nabuhayan siya ng loob.

"Tinanggap niya ang parusang iginawad ko sa kanya. Ang ibig sabihin niyon, nais niyang makamit ang kapatawaran mo. At mapatunayan na rin ang pag-ibig niya para sa 'yo."

Ipinilig ni Kate ang ulo niya. "Nasaan siya?"

"Basta't nandito lang siya," ang tanging itinugon ni Don Nicholas. 

Parang ibig niyang magdamdam sa kanyang Papa. Bigla itong nagkaroon ng sikreto. At parang kumakampi pa ito kay Zander...

"Papa--"

"Mag-almusal ka na, iha," pakli nito habang humahakbang patungo sa pinto. "Mag-relaks ka lang."

"Pero, Papa--"

"Pasensiya ka na. Hindi kita masasabayan. Tapos na akong kumain. Mamayang tanghalian na lang tayo uli magkita."

Natagpuan na lang niyang nasa labas na siya ng library.

"Senyorita Kate, nakahanda na po ang almusal sa balkonahe."

Nalinga

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status