Share

Fascinated by the Enemy - Chapter 20

Zander should think himself foolish for feeling so happy with the admission--but he didn't. Nasorpresa siya ng matinding kasiyahan na sumulak sa kanyang kalooban pagkarinig sa pag-amin ng babae.

"So, how do you feel about me?" untag niya kapagkuwan. Kinontrol muna niya ang nadarama.

Nagpunas ng napkin sa bibig ang natatarantang babae. "I--I don't know," tugon nito, halos pabulalas. "I'm confused!"

Bigla itong tumindig at tumakbong papasok ng kuwarto. Pinagsisihan agad ni Zander ang di napigil na kuryosidad.

Tumayo siya para sundan ito. Dinatnan niyang nakasubsob sa kama ang babae at humahagulgol ng iyak. Agad siyang nag-alala. Naupo siya sa tabi nito at hinagod nang buong pagsuyo ang ulo at likod nito.

"I'm sorry, Kate," pahayag niya. Nang-aalo ang mababang tono.

Hindi sumagot ang babae. Nagpatuloy lang ito sa pag-iyak.

"Tumahan ka, Kate. Tiyak na mag-iisip ng iba ang Papa mo kapag nakita niyang namumugto ang mga mata mo," paalala niy

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status