공유

Fascinated by the Enemy - Chapter 15

"Ano'ng iniisip mo?" pang-uusig ng babae sa kanya.

"Ikaw."

"Ano'ng iniisip mo tungkol sa akin?" Parang hindi nagulat ang dalaga sa itinugon niya.

Humugot ng malalim na buntonghininga si Zander bago umiling. "Hindi mo magugustuhan kung sasabihin ko sa 'yo," pagtatapat niya. "C'mon, dinner's waiting."

Inalalayan niya ang babae sa isang braso habang patungo sa kumedor. Dinner that night was strangely quiet and peaceful. Para bang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan habang nagkakasundo pa sila sa iisang desisyon.

Inasikaso niyang mabuti si Kate. Sinilbihan niya ito, kahit na halatang naiilang.

"Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat nang ito?" taka ng babae.

Nagkibit ng mga balikat si Zander. "Dahil gusto ko."

"Dahil inuuto mo ako," pananalakab nito.

"Hindi ka batang paslit para utuin, Kate," pakli niya. "Mas bagay sigurong sabihin na sinusuyo kita."

She blushed delicately.

"Hindi mo na kailangang gawin 'yan,"

잠긴 챕터
앱에서 이 책을 계속 읽으세요.

관련 챕터

최신 챕터

DMCA.com Protection Status