Share

Sweet Obsession - Chapter 7

CHAPTER SEVEN:

         LONG, tapered fingers twirled the golden signpen absently, while their owner stared at nothing with a morose expression.

         Bumuntonghininga uli si Teo.

         The party was still in full swing, nang bumalik siya sa bahay mula sa matamis na kandungan ni Nadine.

         Nobody had noticed his entrance to one of the sidedoors.

         Nakapasok siya sa kanyang study room nang walang nakakita sa kanya.

         Ang baso ng alak na iniwan sa ibabaw ng lamesa ay nandoon pa rin. He just refilled it again with a thumbful of whisky.

         Ngunit nang akmang tutunggain na ay biglang nagbago ang isip.

         Mawawala ang lasa ni Nadine sa kanyang bibig.

         Napatitig siya sa di-kalayuang dingding.

         At nagsimulang maglaro sa kanyang balintataw ang mga erotikong tagpo na namagitan sa kanila ng dalaga.

         He heaved a deep sigh.

         He was still stunned, shocked to the core of his being.

         Tonight was... wonderful.

         He had the most spectacular experience tonight.

         He met the most gorgeous woman tonight.

         God, he fell in love again tonight! He really felt foolish with so much happiness.

         Hanggang ngayon, parang hindi siya makapaniwalang tunay na nangyari ang mga naganap sa pagitan nila ni Nadine.

         Na umiibig na pala talaga siya--sa wakas...!

         Pero hindi pa siya maaaring magdiwang.

         Tumatanggi ang babaeng inalok niya ng kasal at pinaghandugan ng pag-ibig.

         Teo sighed again.

         Nasa ganitong ayos siya nang may kumatok sa pinto.

         Ang ulo ni Manang Saning ang sumungaw sa maliit na awang.

         "Sir Teo! Nandiyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Ang mga bisitang bagong dating ay kanina pa naghahanap sa 'yo."

         "Nandiyan pa ba ang mga kapitbahay natin na nakatira diyan sa kabilang kalsada?" tanong ni Teo.

         "Sino? 'Yung Pamilya Mercado?"

         "Oo."

         "Ay, oo, sir! 'Yung anak na magandang dalaga nga ang panay-panay ang pagtatanong sa 'yo," pahayag ni Manang Saning. "'Yung si Marissa?"

         He stood up impulsively. "Pakisabing lalabas na ako, Manang."

         "Okey, areglado, sir." Sumara uli ang pinto.

         Si Marissa agad ang inapuhap ng paningin niya nang makalabas sa bulwagan.

         Puno ng mga tao ang palibot ng maluwang na kabahayan.

         The people had overflowed outside. Pati yata ang swimming pool ay umaapaw na rin sa dami ng tao.

         Sa unang pagkakita niya sa babaeng naka-silver evening gown, nabigla muna siya.

         Paano'y inakala niya agad na si Nadine ang babaeng nakangiti sa kanya.

         Kusa siyang dinala ng mga paa sa bahaging kinaroroonan ng dalaga.

         Halos walang kurap ang kanyang pagtitig sa hugis-pusong mukha.

         "Hi!" bati nito sa kanya.

         Kamukhang-kamukha ni Nadine ang pinsang-buo na si Marissa.

         "Hello," ganting-bati niya. "You're Marissa Mercado?"

         Lalong lumuwang at naging kumpidente ang prupesyonal na ngiti. It was just a flashy smile, that did not reach the eyes.

         Iyon ang naging pagkakaiba nina Nadine at Marissa.

         Matipid ngumiti si Nadine ngunit umaabot naman hanggang sa mga mata ang mga kislap ng kasiyahan.

         Mapulang-mapula ang mga labi ni Marissa, ngunit peke ang ngiti.

         "Yes, Mr. Montes," tugon ng dalaga. "Please, call me Lissa. All my friends do."

         Pilit na nagpakitang-giliw si Teo. Hindi niya puwedeng palampasin ang babaeng ito na puwede niyang gawing daan para mapalapit kay Nadine.

         "Then, you must call me 'Teo'," wika niya.

         "Ooh, Teo," sambit ng babae. She gave gave him a provocative glance."That's the most masculine name I've ever heard. Teo..."

         His smile turned a little sour. Parang nawalan na siya ng gana sa mga babaeng ganito makipag-usap.

         Kahit na sanay siya sa panunukso ng mga babaeng nakakasalamuha, parang naging masyadong garapal ang paraan ng pang-aakit ni Marissa.

         "Where's your parents?"

         "Uh, they're just lookin' around." The girlish woman waved her hand in an airy gesture. Wala sa mga magulang ang atensiyon. "Tayo na lang muna ang mag-usap, Teo. Mamaya ko na lang sila ipapakilala sa 'yo."

         Umabrisiyete ang babae sa kanyang braso. She even pouted up at him prettily. "Dance with me, lover boy. Ikaw ang aking panaginip."

         Nakatiim ang mga bagang ng binata habang tumatango.

         "Sure. Why not?"

         He was able to dance with the silly creature because she had a resemblance to Nadine.

         Pinagtiisan niya ang mga walang kuwentang pagkukuwento ng trying-hard na socialite.

         During an intermission, nakaharap niya ang mag-asawang Mercado.

         "Good evening, Mr. Montes," ang magiliw na bati ni Mr. Mercado.

         "Teo, please," pakli niya, with a formal smile. "I believe, you have a niece living with you, sir?"

         Tila nagulat ang matandang lalaki. "You know my niece?" ulit nito habang palihim na sinusulyapan ang anak na nagpupuyos na sa matinding pagkayamot.

         "Yes, sir," ang banayad na tugon ni Teo. "In fact, Nadine is a friend of mine."

         Hindi na nakatiis si Marissa. "Paano mo naging kaibigan ang mucha--este, ang pinsan kong 'yon, Teo?" tanong nito. Takang-taka ang tono.

         "Hindi ako namimili ng magiging kaibigan, Marissa."

         "Oh, Teo. Lissa lang ang itatawag mo sa akin. Don't forget, just Lissa. Pinili na kitang maging kaibigan magmula ngayon."

         Ngumiti lang siya nang mapakla sa dalaga bago muling bumaling sa magulang nito na kausap niya.

         "Er, iho, kung kilala mo na nang lubos si Nadine, malalaman mong hindi siya mahilig sa mga ganitong okasyon," pahayag ni Mr. Mercado. "Simple lang ang pamangkin kong iyon. At may pagka-homebody."

         "I like homebodies," Teo stated bluntly. "Would you care to dance, Mrs.Mercado?" aya niya sa ina ni Marissa. He ignored the indignant gasp from the younger woman.

         Nagulat ang ginang. Tumingin muna sa gawi ng asawa bago nagpaunlak sa imbitasyon niya. "M-medyo kinalawang na ako sa pagsasayaw, ha, iho?"

         "Hindi naman po tayo mag-e-exhibition, Mrs. Mercado," tugon niya. "Nais ko lang kayong makausap nang sarilinan."

         "Er, tungkol ba sa aking anak na si Marissa?"

         Umiling ang binata. "Tungkol sa inyong pamangkin na si Nadine."

         Halata ang disappointment sa mukha ng may edad na babae, ngunit hindi naman nabahiran ng panibugho para sa anak. Mayroon din kasing pagmamahal-ina para sa pamangkin ng asawa. "Ano'ng gusto mong malaman tungkol kay Nadine?"

         "Ano po ba ang paborito niyang bulaklak?" untag niya. "Pati sa pagkain, ano ang gusto niya at ang ayaw niya."

         Nag-isip sandali ang butihing ginang bago ngumiti nang buong tamis. "Rosas na kulay pula ang gusto ni Nadine. Sa pagkain naman, paborito niya ang prutas at gulay. Pati piniritong isda at manok," umpisa nito. "But actually, hindi naman pihikan si Nadine. She can always make the best of a situation. Nagpapasalamat nga ako at napakabait pa rin niya sa aming anak. I'm afraid, we've spoiled Marissa terribly," pag-amin nito.

         Hindi nagkumento si Teo dahil tutoo ang sinabi ng kasayaw.

         "Ang tutoo, kaya hindi sumama si Nadine sa kasayahang ito ay dahil ayaw ni Marissa na may kaagaw sa atensiyon," patuloy pa ng ginang. "Maganda rin kasi si Nadine, basta't mag-aayos lang."

         "You also love Nadine," Teo stated calmly.

         "Oo naman. Kahit na sino ay napapamahal kay Nadine, except Marissa, of course."

         "Why, of course?"

         "Well, mga bata pa sila ay meron nang rivalry. Only on my daughter's part, mind you," paliwanag ng ginang. "At kahit na walang ganti mula kay Nadine, nagpatuloy lang iyon hanggang sa magdalaga sila."

         "I see."

         Ang nakintal sa kanyang utak ay ang tungkol sa dahilan ng hindi pagdalo ni Nadine sa party.

         Umiiwas na magalit ang pinsan.

         Napakamaunawain at mapagbigay na babae. He had fallen in love again withNadine.

         "Hay, iho, pagpasensiyahan mo na ako sa mga pinagsasabi ko, ha? Naparami na yata ang champagne na naiinom ko." Saka lang napagtanto ni Mrs.Mercado na nagiging disloyal ito sa sariling anak.

         The said daughter was scowling at the two of them when they finished the dance.

         "Ako naman, Mama," insisted the spoiled Marissa.

         "Oo naman, anak." The mother glanced at him apologetically.

         He just gave an imperceptible nod. "Thank you, Mr. Mercado. Your wife is a pleasant partner."

         "Salamat, iho." Tumawa ang matandang lalaki. Inaya din nitong magsayaw ang asawa. "Tayo naman, sweetheart."

         Nakasimangot pa rin si Marissa habang nagsasayaw sila. Hinihintay nitong aluin niya.

         "Hindi ka man lang ba magso-sorry?" untag nito nang hindi makatiis.

         "Bakit naman ako magso-sorry?" kunwa'y maang niya.

         "Basta ka na lang nakipagsayaw sa iba."

         Kumurba pataas ang isang makapal na kilay. "Hindi iba ang Mama mo, Marissa," he pointed out curtly.

         "Ibang babae na siya para sa akin," bawi ng dalaga. "Dahil nagiging kaagaw ko pa siya sa atensiyon mo."

         "I'll let you know something important, Marissa," salo niya. Pigil ang tono. "I don't like over-demanding and over-jealous women. Pasung-paso ako sa mga ganyang tipo. Kaya kung gusto mong huwag akong lumayo sa 'yo na parang napaso, behave yourself!"

         "Oh, Teo!" bulalas ng babae. Tila kinikilig pa. "I, myself, like macho men!"

         Parang ibig tumingala ni Teo upang humingi ng dagdag na pasensiya. Ngunit nagkibit-balikat na lang siya at ipinagpatuloy ang pakikipagsayaw ni Marissa.

         He did not mind dancing with her all night long, dahil abala siya sa kaiisip ng mga strategy para sa balak niyang panliligaw kay Nadine.

         He planned to woo the woman of his dreams.

         Kahit na wala itong pagtingin sa kanya...?

         A, gagawin niya ang lahat para makamit niya ang matamis na 'oo' ng dalagang iyon!

         "Teo!"

         Naputol ang paglalayag ng isipan ni Teo. "Ano'ng sinasabi mo, Marissa?" tanong niya agad.

         "Ang ibig mong sabihin, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi mo pala ako naiintindihan?"

         "The music is very loud. This atmosphere is not conducive to any conversation," katwiran niya.

         "Then, let's go outside," aya ng dalaga.

         "No."

         "Why not? It's stuffy in here. I need some air," she wailed.

         Sandali lang siyang nag-alinlangan.

         "This is the way to the garden," wika niya habang hinihila palabas ang babae.

         Iniluwa sila ng isang french doors sa hardin. Wala nang gaanong tao sa bahaging ito ng bakuran. Palibhasa nasa gawi ng nakahiwalay na servants' quarters at storage shed.

         Yumapos agad sa kanya si Marissa nang makarating na sila sa madilim na bahagi.

         Teo let her do the kissing. The chit knew her trade so much.

         Her mouth and tongue ravished him with voracious appetite.

         Para bang isa siyang masarap na pagkain na pinapapak.

         After several minutes, she was able to arouse his body. Although his mind and his heart remained detached.

         "Enough, Marissa," wika niya. Bahagya na siyang hinihingal ngunit malinaw pa rin ang isipan niya. He was disturbed by a feeling of 'dejavu'.

         "I want you, Teo," pahayag ng liberated na babae.

         "Stop it, Marissa." Itinulak niya ito palayo.

         She mewled softly, just like a recalcitrant kitten.

         "Gusto kita, Teo. Bakla ka ba?" panghahamon nito, but still in a seductive voice.

         "Don't be provocative, Marissa," saway niya, in tight-lipped fashion.

         Tumawa nang patudyo ang babae. "Bakla ka yata, e," patuloy nito.

         "Halika na nga, pumasok na tayo sa loob," he replied tersely.

         Hinila niya ito pabalik sa pinanggalingan.

         "Teo, ayoko--" She dug her heels into the grassy earthfloor of the garden.

         Binitiwan niya ito. "Kung ayaw mo pang pumasok, sige, maiwan ka muna dito," aniya bago maliksing lumakad palayo.

         "Hey, wait for me, Teo!" bulalas ng nabiglang dalaga. "Huwag mo akong iwanan dito. Natatakot ako!"

         "Bumalik ka na lang sa pintuang dinaanan natin kanina, Marissa," he said aloud without looking back.

         "Teo!"

         Ngunit tuluy-tuloy lang siya sa paghakbang hanggang sa makarating siya sa sidedoor na patungo sa study room.

         Doon, uminom uli siya ng alak hanggang sa sunduin na naman siya ni Manang Saning.

         The old woman looked tired and sleepy, but she was still smiling. "Sir,magpapaalam na raw ang mga bisita."

         Tumindig uli siya. "Good," ang maikling wika niya.

         Nagkangitian silang mag-amo bago tumalikod ang matandang babae upang ipagpatuloy ang pag-aasikaso sa nagaganap na kasayahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status