CHAPTER NINE:
NAGSIMULA ang ikalawang aklat ng mahabang bangungot sa buhay ni Nadine, nang ipatawag siya ni Marissa sa bagong bahay nito.
Nakataas ang noo nito at nakaupo sa isang magarang sofa na animo isang diyosa ng kagandahan.
Suot nito ang isa sa mga nightgowns na ubod nang nipis at ikli. Nakalantad ang mahahaba at makikinis na binti at hita.
"May kailangan pa ba kayo, Ma'am Marissa?" tanong ng may edad na babaeng utusan.
Tila hindi na agad nito kasundo ang bagong amo.
"Wala na, Saning." Lalong naging arogante ang dalagang pinsan.
Bubulung-bulong ang mayordoma habang lumalabas
CHAPTER TEN: NADINE, mahal kita... mahal kita... mahal kita...! Umalingawngaw sa lahat ng sulok ng diwa ni Teo ang mga katagang iyon. He was practically begging! Nais nang kagalitan ni Teo ang sarili. Ngunit hindi niya mapalis ang pagsusumamo sa kanyang tono. "Nadine, sumama ka na sa akin. Ilalayo kita rito," pang-aamuki niya. God, he needed this woman as much as he needed breathing to live! Kailanman, ni sa hinagap, hindi niya nakita ang sarili na makakaranas kung paano ang manikluhod sa isang babae. He had been a 'Don Juan' in the past years. Women had come and went. 
CHAPTER ELEVEN IBIG manggigil ni Teo ngunit hindi niya alam kung ano ang dapat gawin para maiwaksi ang emosyon na nagpapahirap sa kanya. Love was a terrible disease. It only inflicted pain to his unsuspecting heart. Akala niya, masarap ang magmahal. Katulad ng malimit sabihin ng mga kapatid niya. Deep inside him, there was a silent wish. A secret longing to have his own someone special. Nakakainggit na kasi ang ibang ka-pamilya niya. He also wanted the comfortable companionship between his parents. He liked the warm relationship shared by his kins with their respective partners.&nbs
CHAPTER TWELVE: "BAKA naman nag-aalala ka lang na magseselos si Marissa kapag isinama ka namin?" Naalalang itanong ni Uncle Peping iyon nang papalabas na siya matapos magpaalam. Napapatda siya. Dahan-dahang umikot upang muling humarap. "Hindi po naman sa gan'on, Uncle. Kaya lang, dapat po siguro, siya at si Mr.Montes ang isinasama ninyo. Panahon pa po ng pulot-gata nila, hindi po ba?" Seryosong-seryoso si Nadine kaya nagulat pa siya nang marinig ang pagtawa ni Auntie Moring. "Tila susunod na sa yapak ni Marissa si Nadine, oy. Aba'y alam na niya ang tungkol sa pulot-gata, o?" Napahiya si Nadine. Paano'y tutoo naman na may alam na nga siy
CHAPTER THIRTEEN: SA unang pagkakataon, nagmatigas si Uncle Peping sa pagtanggi sa gusto ng anak. "Hindi puwedeng diyan sa 'yo mamirmi si Nadine, Marissa," the old man reasoned in a cajoling tone. "Bakit naman hindi, Papa?" muktol ng anak habang ipinapadyak ang isang paa. "Gusto ko, kasama ko si Nadine--para may mag-alaga sa akin." "Puwede naman ang gusto mo, anak--pero hindi maaaring diyan na rin tumira si Nadine." Ipinadyak uli ng anak ang paa kaya muling lumagutok ang suot na high heelssa sahig na marmol. "A, basta!" Nagdabog na nang nagdabog si Marissa. "Basta, gusto kong dito tumira si Nadine!" Nagnakaw ng sulyap si Nadine sa kinar
CHAPTER FOURTEEN: SA wakas, matapos ang matiyagang paghihintay, nakakuha rin ng magandang tiyempo si Teo. Everyday, Nadine went to his house to serve as a stay-out personal maid for Marissa. The woman was elusive and slippery. Nadoble ang pagiging mailap at maingat nito. Nagagawang mawala kapag lumilitaw siya sa isang lugar. He had to wait and wait and wait... At habang naghihintay siya ng tamang pagkakataon para makapiling uli ang babae, patuloy siyang nagiging bingi sa mga paalala ng kanyang konsensiya. Paano'y hindi naman niya kayang maging matatag at matibay kapag tungkol kay N
CHAPTER FIFTEEN: MATAPOS ang matamis na luwalhati, ang mapait na katotohanan naman ang pumalit. It was a very short 'high'. Mistulang epekto ng mamahaling droga ang mga sensasyon. The wonderful sensations were addictive and very brief. The happiness was a fleeting item. Para bang ibinulusok siya papaitaas at saglit na nanatili doon. Bago ibinulusok papaiba upang ihulog na naman sa kumunoy ng kasalanan. It was good while it lasts. Nang bumalik na sa normal ang pagtibok ng puso nila at ang paghingal, nagmulat ng mga mata si Nadine.&nb
CHAPTER SIXTEEN: "ORDER in the court! Order in the court!" Yamot na ang babaeng huwes sa paulit-ulit na pagsaway sa mga taong sumasaksi sa kontrobersiyal na kaso ni Teo Montes. Saka lang nagsalita ang prosecutor nang muling mamayani ang kapayapaan. "May I present the next witness, your honor?" "Yes, Attorney Paez." Hindi nakikinig si Teo. Lumilipad ang kanyang diwa. Nakatitig siya sa babaeng walang katinag-tinag sa pagkakaupo. Nadine, bakit hindi mo man lang ako dinadalaw? Sabik na sabik na ako sa 'yo, mahal ko! bulong niya sa hangin habang nakapikit. He thought of her sweet lips,
CHAPTER SEVENTEEN: BUMUNO ng limang taon si Teo sa 'loob' bago bumaba ang panibagong desisyon mula sa Korte Suprema. Napawalang-sala siya. Si Nadine rin ang naging daan sa paglaya niya--sa pamamagitan ng hindi paglitaw sa korte nang ipatawag ng mataas na hukuman. Her role was not that pertinent, after all. "Kumusta ka na, iho?" bati ng kanyang Mama habang hinahagkan siya sa magkabilang pisngi. Kinamayan siya ng kanyang Papa. "You look haggard. Kailangan mo ng isang mahabang bakasyon." He smiled at the old couple. "Kagagaling ko lang sa isang mahabang bakasyon, Papa," he quipped cyn